Avy's POV
"waaaa, kuya paki hinaan naman yang sounds mo! grabe ka talaga! hindi lang ikaw ang tao dito sa bahay!"
Aba tignan mo nga naman itong kuya kong to, parang walang narinig oh! Grrrrrr
"kuya pede ba mag headset ka nlng tas itodo mo ung volume! parehas din naman yun, para hindi ka naman nakakaistorbo ei noh!" sabi ko sa kanya pagpasok na pagpasok ko ng kwarto nya
"heh! wag ka ngang nakikialam dyan. Hindi naman kita pinapakiilaman pag kumakanta ka dyan sa kwarto mo kahit napaka sintunado mo ah!" sigaw ni kuya sakin
Argh!! panira talaga ng araw tong kuya kong to.
Close naman talaga kami nyang kuya kong yan ei sadyang kinaiinisan ko lng talaga yang napaka lakas nyang sounds lalo na tuwing umaga.
Kasama ko lagi yan sa mga kabaliwan ko ei.
Bumalik nalang ako sa kwarto ko at nag check nlng ng facebook account ko.
Woah! kahapon lng nmn ako hindi nagbukas ng facebook ah, bakit andami ko agad notif, message, at friend request?
Habang tinitignan ko ung mga nag friend request sakin
Para akong napako sa kinau-upuan ko ng makita ko ang pangalan nya don.
Binuksan ko ung wall nya, kahit na sa totoo lang ei palagi ko namang ini-istalk ang wall nya.
Bakit ba kasi hindi ko padin sya nakakalimutan ei.
Argh!!! Nakakaasar
Gusto nyo bang malaman kung sino sya?
Well, ayoko pa munang sabihin, pangalan pa lang nya nasasaktan na ko ei.
Arggggggggggh!!!"
Ito na nga ba ang sinasabi ko ei.
My tears are starting to fall again.
Bakit ba kasi hindi ko makalimutan ang ginawa nya noon? for Pete's sake! its been a year and a half.
Samantalang para sa kanya ata ei wala lang ung nangyari at ginawa nya noon.
Ako lng ba talaga ang umasa noon?
Ring~ Ring~ Ring ~
Bilang tumunog ung cellphone ko
~Calling Alex~
Bakit kaya tumatawag tong si Alex?
Pinunasan ko muna ung luha ko bago ko sagutin yung tawag nya.
"Helloo Alex, ano nanaman ang kaylangan mo ha? " sabi ko pagkasagot na pagka sagot ko ng tawag nya
"Hi Avy, may gagawin ka ba ngayon? "
Tignan mo tong si Alex napaka hyper talaga kahit kelan, parang walang pinoproblema sa buhay ei.
Nga pala sya si Alex Mataverde.
Sya lang naman ang bestfriend ko at ang malupit dito ei hindi ko alam kung bakit ko sya naging boy bestfriend! hahaha! joke lang mabait naman yan (pag tulog) at palagi mo syang maasahan pag kelangan mo.
"Wala naman bakit?" sagot ko
Bakasyon nga pala ngayon kaya wala talaga akong ginagawa buong maghapon.
" Tara mag mall, para naman ma-exercise yang katawan mo at nababagot na din ako dito sa bahay ei"
"Oo na sige na! dami mo pang sinasabi dyan ei, natawagan mo na ba si Mica?" tanong ko
"oo naman yes, un paba ang kakalimutan ko?" sagot nya
Si Mica Angeles, sya naman ang girl bestfriend ko..Naging magkaibigan nadin sila simula ng naging kaibigan ko yang si Alex
"Osige kita-kita nalang tayo dun" sabi ko at binabaan ko na sya
Sinarado ko na ung laptop ko at naligo na para ready na ko mamaya.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Be Moved
RomanceThis is a story of a Girl who was left by the Man who she Trusted the most. Will she able to forget her past? or she will be forever THE GIRL WHO CAN'T BE MOVED.