Chapter 3

297 11 0
                                    


Busy ako sa pag aayos ng mga gamit ko at ng mga kakailanganin ko para sa examination mamaya. This is the day na pupunta kami sa Ateneo para ma-consult na yung mga bata. And ito rin ang araw na pinaka ayaw ko sa buong buhay ko.

Bumaba na ako para puntahan ang anak ko at mapakain na. She's Cleo Dela Cruz, 3 years old. Ipinagamit ko talaga sa kanya ang apelyido ko para hindi siya ma-trace o kung ano man ni Tyler. Avin suggested it para mas mapanatag ang loob namin.

Ayoko na makita ni Tyler ang anak ko. Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi siya tanggapin ng ama niya. Natatakot ako na baka pag dumating na sa oras ng pilian, ay hindi niya magawang piliin ang anak ko. I don't want her to question her worth. Ayoko na isipin niya na hindi siya karapat-dapat na ipaglaban.

I don't want her to feel the same pain I've experienced with her father before.

Pagka baba ko ay agad akong tinawag ng anak ko. "Mummy!" She shouted while showing me those little spoons she's holding. Agad akong napangiti at lumapit sa kanya upang mahalikan siya.

She's been my light ever since. Simula nung dumating siya, naramdaman ko na lahat kakayanin ko para sa kanya. Na lahat ng mga sakit na darating at ipaparanas sa kanya ng mundo, ay dapat kong kayanin na sanggain para hindi niya maramdaman ito. Dapat ako muna ang saktan nila, bago nila masaktan ang anak ko.

I was in med school noon nung nalaman ko na buntis ako. Hirap na hirap talaga ako, pero hindi ko sinukuan ang pag aaral. Gusto ko na maging proud sa sarili ko at pati narin ang anak ko. Ginawa ko ang lahat para makapag patuloy sa pag aaral. Gusto ko kasi na mabigyan siya ng maayos na buhay. Yung hindi niya iisipin ang mga bagay bagay. Kaya nung ipinanganak siya at nasilayan ko siya sa unang pag kakataon, nasabi ko talaga sa sarili ko na dapat mas lakasan ko pa at mag sikap pa akong mabuti. Para sa kanya, para sa aming dalawa.

"Good morning, anak. Did you sleep well?" Tanong ko habang pinupunasan ang bibig niya. Puro kalat na kasi, magaling lang mag pakain 'tong si Alleana, hindi naman marunong mag linis.

"Oh my gosh, Sis. Tinatanong pa ba 'yan? Of course nakatulog siya ng maayos! Hindi mo ba alam na being in my arms feels like a heaven?" Ani niya habang nakapikit pa. Dinadama ang bawat sinabi niya. Agad namang pinitik ni Avin ang noo niya. "You're hallucinating again. Cleo slept in my arms okay? And do you want to know the reason why? Because you're too loud daw!" He said mocking her sister. Inirapan lang siya ni Alleana. "You're so mean."

Cleo giggled. Napatingin kaming lahat sa kanya. "See? Even Cleo agreed to it. Diba baby ko?" Avin said sweetly. Sasabat pa sana si Alleana nang biglang dumating si Mama.

"Sus, ginoo kayong dalawa. Ang aga-aga pa para mag bayangan. Heto, kumain muna kayo at itigil niyo na muna 'yan," ani ni Mama at inilagay ang almusal na niluto niya. Agad namang pinanlisikan ng mga mata ni Alleana ang kapatid niya. "Si Avin ang nag simula Mama. Super bait ko po kaya," depensa niya.

Umiling lang si Mama at umupo narin kasama namin. "Anak, ako na ang mag papakain sa apo ko. Sige na, mauna kana at baka ma-late ka pa sa trabaho mo," ani niya at tumayo para malapitan si Cleo. Kumunot naman ang noo ko. "Ha? Wala kang pasok ma? Weekdays ngayon diba?" Tanong ko sabay tingin sa phone ko. Oh, weekdays nga.

"Mayroong Foundation Day ngayon sa school. Hindi na ako sumama at marami narin namang mga teachers ang nandoon. Mas mabuti pang makipag bonding nalang ako sa apo ko," she said. The three of us mouthed "Ah,"

"Mummy? Work again?" Nabaling ang atensyon ko sa anak ko nang tanungin niya ako. I heard them sighed. Tila'y sinasaksak ang puso ko sa tuwing mag tatanong siya ng ganito. I hate leaving her but I have to.

Tinignan ko siyang mabuti. "Yes, baby ko e. Kailangan ni Mommy na mag trabaho. Mommy has to work for your future. Para kapag lumaki kana, you can do whatever you want. Tsaka diba next year mag s-school kana? Kaya kailangan na mag ipon ni Mommy. Diba gusto mo 'yun?" Malambing kong tanong habang hinahawi ang buhok niya. Agad namang sumaya ang istura niya. "Yes, mommy. I want that po!" She happily said to me.

Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya. Kailangan ko nang umalis. Baka kapag na-late ako ay agad akong sisantihin nung Tio na 'yun. Kinuha ko na ang mga gamit ko at tumayo na.

"Hatid na kita, Sis," ani ni Avin. Napatingin ako sa kanya. "Libre?" Tanong ko. He laughed at me. "Of course! Ikaw pa ba. Alam mo namang ikaw lang ang pinaka maganda kong kapatid e," wika niya habang tinataasan ako ng kilay. Hays, itong mag kapatid na 'to.

Along the way ay nag kwentuhan lang kami ni Avin, medyo traffic din kasi dahil rush hour na. Habang papalapit kami sa hospital ay siyang unti-unting pag kabog ng dibdib ko. Shet, makikita ko na naman siya. Kahit na inis na inis ako sa kanya, hindi ko parin maiwasan na mapansin yung ka-gwapuhan niya. Yes, gwapo na siya noon, pero mas lalo siyang gumwapo ngayon! Nag matured nang kaunti yung mukha niya. But that made him look more handsome than before. His broad shoulders, also he got some really hot muscles and his biceps? And in the end, nakaka tunaw parin. Everything is just complementing his body.

I shrugged my self. Nako, ano ba 'tong mga iniisip ko.

Nang makarating kami ay nag paalam na ako kay Avin. Sinabi din niya na ipapasyal nila ang anak ko. Wala naman akong magawa kundi ang umoo. Spoiled sa kanila ang anak ko. Masaya ako dahil sila ang nasa tabi ko.

Nag lalakad na ako papasok sa hospital nang biglang may nag salita.

"Dr. Dela Cruz," ani ng isang seryosong boses. Napatingin ako sa paligid, pilit na hinahanap kung kanino nanggaling ang boses na 'yun. At nang makita ko ito ay agad akong natakot.

His cold eyes are staring directly to me. Bakas pa ang galit dahil sa sobrang pagka-seryoso ng mukha niya. Luh, ano na namang ginawa ko?

"S-Sir-" hindi na natuloy ang pag sasalita ko ng mag salita siya ulit.

"In my car, now," may diin sa pag kakasabi niya nun. But, what? In his car? Ano namang gagawin namin dun?

"P-Po? Bakit naman po? Wala naman po akong is-" he cutted me. Kabado na ako sa mga oras na 'to. Hindi ko alam kung bakit siya ganito pag dating sa'kin.

"If you're not going to do it, then... you're fired."

Make You Mine Where stories live. Discover now