Limang taon ang nakakalipasNahihirapang Bumaba ang buntis na si Isabel sa sasakyan. Limang buwan na siyang buntis sa kambal niyang anak. Hindi niya akalain na matapos ang lahat nang mga nangyari ay magiging Masaya rin ang kaniyang buhay.
Pumunta na siya sa tatlong puntod na kaniyang binibisita tuwing linggo. Pagkatapos magsimba ay lagi silang nagagawi dito.
Ibinaba niya ang bugkos nang bulaklak sa tatlong puntod una niyang kinausap ang kaniyang mommy.
(CINDY FERNANDEZ)
"Hi mommy. Miss na miss na kita. Sana maging Masaya kana diyan ngayon dahil hindi kana nakakaramdam ng sakit. Ipagdadasal kita lagi dahil isa kang mabuting ina para sa akin kahit nagkaroon ka ng pagkakamali noon ay itinama mo parin sa mga huling sandali mo. Salamat mommy." kahit ilang beses na siyang dumadalaw dito ay naiiyak pa rin siya. Namatay ang nanay niya dahil sa sakit nitong stage 4 breast Cancer. Human niya sa mama niya dahil nakita niyang lumaban talaga ito sa huling sandali nang buhay niya.(RYAN FERNANDEZ)
"Hi daddy. Maraming salamat sa Maikling sandali na nakasama kita ipinaramdam mo sakin ang pagmamahal mo kahit matagal tayong nagkalayo. Maraming salamat daddy" Turan ko dito. Isang taon lang ng mawala si mommy ay namatay na rin ito.Sa kadahilanang hindi pagkain at tumamlay na ito ng mawala si mommy. Masasabi kong masaya ito noong mamatay siya dahil nakasama na niya ang taong minamahal.
Napatingin ako sa pangatlong puntod. Itinabi na namin siya dito dahil alam Kong naging parte na siya ng pamilya namin dahil kay daddy.
(Bogs Fernandez-Manalo)
"Alam kong nagawa mo lang ang lahat ng yon dahil sa akin. Inaamin kong nagkaroon ako ng pagkakasala sayo. Hindi ko gustong humantong sa ganito sana napatawad muna ako." sabay haplos sa puntod nito.Noong mangyaring nag agawan sila nang baril ni Bryle ay labis ang kaba niya nang makitang parehas silang natumba. Akala niya ay tinamaan ng baril si Bryle pero nang biglang pumikit at umagos ang dugo sa bandang puso ni Bogs ay nakahinga siya nang maluwag dahil hindi si Bryle ang tinamaan.
Nakaramdam din siya ng lungkot para sa nangyari kay Bogs."Mommy pasensiya na. Natagalan ako sa pag papark. Pumunta rin kami sa malapit na Ice cream parlor para bilhan tong anak natin. Jusko ang hilig hilig sa Ice cream dahil ang init init ngayon ." Turan ni Bryle na nakakunot pa ang nuo habang hawak hawak si Violet ang tatlong taong gulang na anak namin.
" Mommy kiss mo nga ako para matanggal tong pagkairita ko dahil ang init sa pinas." reklamo niya pa. Piningot ko naman dahil hawak hawak niya ang anak namin pero nanghihingi na ng kiss.
Mula noong matapos ang gulo at napagtapat na sa akin ang katotohanan na hindi ko naman siya Tunay na ama ay Masasabi kong naging maganda rin ang resulta dahil malaya na kaming mahalin ang isa't isa.
Syempre hindi kami nakaligtas sa chismis kaya nagpakalayo layo muna kami at pumunta nang America para na rin maipagamot pa sana si Mommy pero hindi na talaga nito kinaya.
Ngayon isang buwan palang kaming nananatili sa pilipinas. Noong namatay kasi si Daddy ay nag stay kami sa America pero dahil dito naman talaga kami pinanganak at totoong naninirahan ay minabuti na naming mag stay dito.
Ngayon sobrang saya na nang buhay ng isang Isabel Madrigal kasama ang kaniyang asawa na si Bryle Madrigal at syempre ang tatlong bata na naging bunga nang kanilang pagmamahalan.
Ang masasabi nalang ni Isabel sa lahat ng nagbabasa nang kaniyang istorya ay
"My Daddy Loves me"
----------END-----------
BINABASA MO ANG
MY DADDY LOVES ME 💗 (COMPLETED)
RomanceAng Pagkakaroon ng anak ay tinatawag na isang biyaya. Pero Paano kong si Bryle at Cindy na kapwa pinilit ang isa't isa na ikasal upang lumago ang kaniya kaniyang kompanya ay magkaroon ng isang sanggol na pinangalanang isabel. Lumipas ang mga taon. M...