Chapter 9

238 10 2
                                    


Badtrip na ako buong araw nang dahil lang sa kanya. Ugh! He's so annoying! Simula palang kanina hanggang ngayon, hindi siya pumalya sa pang bi-bwisit sakin. Pakiramdam ko ay ginawa niya itong pa Team Building na 'to para lang inisin ako.

Naging masaya naman ang takbo ng lahat kahit na wala ako sa mood. Ang lahat naman ay nag-enjoy. Nandito ang iba't ibang mga doctor mula sa kani-kanilang departamento kasama narin ang kanilang mga nurses. Mabuti naman at walang nag usap tungkol sa hospital dahil drained na ang utak ko. Parang wala na akong gana na makipag usap ngayon.

Pag dating namin kanina ay si Ali talaga ang naging punong abala sa amin. From our baggage, and everything. She even managed to do a room arrangement for our team. Napapatawa nalang ako sa tuwing naaaligaga pa siya sa pag-aayos ng lahat. Well, thanks to her parin kasi kung hindi dahil sa kanya, ay hindi siguro kami organize ngayon.

Activities are also good. Ang mga doctor dito ay ginamitan talaga ng talino ang mga bagay-bagay. They don't do exert so much force but they can easily execute their plans. Amazing right?

Ali's so competitive. Hindi nag papatalo ang gaga! Hinihinila niya kung sino man ang makita niya oara lang makasali kami sa challenge and manalo. Hindi raw kami dapat na matalo, wala daw sa vocabulary niya 'yun. Napapakamot nalang ako ng ulo. I didn't know na ganito pala talaga siya.

"Sunset's so beautiful, right?" A guy asked me. I looked at him and notice that he is Bailey. I smiled at him. "Yeah, it's so relaxing. A really perfect view after a tiring day," I said. He sat beside me.

Nakaupo lang kami dito sa buhangin, enjoying the view in front of us. Nag papahinga ang lahat dahil napagod siguro kanina.

"Yes, like you," he said. Napatingin naman ako sa kanya. Pilit na iniintindi yung sinabi niya. Looking at him, ang masasabi ko lang ay ang gwapo niya. May pagka-korean ang dating kaya mas na-attract ako. May kaunting oppa!

We met kanina dahil nag kasabay kami kumain. We talked a little and hindi na nasundan 'yun dahil nag hold na sila ng activities.

Kumunot naman ang noo niya. Siguro ay nag taka na rin kung bakit ako naka titig sa kanya. I immidiately looked away. Did I got too obvious?

"H-huh?" Nauutal kong tanong. Naiilang talaga ako kapag may paganito agad sa mga nakakausap ko. He laughed at me, pero kaunti lang. "Sabi ko, ang ganda mo," pag tatagalog niya. I can say na hindi siya sanay na mag tagalog. I was a bit stunned by it.

Ano ba ang tamang isagot sa ganyang tanong?

"Do you have a boyfriend?" He curiously asked. Bahagya akong natawa sa tanong niya. "Wala. Wala akong boyfriend or something special," ayan. Sinagot ko na nang buo para malinaw ang lahat. His faced formed so amazed by what earlier. Ano naman? May mali ba?

"What's with that reaction?" Natatawa kong ani. Umiling siya sakin. "Do the filipino mens know what they are missing? I mean, are they blind or something?" He unbelievably asked me. Tuluyan na akong natawa sa sinabi niya. Oo nga naman 'no? Bakit hindi ko naisip 'yun.

"I know right! Hindi ko alam kung anong mali sa mga paningin nila," natatawa kong pag sangayon sa kanya. Alam ko naman na walang seryosohan dito, biro-biruan lang. Kaya nakikisakay nalang din ako.

We laughed together. I feel comfortable with him. This is rare for me, laughing with a stranger?

Napahinto lang kami nang biglang nag-ring yung phone ko.

"I'll just answer this call," I said and tumayo na. He smiled at me. "Sure," he answered. Nag simula na akong mag lakad palayo para masagot ko yung tawag.

"Hi, Sis! How are you? Ano nag enjoy ka ba? May 1 day ka pa!" Si Alleana.

"50/50 pa ako dito. Bakit ka napatawag? May problema ba?"

Make You Mine Where stories live. Discover now