Avy's POVMaaga akong nagising kinanabukasan kahit na wala namang pasok ngayon dahil sabado. =__=
Tinignan ko ang oras sa alarm clock ko.
WatdapakingTape!!!!!!!!!
6:00am palang?!!!!!!!! >.<
Bakit kaya ganon noh? Napaka baligtad ng utak ko!
Pag may pasok hirap na hirap akong bumangon ng maaga samantalang pag wala namang pasok o weekends ay ang aga aga ko palaging nagigising!!! Grrrrrrrrrr!
At dahil nga sa gising na gising na ang diwa ko at hindi ko na magawa pang bumalik sa dreamland ay nag-ayos na ko at nag tootbrush para makakain nadin ng breakfast.
Mabuti nalang at pagbaba ko sa dining table ay may pagkain na nainihahanda ni Mommy.
"Good Morning Ma" walang buhay kong bati sa kanya sabay halik sa pisngi nya at umayos na ng upo para maka-kaun na ko.
"Oh bat ganyan ang mukha mo ha anak? Bakit hindi ka ulit matulog? Mukhang antok na antok ka pa eh!"
"Oo nga Ma eh! Gusto ko sana na mamaya pa bumangon kaso hindi ko alam kung bakit ang aga kong nagising ngayon, eh wala namang pasok! Kaasar!!!" naiiyamot kong sumbong kay Mommy habang kumuha na ko ng hotdog at ham para ilagay sa plato ko.
"Ganyan lang siguro talaga anak! Ilang taon ka ng nag-aaral, di kapa din ba nasasanay ha? Sabagay ganyan din ako nung nag-aaral pa lang ako noon, kaming dalawa ng Daddy nyo."
Hay! to talagang si Mommy! Tignan mo mamaya magre-reminisce nanaman yan at magku-kwento nanaman ng mga nagyari sa buhay nya nung college sya. Di ko na nga mabilang kung pagilang beses na nya ba nya iyong nai-kwento saamin ni kuya Nathan eh. Pero kahit na ganon, pinapakinggan parin namin iyon ng paulit-ulit dahil mahal namin si Mommy ng sobra at ayaw namin syang malungkot o maisip nya na nagsasawa na kaming makinig sa mga kwento nya.
Pagkatapos kong magbreakfast at makipagkwentuhan kay Mommy ay umakyat na din agad ako papunta sa kwarto ko.
Magkatapat lang ang kwarto namin ni kuya Nathan. Bago ako pumasok sa room ko ay tinignan ko muna sya.
Hay! Buti pa si kuya ang ang lalim ng tulog! Ano kaya ang ginagawa nya sa panaginip nya at ganyan sya kahimbing makatulog?
Agad din akong lumabas ng kwarto nya matapos ko syang tignan at pumasok na sa kwarto ko.
Dumapa ako sa kama ko at inabot ang cellphone ko na nasa bedside table ko.
Tinignan ko lang ang mga text messages na na-recieve ko na puro Gm lang naman ng mga classmates ko at ng iba ko pang mga kakilala.
Iniscroll down ko ng iniscroll down ang mga text messages na narecieve ko ng may nakita akong isang text message galing sa isang unregistered number.
From: 0916*******
Hi!
-end
Eh sino naman kaya to? Siguro na wrong send lang! Kaya di ko nalang yon pinansin at nagready na ng mga damit ko at naligo na.
Matapos kong maligo ay chineck ko ulit ang cellphone ko kung nag text ba si Alex tungkol sa update sa ginagawa nyang project namin.
Nagkaroon kasi kami ng project at kaming dalawa ni Alex ang nag-partner at nagpresinta din sya na sya na daw ang bahalang gumawa noon.
At dahil minsan laang mag-alok si Alex na sya na ang gagawa ng project namin ay hinayaan ko na.
From: Alex
Okay na ang project natin Avy! Dont worry. Ako ng bahala dito. Tiwala lang. Hahaha!
-end
Hay! Baliw baliw talaga yong si Alex kahit kailan. Well kagaya nga ng sabi nya tiwala lang daw, siguro naman ay kahit papaano ay magiging maganda naman ang kalalabasan noon.
Pagka pindot ko ng word back sa screen ng cellphone ko ay may nakita pakong isa pang message na nanggaling ulit doon sa na wrongsend kanina.
From: 0916*******
I'm sorry.
-end
Hay! Wrongsend talaga tong taong to.
Hindi ko nalang yun pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pangungulit kay Alex tungkol sa project namin.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Be Moved
RomanceThis is a story of a Girl who was left by the Man who she Trusted the most. Will she able to forget her past? or she will be forever THE GIRL WHO CAN'T BE MOVED.