Mabilis lumipas ang araw. Dalawang linggo na ang nakalipas. Ngunit sariwa pa rin sa aking isip ang pagtalikod ni Enzo sa akin. Hinihiwa ang aking puso ng matulis na kutsilyo sa tuwing sumasagi iyon sa aking isipan.Dalawang linggo na rin ang hindi ko pag uwi sa aming bahay. Naiwan ko si Cookie roon at alam kong kinuha na iyon ni Enzo. Wala ng rason pa para bumalik ako maliban na lamang sa aming bahay.
Sa loob ng dalawang linggo ay umalis na rin si Tita sa bahay. Wala akong ni-isang alam na dahilan kung bakit siya lumayo at umalis. Sa loob rin ng dalawang linggo na iyon ay tanging na sa loob lamang ako ng mansyon. Walang ganang pumunta kung saan-saan.
I heard a knock.
"Come," I said.
Agad akong napatayo ng makitang pumasok si Mama Susan. Nakangiti siya habang sinusuklayan ang aking papahaba ng buhok.
"Nasa labas na ang designer ng gown, anak." She said softly.
Huminga ako ng malalim at tumango. "Let's meet them na'po."
Ginawa na namin ang lahat para mapadali ang kasal namin ni Lucas. Palagi na kasing inaatake si Papa. Kailangan na naming mag madali. Kailangan na naming mag pakasal ni Lucas habang maaga pa ang lahat.
"You probably look pretty on that gown, Jah!" Masiglang sang ayon sa akin ni Amae. Napangiti ako.
"You think?" I asked. Nakangiti siyang tumango-tango. Tanging si Amae lamang ang natira sa aking tabi na taga Katarungan. Sa kanya ako kumukuha ng lakas ngayon at siya rin ang tumutulong sa akin para maging madali ang lahat.
Hapon na ng matapos namin ang session. Pinag meryenda muna ni Mama Susan ang mga designer bago umalis.
Naiwan kaming dalawa ni Amae sa labas kung saan ang area ng swimming pool. Nakaupo siya sa lounger habang ako naman ay sa tabi niya. Huminga ako ng malalim. Unti-unti ng gumagaan ang pakiramdam.
"Bumalik na ba siya sa camp?" Mahinang tanong ko.
Matagal akong tiningnan ni Amae at huminga ng malalim bago tuloyang humarap sa akin. "Hindi pa. Hindi pa ngayon ang balikan nila, Jah. It still summer."
Tumango ako, "So he's still in Katarungan?" Mahinang tanong ko. Natatakot na baka may makarinig sa aming pinag u-usapan.
Pagod na tumango si Amae, "Yes. Do you want me to help you?"
Agad akong umiling. "No! No, tinatanong ko lang." Pilit akong tumawa.
Dahil sanay na sanay na ako sa parati naming ginawa ni Enzo tuwing gabi ay tinabi ko ang aking laptop. Sa ganitong paraan ko kasi napapakalma ang sarili sa tuwing may break down tuwing gabi.
Dalawang linggo na ang nag daan ng hindi namin nakikita ni Enzo ang isa't isa. Ngunit damang-dama ko pa rin ang kanyang labi na nilalandas ang aking buong katawan. Hindi-hindi ko pinag sisihan ang nangyari sa amin noong gabing iyon. I love every bit of it.
Tanghali na ako nagising kinabukasan. This is not my usual routine. I'm a morning person but something is bothering me every night kaya dahil na rin sa pagod ito. I did my morning routine.
Kanina ko pa tiningnan ang aking cellphone. Paulit-ulit hindi dahil inaasahan ang tawag ni Enzo. Ang kapal naman siguro ng mukha ko kung ganoon nga, sinaktan ko yung tao, tinapos na parang wala lang. Ngunit mas lalo namang kumirot ang aking puso ng makita ang reaksyon ni Enzo ng sabihin kong tapos na kami. Parang wala lang din sa kanya.
Huminga ako ng sobrang lalim. Walang text at tawag na nangagaling kay Tita. Unti-unting namumuo ang luha sa aking mga mata.
"Mama.." Humikbi ako.
BINABASA MO ANG
Cromulent
General FictionProtective Series: 2 Status: completed Choosing between him and my family. He did force me to choose my family without knowing his side. Previous Title: Meet You on the Other Side.