Kabanata 6

13 1 0
                                    


"Kanta tayo, girls?" Lasing na ata to si Amae.

"Tara!" Masiglang sagot ni Lawrence.

Umiling ako. "Samahan ko na lang kayo."

It's already passed midnight. Ang mga matatanda ay tulog na. I mean sina Tita at Tito. Kami na lamang ang naiwan rito sa labas kasama ang iba pa naming mga kaibigan. Nag pa-cater kasi sila Tita kanina. Pati mga kapitbahay namin ay nakisali. Karamihan sa kanila ay iyong mga tambay rito sa amin.

"Touch by touch... you're my all time lover!" Nag a-agawan na si Amae at Lawrence sa mic. I-isa lang kasi ito at gusto nilang mag solo. I'm fully aware they're already drunk na. Kinuha ko ang aking cellphone para kuhaan sila ng video. Rinig na rinig sa video ko ang malakas kong tawa.

"Skin to skin, come undone my cover.." Si Lawrence ay sumasayaw na at si Amae pa rin ang kumakanta.

"Tangina niyo!" Tumatawang sabi ko. Tila'y narinig ata nilang dalawa iyon kasi sabay silang lumingon. Feel na feel ni Amae ang kanyang kinakanta at tinuturo pa ako. Lumapit sa akin si Lawrence kaya agad akong nataranta.

Tatlong baso lang naman ang nainom ko kaya alam kong hindi ako lasing. Pinatigil na kasi nina Kalas at Enzo ang pag inom namin kanina. If he didn't do that? Siguro ay parehas na ako sa dalawa. Tumatawa si Lawrence habang hinihila ako papalapit kay Amae mas lalong lumakas ang tawa niya ng makita ang sunod-sunod kong pag iling.

"Oh guys?!" Sigaw ni Amae gamit ang mic. "Gusto niyo bang marinig kumanta ang ate niyong si Philomena Jahzara slash Jahjah Nynive?!"

She completed my name and shout it loudly. Nakakahiya sa mga kapitbahay at kina Tita na natutulog sa loob.

"Yes!" Nagulat ako dahil sa sagot ng mga kasama namin rito. Ginala ko ang aking paningin. Napangisi ako dahil nakatingin pala silang lahat sa amin. Even Enzo and his friends.

"Yes po, Teacher Amae!" Pilyong sigaw ulit ni Kalas. Wala na iyon kay Amae dahil parehas na silang nakainom.

"Very good kids!" She showed to them her thumbs up. "Come here ate mong Jahjah!" Hinila ako papalapit ni Lawrence sa kanya. She handed me the mic. Tipsy and looked so hyped out.

Huminga ako ng malalim. "Okey." Sagot ko gamit ang mic. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao. "Shh!" Agad kong saway sa kanila dahil mas lalong palakas ng palakas.

Nahagip ng paningin ko sina Landon na inaasar ang nakatayo nang si Enzo. Umiiling iling lamang siya sa kanila na natatawa. Our eyes met, he smile so I smile to him, too.

"Anong gusto niyong ka-kantahin ko?" Natatawang tanong ko sa dalawa. Agad silang kumilos at nag unahan sa pagkuha ng song book. Si Amae ang unang nakakuha dahil siya ang pinaka malapit.

"Zombie!" Sabay nilang sagot. Natatawa akong tumango. Both of them look so attentive. Tinype ni Amae ang number sa videoke.

"Oh walang mag vi-video ah!" Natawa ako sa ma awtoridad na pag sabi ni Enzo.

"Bente lang isang minuto, oh ano?" Skye bargained.

"Akin na mga cellphone niyo?" Rinig kong sabi ni Clinton.

Nag si-simula ng tumunog ang videoke. Kahit nakatalikod na ako sa kanila ay patuloy pa rin ang kanilang pag sigaw sa pangalan ko.

"Another head hangs lowly
Child is slowly taken
And the violence, caused such silence
Who are we mistaken?"

CromulentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon