Kabanata 8

14 1 0
                                    


Sa labas kami ngayon nakatambay. May kung anong pinag kakaabalahan ang mga lalaki sa kanila-kanilang cellphone habang kaming girls naman ay kanya kanyang pose at kuha ng litrato.

"You stand over there!" Turo ko sa malapit sa puno. Agad namang sinunod ni Amae ang sinabi ko. We took almost hunded of photos at ang nakakatawa dahil twenty to thirty lamang ang nagustohan.

Umupo ako sa tabi ni Enzo. Saglit siyang lumingon sa akin at muling binalik ang atensyon sa cellphone. They're playing!

"Tangina saan kana, Landon?"

"Tanginanyo wag kayong pabuhat!"

I rolled my eyes because of the boys words. Muli akong sumilip sa cellphone ni Landon at binalik sa cellphone ko para makita ang oras.

"Hindi pa ba mag u-umpisa?" Tanong ko.

"Maaga tayo nakarating rito, Jah. We still have twenty minutes." Sagot niya sa akin ng hindi ako tinitingnan. Ngumuso ako. Parang biglang pumasok sa isip ko kuhain ang cellphone niya at itapon!

"Bakit?" Tanong niya sa akin ngunit saglit lamang ang tingin. "Gusto mo na bang umuwi?" Agad akong umiling sa kanya. Probably he didn't see that. He's too occupied to his phone! Tumayo ako.

"Bibili lang ako ng pagkain." Paalam ko. Nagulat ako ng binaba niya ang cellphone niya at nasa akin na ang buong atensyon.

"Tara?" Sabi niya. I showed him my poker face. Nagugulohan siyang nakatingin sa akin. Gusto kong pag tawanan ang gwapong mukha niya!

"Tangina Enzo support!" Sabay kaming napatingin ni Enzo sa nangagalaiting si Creed. Nakatuon siya sa kanyang cellphone, all of them maliban kay Enzo. Hindi niya nakikita na nag u-usap na kami ni Enzo.

"Enzo tang-"

Natigil iyon sa ere ng makita niyang nakatingin kami sa kanya. Bigla niyang tinikom ang kanyang bibig. May gustong sabihin ngunit pinipigilan ang sariling wag mag salita.

"Kami na lang ang sasama kay Jahzara, Kuya." Natatawang sambit ni Lawrence. "Baka umiyak yan si Bebe Creed, eh!" Sabay tumawa ang dalawa kaya pati ako ay napatawa na rin.

"Oo nga. Kami na lang." Sabi ko kay Enzo. Matagal siyang tumitig sa akin. Hindi kumbinsido ngunit mas lalo akong ngumiti sa kanya. He then sighed in defeat. I smile, feeling proud of myself.

"Diyan sa kabilang kanto may malaking tindahan diyan!" Paalala ni Enzo. Medjo nakalayo na kami sa kanila. Tumama ang mga mata niya sa akin. Kinilabotan ako sa hindi malamang dahilan. There's something on his stare. Tumango na lamang ako kahit hindi siya naiintindihan.

Ilang minuto ang tinagal ng aming pagtabi dahil sa sunod sunod na apat na sasakyang pa-pasok sa parking lot ni court, sa may bandang likuran.

"Dami namang sasakyan?" Kunot noong tanong ni Amae.

"Sino naman kaya yang mga yan?" Tanong ko.

Nagkibit balikat si Lawrence. "Baka mga taohan lang yan ng munisipyo." Sagot niya.

Bumili ako ng dalawang boteng tubig. I also bought a chocolate biscuit. Ito kasi ang unang nakita ko sa tindahan nila. Kulay pula ang balot at hugis donut ang laman. It's so yummy!

"Dito ka lang muna Jah ah?" Biglang sabi ni Amae. "Wala silang load eh, pa-paload lang kami ni Lawren." Tumango ako.

Umupo ako sa upuan habang kinakain ang chocolate biscuit ko. Pang pangatlo ko na ito. Tutok lamang ako sa cellphone lalo na't nakita ko ang mensahe ni Enzo, ilang minuto na lang pala ay mag u-umpisa na sila.

Inunat ko ang aking mga paa, to relaxed a bit. Ngunit agad din akong napa singhal ng may nakaapak sa paa ko. Kumunot ang noo ko dahil sa sakit.

"Holyshit! I'm so sorry, miss!" Boses ng natatarantang lalaki. Agad akong nag anggat ng tingin. Muntikan ko nang maibato sa kanya ang pagkaing hawak hawak ko dahil sa gulat at inis.

CromulentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon