Chapter 7

76 3 0
                                    


Avy's POV

Nandito na kami ngayon sa Kingston University at eto nga nage-enroll na kami nila Alex at Mica

Medyo mahaba-haba din ang pila kaya naman eto kami at puro daldalan muna, mabuti na lng at fully aircondition tong school namin kung hindi baka kanina pa kami nalusaw dito, dahil nga sa summer pa ngayon at talaga nga namang sobrang init ng panahon.

"Avy tignan mo oh! sobrang dami ata ng mga transferee's ngayon? andami kong nakikitang mga mukha na wala naman dati dito ei" takang saad ni Alex

Teka! oo nga noh? mukahang madami nga ang transferee's  ngayon,  well siguro yan ang resulta sa nagyari last school year, last year kasi naglaban talaga ang school namin sa ibat ibang mga contest ng mga school dito at palagi kaming nananalo kung hindi Champion ay 2nd place naman palagi kaya ganyan.

"hahaha! mukhang sumisikat na ang school natin ah! sana maraming mag-transfer na gwapo!!!" saad naman ni Mica

"Hay nako Mica! Naghahanap ka pa ng gwapo ei nasa harapan mo na ako." banat naman ni Alex

"Che! manahimik ka nga dyan Alex! Nagpipiling-gwapo kamo ang sabihin mo!" pagtataray ni Mica

Hay! tong dalawa talagang to nagsimula na namang mag-away, di na ata sila matatapos sa kababayangan nila ei.

Maya-maya lang din ay nakaramdam ako ng gutom at dahil mukhang di pa tapos mag-bangayan yung dalawa, kaya naman nagpa-alam na lng muna ko sa kanila na bibili lang ako ng makakain namin.

Habang papunta ako sa Cafeteria ay may napansin akong lalaking naka-upo dun sa may garden ng school namin, nag-iisa lang sya at nakatalikod sya sa pwesto ko at mukhang may kausap sya sa cellphone.

Hindi ko na lang yun pinansin at dumiretsyo na nga sa Cafeteria.

Bumili lang ako ng mga cupcakes, chips at C2.

Habang naglalakad ako pabalik kina Alex ay hindi ko parin maiwasang isipin yung lalaking nakita ko kanina, pamilyar sakin ang hugis ng likod nya kaya naman nagdadalawang isip ako kanina kung lalapitan ko ba sya o hindi para masigurado ang hinala ko, pero mas minabuti ko nalang na wag syang lapitan, dahil hindi ko din alam ang gagawin ko kung sakaling tama nga ang hinala ko.

"oh Avy bakit mukhang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Mica

"oo nga Avy, kanina ka pa naka-tulala dyan oh!" -Alex

Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako, at pagtingin ko kina Alex at Mica ay kinakain na pala nila yung mga binili ko.

"Ah wala naman, may naalala lang ako" palusot ko sabay kuha ng isang cupcake at C2

Maya maya lang din ay nakapag-enroll na din kami at syempre magkaklase pa din kami ni Alex sa lahat ng subject.

Naka-uwi na kami at lahat-lahat ay hindi pa din maalis sa isip ko ang lalaking nakita ko kanina sa may garden ng school, iniiling-iling ko ang ulo at naisipan na lang na buksan ang laptop ko at nag Facebook nalang.

**********

Days Passed very Fast

~riiiiiiiiing riiiiiiiiiiiiing riiiiiiiiiiing~

Inabot ko yung alarm clock sa bedside table ko at pinatay yon.

First day of Class na ngayon kaya naman bumangon na ako at nag-ready na for school.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay dumiretso agad ako sa kitchen para mag-breakfast.

Naabutan ko dun ang nag-iisa kong kuya na si kuya Nathan at si mom, si Dad naman ay nasa Abroad, tuwing may okasyon lang sya umuuwi.

"oh Avy halika na dito at mag-breakfast kana baka ma-late na kayo ng kuya mo." saad ni Mom

"good morning mom, opo kakain na, good morning din kuya" saad ko

"good morning din Avy bilisan mo na at magpapa-hatid na tayo kay manong Eddie

"oo sige :)" saad ko kay kuya at binilisan ko na nga ang pagkain maya maya ay umalis na din

Nakasakay na kami ni Kuya Nathan ngayon sa kotse namin, magka-iba kami ng school na pinapasukan ni kuya Nathan, kami kasi ang pinapamili ni Mom ng school na papasukan namin.

Inihatid na muna nila ako bago si kuya.

"bye Avy, pakabait ka ha!" payo saakin ni kuya

"heh! mabait naman talaga ako kuya ah! ikaw lang dyan ang hindi!" saad ko

"hahaha biro lang, sabihin mo kaagad sakin pag may umaa-ligid sayo dito ha!" saad naman nya at lumingon lingon pa sa paligid

Hay nako, umaandar na naman po ang pagiging over-protective ng kuya ko.

"opo kuya,  sasabihin ko agad bye kuya ingat ka din" saad ko sabay tulak kay kuya papasok ng kotse

"bye manong Eddie! ihatid nyo na po yan ah! baka kung saan pa po yan pumunta ei." saad ko kay manong at umalis na nga sila.

At ako naman ngayon ay papunta na sa room namin dahil hinihintay na din ako ni Alex dun.


The Girl Who Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon