Chapter 9

86 3 0
                                    


Avy's POV

Kinurot-kurot ko ang sarili ko upang mapaniwala ang sarili ko na hindi ako nananaginip, totoo nga na nasa harapan ko na sya ngayon. Napatulala na lang ako bigla

"Okay class, Mr. Bryan Ace Montello will be your classmate during my class and if I'm not mistaken in your History subject too, right Mr. Montello?"

"Yes Mam!" sagot nito habang nakatitig sakin

"okay you may now take your sit" our prof. added

Nagsimula na ngang maglakad si Bryan at papunta sya ngayon sa direksyon namin, bawat hakbang nya ay papalakas ng papalakas ang pintig ng puso ko na parang gusto na nitong lumabas sa dibdib ko.

Palapit na sya ng palapit.........

nakahinga-hinga lang ako ng kaunti ng namalayan kong sa katapat pala naming row sya umupo.

Hay! salamat naman at hindi sya dumiretso sa may pwesto namin-saad ko sa isip ko

Nang tignan ko kung saan sya eksaktong naka-upo ay halos hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya ng makitang nakatingin din pala sya saakin.

May kakaiba sa mga tingin nya, para bang may gusto itong sabihin saakin.

Nai-alis ko lang ang tingin ko kay Bryan ng tawagin ako ni Alex at tinapik nya ang balikat ko.

Alam ni Alex ang lahat ng nangyari noon, nai-kwento ko na din kasi sa kanya at yung iba naman ay sya mismo ang naka-saksi, nakita nya kung paano ko iniyakan si Bryan noon tuwing naa-alala ko kung paano ako itinuring at pinaniwala na mahal ako ni Bryan noon, hindi man nya kilala ito sa personal ay alam nya kung paano at gaano ako nasaktan ni Bryan. Marahil ay alam na nya ang nararamdaman ko ngayon kaya iniiiwas nya ako ngayon.

"Avy, ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Alex na halatang nag-aalala

"oo naman Alex, ako pa ba? okay lang ako no!" saad ko sa kanya sabay ngiti kahit na alam naman namin na peke iyon.

Hindi na ko kinulit pa ni Alex at tahimik na lang kaming nakinig sa prof. namin kahit na hindi ko maintindihan ang sinasabi ng prof. namin dahil okupado padin ang isip ko sa mga nangyari kani-kanina lang.

Gian's POV

Kanina ko pa napapansin na may kakaiba ngayon dito kay Avy, simula ng pumasok tong magiging kaklase daw namin sa English at History, ano kayang meron dito sa dalawang to? ayoko namang magtanong dahil baka sungitan nanaman ako nitong si Avy tsaka mukhang personal matter kaya ayokong maki-alam even if I want to.

Sa totoo lang I found Avy interesting, hindi kasi sya katulad na ibang mga babae na naghahabol sakin. The first time we met dun sa Time Zone humanga na talaga ko sa kanya dahil hindi sya agad humanga sa itsura ko at nagpa-cute para mapansin ko, instead ay sinungitan nya pa ako at sinabihan pa ng mayabang.

I really want to know Avy more kaya lang baka kung ano ang isipin nya at mamis-interpret nya ko, isa pa hindi naman talaga ako ganun ka showy sa mga gusto ko kaya minamabuti ko na lang na maging tahimik.

Observe more, Talk less ganyan akong uri ng tao, kaya naman pansin ko agad kung may kaka-ibang ikinikilos ang isang tao.

After an hour natapos na din ang klase namin.

"okay class dismiss" prof. said

Nakita ko na nagmamadaling iniligpit ni Avy ang kanyang mga gamit at agad-agad na lumabas na room, nagulat na lang ako ng bigla syang hinabol ni Alex pero huli na dahil naunahan na sya nung Bryan.

Ngayon lalo akong napapa-isip kung ano nga ba ang namamagitan sa kanilang dalawa.


The Girl Who Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon