Kabanata 7

12 1 0
                                    


"Oh my gosh!" Singhal ko.

Nakaawang ang aking bibig habang dahan dahang nilalabas ang box na puti na may lamang gusto kong camera.

"Tita! Oh my gosh!"

Umiling iling si Tita sa akin, nakangiti at pinipigilang tumawa. Nilapag na niya ang hawak niyang baso, she placed it on the small table where I put the box of the camera. Nakaupo siya roon na punong puno ng galak ang mga mata.

Canon EOS R Mirrorless Digital Camera

"Can I curse, Tita?" Biglang sumama ang mukha ni Tita. Kaya agad ko rin namang binawi. Gusto ko lang namang i-express ang kasiyahan ko.

Agad kong kinuhaan ng litrato ang bago kung camera at senend sa group chat naming tatlo. Akala ko'y tulog pa sila ngunit sabay silang nag seen. Tinalian ni Tita ang hanggang balikat ko lamang buhok.

"How about the other box, Jah?" Tanong niya habang bini-braid ang buhok ko. I stay still. Baka kasi sabonutan na naman niya ako mamaya eh!

"Pagkatapos mo po."

Then realization hits me. Dahan dahan kong binaba ang hawak hawak kong camera. Biglang napagtanto ang lahat.

"Saan naman kaya to galing, Tita?" Naramdaman kong napatigil sa ere ang daliri ng Tita kong nag tatali sa akin. She sighed and coughed a bit.

"Don't know." She said. "Probably from your sugar daddy!" Kalaunan ay natawa rin siya sa kanyang sinabi. Umiling na lamang ako.

Nang natapos sa pag tatali sa buhok ko si Tita ay agad naman siyang bumalik sa kusina para asikasohin ang pagkain namin mamayang tanghalian. Huminga ako ng malalim bago lumapit sa isa pang malaking box. Matagal ko iyong tinitigan bago kuhain ang cutter para gamitin sa pag bukas.

My mouth parted again when I saw what's inside. Agad kong nilabas ang mga laman. There's a lot of girly things and dress. I counted the clothes inside of the box while pulling them out.

Maraming damit at mga shorts, mga trendy clothes. May dalawang box rin ng sapatos. I know both of them are so expensive, limited edition lang kasi iyon. I visited their site yesterday. Pagkatapos ilagay lahat ng damit sa sofa ay muli akong lumipat sa box. Then I saw a lot of chocolates. Mas lalong lumiwanag ang mata ko nang makitang lahat ng gusto kong chocolate ay naro-roon.

Kakatapos ko lang maligo ng muli ko nanamang marinig ang boses ng dalawa kong kaibigan sa baba.

"Tita nag luto po si Mama ng pancit bihon." Rinig kong sambit ni Amae.

"Talaga para saan daw?" Interesadong tanong ni Tita.

"Meryenda lang daw po natin mamaya."

Dumapo sa akin ang kanilang mga mata. Nakasuot ako ng malaking yellow shirts na may desenyo sa harapan at likod at kulay itim na shorts. Basang basa pa ang aking buhok. Kinuha ko sa harap ng salamin ang suklay bago tuloyan ng lumapit sa kanila.

"Sama ka?" Agad na tanong ni Lawrence sa akin. Nag taas ako ng kilay sa kanya, gustong malaman kung saan.

"Sa Phase II, may liga sina Kuya." Nakangising aniya. Agad naman akong naging interesado sa kanyang sinabi. Bago pa ako makasagot sa kanya ay nagsalita si Tita.

"Sumama kana dun, Jah! Shipper niyo ako ni Enzo eh!" Nagtawanan silang tatlo. Bigla naman akong nahiya.

"Ayun naman pala eh! Ma-tsismis nga to kay Kuya!" Tumatawang sambit ni Lawrence.

"Aba, dalaga kana nene!" Kiniliti ni Amae ang tagiliran ko.

Inantay muna naming matapos ang nilulutong ulam ni Tita. We ate the lunch with my two friends. Naliligo si Tita kaya sinigaw ko nalang sa pintoan ng kanyang banyo ang paalam ko.

CromulentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon