Chapter 16

80 3 0
                                    


Gian's POV

"Ikaw ha Gian! May tinatago ka palang kabutihang loob! Di ko alam na mahilig ka pala sa mga bata." pangaasar sakin ni Avy habang nag da-drive na ko papunta sa kanila

"Tss"

"Ano bang meron sa 'tss' na yan at lagi mong ginagawa?" tanong nya pa

"Heh wala kana don! Andami mo masyadong tanong!" bulyaw ko sa kanya

Dapat kasi inihatid ko nalang pala muna sya kanina sa kanila! Anyan tuloy natututo na kong mahiya sa kanya! Bakit ba kasi nagiging makakalimutin ako pag kasama ko tong babae na to eh! Tsk tsk!

"To naman masyadong highblood! Pero alam mo Gian kanina lang kita nakita na ganon kasaya tsaka mas bagay sayo ang naka ngiti kesa dyan sa palagi mong expression na laging seryoso ^_^" nakangiting sabi nya

Hindi ko nalang sya sinagot at diretso lang ako ng pagda-drive. Marami pa syang mga sinabi pero hindi ko na pinakinggan dahil nga sa nakakaramdam ako ng hiya.

Mabilis din kaming narating sa bahay nila Avy. Bumaba na sya ng kotse at bumaba di ako.

"Salamat sa paghatid ha Gian :)"

"Ah wala yon! Pasensya sa kanina ha! nakasama kapa tuloy sa pakikipaglaro ko dun sa mga bata." di makatingin sa mata nyang sabi ko.

"Naku wala yon! ayos lang nag-enjoy din naman ako eh ang saya pala makipag laro sa mga bata." masayang sabi nya "Ah sige pasok na ko sa loob, baka hinihitay na din ako ni Mommy, I-ingat ka sa pag-uwi" mabilis nitong sabi na parang biglang nahiya at mabilis na tinalikuran sya.

Hay may pagka weird talaga ang babaeng yon! Kanina lang ang saya saya tas ngayon biglang nag-iba ng kilos! Tsk tsk...

Sumakay na ko sa kotse ko at nag-drive na din pauwi.

Nang makarating ako sa bahay namin ay agad kong ipinarada ang kotse ko. Pumasok ako sa loob ng malaki naming bahay na kami lang namang dalawa ni Mama ang nakatira atang mga maid namin.

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko ng mahagip ng mga mata ko na nakabukas ng konti ang pinto ng kwarto ni Mama na walang ilaw.

Kinabahan agad ako kaya naman agad akong lumapit doon! Unti-unti na akong nakakarinig ng mga hikbi kaya't mabilis akong pumasok sa kwarto ni Mama.

"Ma?..............Mama!" sigaw ko ng makita ko si mama sa dulo ng kwarto nya at agad syang nilapitan at niyakap.

"*sobbs* .... *sobbs*..... *sobbs*"patuloy na paghikbi ni Mama

"Shhhh....... Ma tahan na shhhh nandito na ako Ma! Nandito pa ako kaya wag kanang malungkot." pagpapahinahon na bulong ko kay Mama.

"*sobbs* But why son? Why did your dad left us? *sobbs* Am I ugly now? Ayaw na ba nya satin? *snip*"

"No Ma! Stop saying that, your not ugly! Your the most beautiful Mom in the world! Just forget that man Ma! He's not worth your tears!" I said while wipping her tears.

Mga 20 minutes din siguro kaming hindi bumago sa pwesto namin ni Mama hanggang sa maradaman ko na nakatulog na sya.

Inihiga ko na sya sa kama nya at pinunasan ang mga bakas ng luha sa pisngi nya. Everytime na makikita ko si Mama sa ganitong sitwasyon parang gusto ko palaging sugurin ang ama ko at ang kabit nya na ipinalit nya kay Mama eh. Nakakagigil!

Isa din yon sa mga dahilan kung bakit ako bumalik dito sa Manila. Nalaman ko kasi na may iba ngang babae si Papa at ng malaman ni Mama yon ay hindi nya yon matanggap kaya naman simula noon halos everynight daw na umiiyak si Mama ayon sa mga maid namin. Kaya naman sinabi ko na ako naman dapat ang mag-protekta at mag alaga kay Mama ngayon.

Lumabas na din ako sa kwarto ni Mama ng masigurado kong mahimbing na ang tulog ni Mama at dumiretso na sa kwarto ko at nagpahinga na din.

Avy's POV

Mabilis akong tumalikod sa kanya at pumasok na ng bahay namin. Ewan ko ba, bigla nalang akong nahiya sa kanya eh! Natitimang na ata ako!

Nandito na ako ngayon sa room ko, nakahiga na at nakatitig sa ceiling ng kwarto ko. Naiisip ko pa din kasi kung gaano kasaya ng mga mata ni Gian eh.

Sana palagi nalang syang nakangiti :)

Hay naisip ko nanaman yung sinabi nung bata na si Dara kanina na bagay kami ni Gian.

Habang iniisip ko ang mga nangyari na yon hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ng nakangiti.


The Girl Who Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon