Chapter 6

62 3 0
                                    


Avy's POV

Waaaaa! Grabe ang bilis nya talagang magpatakbo! sana lang po talaga lord maka-uwi ako ng buhay!!

"hoy! bakit ganyan ang itsura mo? at kapit na kapit ka pa talaga dyan sa seatbelt, ngayon ka lang ba nakasakay ng kotse?" mayabang na tanong nya

"heh! manahimik ka nga dyan at tumingin ka sa daan!! waaaa!!! baka mabangga tayo!!!!" sigaw ko sa kanya pano ba naman tingin ng tingin sakin, hindi ngayon ang time nya para titigan ang maganda kong mukha.

"anong mabangga ang sinasabi mo dyan, I know what I'm doing" mayabang nanaman nyang sagot

"blah, blah, blah, wag ka na ngang masyadong madaldal yan at mag drive ka na lng, gusto ko ng maka-uwi ng buhay!" singhal ko sa kanya

"as you say so!" sabi nya sabay smirk at lalo nyang pinabilis ang takbo ng sasakyan

Hindi na ko nagreklamo at hinigpitan ko nalang ang kapit ko sa seatbelt.

At sa wakas! pagkatapos ng feeling ko ei napaka-habang byahe ei nakarating na din kami sa tapat ng bahay namin.

Agad agad akong bumaba ng kotse at papasok na sana ako ng gate namin ng biglang nagsalita si Gian

"Aren't you going to say thank you?" saad nya

"Why would I? hindi naman kita pinilit na ihatid ako! at isa pa tinakot mo ako buong byahe!!" galit kong sigaw sa kanya

"Tss, tinatanong ka lang kung wala kang balak mag thank you andami mo na agad sinabi! anyway YOUR WELCOME" saad nya sabay sakay sa kotse nya at pinaharurut na nya ito ng mabilis

"Argh!!!! Nakakainis ka talaga!!!! ang kapal-kapal ng mukha mo!!!!" sigaw ko habang tinitignan ang daan na dinaan ng kotse nya kanina at pumasok na sa gate ng bahay namin.

************

Patapos na ang bakasyon, pupunta ako ngayon ng school para mag-enroll, 2nd year college na ako ngayon sa Kingston University and I'm taking up BS Business Administration

Hinihintay ko na lng ngayon sina Alex at Mica para sabay sabay na kaming mag-enroll at syempre para na din masigurado namin ni Alex na magiging magkaklase padin kami ngayong school year, si Mica kasi HRM ang kinukuha nya.

~beep beep~

Panigurado sila Alex na yon! kaya agad-agad na akong bumaba ng kwarto, nagpa-alam kay mom at dumiretso na sa labas

At hindi nga ako nagkakamali sila Alex na nga iyon

"Hi Avy!" si Mica na mukhang maganda ang umaga, abot tenga ang ngiti ei.

"oh Avy tara na!" sabi naman ni Alex na nakadungaw sa bintana

"ah oo!" sabi ko at sumakay na sa kotse at pumunta na nga kami sa Kingston University.


The Girl Who Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon