Kabanata 13

16 1 0
                                    


"May dala kang camera, Jah?" Tanong sa akin ni Lawrence. Pati si Amae ay inaantay ang magiging sagot ko. Tumango ako sa mga kaibigan kong wala nang alam kung di ang puro mag picture!

Hapon na at gaya kanina ay hindi na mainitin. Nakahilera kaming lahat rito sa buhanginan habang ang mga matatanda naman ay sa sun lounger nakaupo. Katabi ko si Tita, ngunit sa buhanginan ako nakaupo.

"May court doon, mga dre!" Sabay kaming napatingin sa tinuro ni Landon. When it comes to Landon's mind? Puro basketball ang laman. Naging interesado naman agad roon ang mga lalaki. They stood up. Alam ko na kung saan sila pupunta.

"Maglaro na kayo roon!" Tumango si Tito Lorenzo. "Hindi na gaanong mainit,"

Agad akong tumingin kay Tita, she nodded. Nauna na ang mga kasama namin. Tumalikod ako kina Tita at muntikan ng maduwal dahil sa gulat kay Enzo. Hindi ko inaasahan na nasa likuran ko lang siya. He smells so good. Nakakatindig balahibo. Bagay na bagay sa kanya ang mga matatapang na amoy. Suits perfectly to his aura.

"Doon tayo," He pointed the bench where his sister was sitting. Sabay kaming tumungo papunta roon.

Nakaka intimidate ang dating ni Enzo para sa akin. Kung hindi lang kami mag kakakilala, I probably shivered because of awkwardness. 6 footers si Enzo habang ako naman ay 5'6 lang ang tindig. Maraming nag sa-sabi sa akin na ang tangkad na raw nun para sa edad ko.

I was contented of that until Enzo came. Biglang naging palaisipan sa akin kung bakit ganoon na lang ang tangkad ko.

"May mga kalaban pala kayo," I noticed the surroundings.

Enzo chuckled. "Play, play lang."

Nagkibit balikat na lamang ako sa kanya. Binilisan ko ang aking lakad para agad makalapit sa mga kaibigan kong busy'ng busy kakapuna sa mga lalaking naririto. I heard Enzo chuckled, again. Iniwan ko kasi siya roon. Nawala sa isip ko.

"Jah?" Tawag ni Lawren sa akin. Kanina ko pa naririnig ang kanilang mga hagikhik. Hindi ko na lamang sila pinapansin dahil busy ako kakatingin sa mga litratong kinuha namin kanina.

Biglang sumama ang timpla ng mood ko dahil wala man lang magandang shots para sa akin. Habang sila ay halos ibigay ko na ang lahat.

"Ano?!" Naiinis kong sagot kay Lawren.

"Oh bat na ga-galit ka?" Natatawang aniya.

Masama ko siyang tiningnan. "Tanga ka! Ang ganda-ganda ng kuha ko sa inyo tapos ang mga kuha niyo sa akin ang pa-panget! Tingnan mo'to oh! Hindi man lang ginitna ampucha!" Pinakita ko sa kanila ang litratong tinutukoy ko.

Sabay silang tumawa, pagak na tawa. Nag simula na silang mag si-sihaan. They're look ridiculous. Hanggang sa nag u-umpisa ng maglaro sina Enzo ay hindi pa rin sila tumitigil.

"Tanga ka ba? Ginagalaw mo kasi ako!" Banat ni Amae kay Lawrence.

"Bonak! Ako ang kay hawak ng camera tas a-agawin mo! Na distract tuloy ako, kaya naging panget ang kuha!" Sago ni Lawren.

"Panget ka kasi talaga kumuha!" Sambit ni Amae.

I rolled my eyes before I turned to them. "Tama na nga yan!" Naiinis kong saway sa kanila. Nag sukatan mo na sila ng tingin bago tumahimik at makinig sa akin.

The game ended, as usual sila pa rin ang panalo. Wala na dapat debate na maga-ganap roon. Lahat sila ay may kanya kanyang galing. Ngunit hindi dahil gusto ko si Enzo ay siya ang pi-piliin kong magaling. It's a no. Si Landon talaga at wala ng duda pa iyon. It's always him.

CromulentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon