CHAPTER 14

11.3K 86 0
                                    


Ilang buwan ang Lumipas at walang Bryle ang nagpakita sa kaniya. Ipinagpatuloy niya ang Pag-aaral at mas pinagbutihan pa.

Ngayon ang araw ng kanilang pagtatapos. Wala man siyang natanggap na parangal ay masasabi niyang Masaya na siya dahil natapos niya ang kaniyang pag-aaral.

Ang mommy at si Sir. Ryan ang sumuporta at nagpalakas ng loob niya sa mga nakalipas na araw. Hindi niya alam kong bakit ganon siya ituring ni Sir. Ryan ang naiisip niya nalang ay namimiss nito ang anak anakan niyang si Bogs. Kinuha na raw kasi ito nang tunay nitong magulang kaya pala nawala nalang siya nang bigla.

"Isabel? Tara picture tayo ni Beth" Turan ni Loisa na siyang kumuha pa nang photographer para sa masayang araw na ito.

Todo pacute at smile naman ang ginagawa namin sa picture dahil isa itong magandang memorya na dapat pahalagahan.

"Anak may sorpresa kami sayo" masayang turan ni Mommy

Bigla namang kumabog ang puso ko dahil sa sinabi niya. Ngayon ang pagsasama namin ay masasabi kong mas maganda at mas matibay na kaysa noon. Lumalala man ang sakit niya ay nakikita kong nilalabanan niya ito. Salamat na rin kay Sir. Ryan dahil siya ang laging kasama nito at nagiging katuwang namin.

"Ano yon ?" ngiting ngiting tanong ko.

"Sekreto muna. Tara na umuwi na tayo dahil siguradong matutuwa ka sa sorpresa namin" Turan naman ni Sir. Ryan.

Masasabi kong napakagaan ng loob ko sa kaniya. Siguro dahil sa pakiramdam ko ay tinuturing niya akong anak.

Agad agad kaming sumakay nang kotse at masayang nagtatawanan pauwi nang bahay.

Nagulat kaming tatlo dahil biglang napahinto ang sinasakyan namin. Tinanong namin si Sir. Ryan pero nakatulala lang ito sa labas.

Nang makita ko ang mga nakamask na lalaki ay bigla akong kinabahan. Bakit sila nakaharang sa dinaraanan namin.

"Mommy natatakot na po ako" Turan ko habang hinawakan ang kamay niya.

"Anak huwag kang matakot andito lang kami." pagpapalakas nang loob ni mommy.

Biglang bumukas ang pinto nang kotse at nakita ko ang pagtutok nang baril nang isang lalaking nakatakip ang mukha at nakasumbrero.

"Anong kailangan niyo samin?" tanong ni Sir. Ryan

"Sumama kayo samin kong ayaw niyong butasin namin ang mga ulo niyo" Turan nito sabay takip nang panyo sa akin kaya nakaramdam ako ng pagkahilo.
----
Nagising nalang ako nang may bumuhos ng tubig sa akin. Nagulat pa ako dahil nakagapos na ang kamay at Paa ko sa upuan.

Pilit akong kumakawala pero masyadong mahigpit ang pagkakagapos.

"MOMMMMYYY" tawag ko sa mommy ko dahil wala akong makita dahil sa madilim ang paligid

"SIR. RYAANNNNN" tawag ko pang muli pero katulad kanina ay wala manlang na sumasagot.

Nagulat ako nang biglang may magsalita na satingin ko ay nang gagaling sa aking Likuran pero hindi ko yon makita dahil sa pag kakagapos ko.

"Naaalala mo pa ba ako Isabel." Turan nito.

"Sino ka?" takot na takot kong tanong.

"Aray ang sakit naman. Hindi mo ako maalala pagkatapos mo akong saktan" sabay tawa nito.

"Sino kaba ha? Bakit mo to ginagawa?" Turan kong muli

"Marami na kasi kaming nasasaktan mo kaya naman hindi muna ako maalala." Turan nito sabay Lakad papalapit sa akin

"Ikaw?" sambit ko na may halong pagkabigla

"Surprise beyb" sabay ngisi nito.

"Bogs? Bakit mo to ginagawa? Nasaan si Mommy at Sir. Ryan ha?" Inis kong tanong sa kaniya

MY DADDY LOVES ME 💗                         (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon