Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala. Is he hitting on me again? Did he planned all of this? Papahirapan niya ba ako? Gaganitihan niya ba ako?Kung oo, bakit naman? Wala naman akong ginawang masama. Hindi ko naman siya sinaktan. Siya pa nga yung nanakit e. Handa naman akong lumaban kasama siya, pero hindi siya sumama. Naduwag siya.
Hindi ko naman kasalanan na hindi niya ako pinandigan noon diba?
Habang nag lalakad ako patungo sa aming tahanan ay pilit ko siyang inaalis sa isipan ko. Okay na ako, okay na dapat ako. It's been years, dapat ay magaling na ang mga sugat na iniwan niya sakin. Tsaka, hindi nila ako pwedeng makitang ganito.
I'm over him.
Napansin ko na may naka park na dalwang kotse sa tapat ng aming bahay. Napairap ako sa hangin dahil alam ko na agad kung sino yung mga 'yun.
Gosh, pang gigigilan na naman nila yung anak ko at iiwan na naman saking marami ang kurot at pasa.
Agad akong nag lakad at pumasok sa bahay namin. Pagka bukas ko ng pintuan ay hindi nga ako nag kamali, nandito na naman sila.
Agad silang napatingin sa'kin at kinawayan ako.
"Hi, Sissy! I've missed you!" Bati sakin ni Alleana, my step sister. Ngumiti akong hilaw sa kanya. Agad namang bumati ang kakambal niya. "Me too, Sis!" Ani ni Avin. Umirap ako sa kanya at inilagay ang bag ko sa upuan.
"Really? You both missed me? Like, Gosh! Galing lang kayo dito nung nakaraang araw at ngayon, nandito na naman kayo. And as far as I can remember, may bahay naman kayo diba?" Ani ko habang tinatanggal ang coat ko. Palagi nalang silang tumatambay dito. Higit namang mas malaki ang bahay nila at mas komportable kung ikukumpara mo sa aming tahanan.
Nag katinginan silang dalawa at tinawan lang ako. See? Laging nag kakasundo ang mga putek.
"Hm, napaisip ako dun ako dun ha," ani ni Alleana at binitiwan ang anak kong kanina pa niya pinang gigigilan. "Why don't you live with us then? I mean, our house is very big and comfy, I'm sure Cleo would like to stay there," suggestion niya. Hay, ito na naman po kami. "I couldn't agree more," sabat pa nung kakambal niya.
Hindi ako sumagot at lumapit ako sa anak ko. Hinalikan ko ang noo niya at tumabi sa kanila.
"Ano ba kayo, alam niyo namang okay na kami dito e. Tsaka ayoko rin makitira sa bahay niyo," ani ko at binuhat ang anak ko. Mukhang pagod na kasi kakalaro e.
"Bahay natin, Clarice," diin na sabi ni Avin. I sighed. "Fine. But even though, maayos naman na kami dito," They've been wanting us to live with them. Noon pa nung mga panahong nalaman nila na buntis ako. Ang dami nilang mga dahilan, nag sanib pwersa pa sila para lang makumbinsi kami ni Mama, pero wala e. Ayaw talaga namin, may hiya pa naman kami ni Mama.
"Alam niyo, kayo lang yung mga taong inaaya pa yung kapatid niyo sa labas na tumira sa bahay niyo," natatawa kong ani sabay irap sa kanilang dalawa. Inirapan din ako ni Alleana. "Hey. Don't you dare call yourself like that. I don't like it. And look, never ka naming tinuring na ganoon, dahil hindi nung mga panahong kami yung nangangailangan ng kalinga at pag mamahal hindi kayo nag dalawang isip na tanggapin kami at ibigay sa amin 'yun. So stop that," she seriously said to me. I smiled at her.
I am Clarice Dela Cruz. 25 years old. Anak ako sa labas ni Vincent Dela Cruz. He's a billionaire. Avin and Alleana is his legal children. As much as I wanted to not use their surname, their dad insisted it. Nahihiya kasi ako, anak ako sa labas. Ayoko lang sila mapahiya. Kaya sa tuwing may nag tatanong kung anak ako ni Vincent Dela Cruz ay agad kong sinasabi na baka ka-apelyido ko lang.
Their mom died after she gave birth to them. I couldn't imagine the pain they've felt nung nalaman nila 'yun. Sabi ni Mama na their Dad knocked at our door habang dala-dala silang dalawa. Nag susumamo na tulungan siyang alagaan ang mga ito. I am just a product of mistake. Pero gayupaman, hindi nag dalawang isip ang Mama ko na tanggapin silang dalawa. Pero kahit maging ako man, iniisip ko palang na mawawala si Mama sa tabi ko, parang hindi ko na kakayanin. She's been with me from the start. Kahit nalaman niya na nabuntis ako, she never said anything wrong to me. She guided me throug the years at tinuruan kung paano maging isang ina.
She's a Teacher. Kahit na medyo nahihirapan siya, pinag patuloy parin niya ang pag tuturo para mabuhay kaming tatlo. Kaya sinabi ko talaga sa sarili ko na once I passed the bar exam, I shouldn't be a jobless person. Gusto kong bumawi.
Kaya rin siguro hindi galit ang dalawang ito sa amin ni Mama. In fact, Mama ang tawag nila sa Mama ko. Funny isn't?
Biglang umiyak ang anak ko. Agad ko itong niyakap at binuhat para maibsan ang pag iyak nito.
"But, how's work Clarice? Maayos lang ba ang lahat?" Tanong ni Avin. Dahan-dahan akong tumango. "A-Ah, o-oo naman. Maayos naman ang lahat," nauutal kong ani. Syet! Mahahalata nila ako nito. Tinaasan naman niya ako ng kilay. Ito na nga.
"Really? But your eyes seems didn't have the same feelings with you," he said while smirking at me. Bumuntong hininga ako. Naka titig lang silang dalawa sakin.
"Fine. It's not okay, I already met him," I said while tapping daughter. Halata naman sa ekspresyon nila ang gulat ngunit agad din itong napalitan ng inis.
They know what happened dahil pinilit nila ako na sabihin sa kanila ang totoo. Silang dalawa ang nag protekta sakin upang hindi ako mahanap ni Tyler.
"Oh my gosh. Totoo? Then what happened?" Agad na tanong ni Alleana. Ngumuso ako. Hindi ko alam kung pinag ti-tripan niya ba ako o kung ano.
"Pakiramdam ko, pahihirapan niya ako. Siya kasi ang director ng hospital na pinag ta-trabahuhan ko," paliwanag ko sa kanila. Agad namang nag igting ang panga ni Avin.
"Fuck that bastard. You should not let me see him because I will break his fucking face," he said. Talagang hindi dapat. Dahil baka matanggal ako sa trabaho ko.
Alleana rolled her eyes on him. "Avin! I agree with you, okay? But be careful when you're cursing! Lalo na kapag Cleo's around," saway sa kanya ng kapatid niya. Napangiti naman ako. They really care for my daughter. They are willing to protect her what ever it cost.
"Fine, I'm sorry," pag hingi niya ng tawad. Agad namang ibinaling ni Alleana ang atensyon niya sakin.
"But back to you sis, what are you going to do? Like, anong nang plano mo? Don't tell me hahayaan mo lang siya na ganunin ka ha. Don't you ever tell me that. I mean, you're not a Dela Cruz for nothing," she said while shaking her head.
I sighed. "I don't know. I really don't know."
YOU ARE READING
Make You Mine
Fanfiction"You know that I won't stop until I make you mine." For her? Loving him is one of the most painful chapter of her life. But... after seeing her daughter's face? She knew that she did the right decision... (On-going) Disclaimer: All of these are us...