Chapter 13

76 2 0
                                    


Avy's POV

***Kinabukasan***

Nagising ako ng maagap mga bandang 6:00am siguro, nagmuni-muni muna ako sa kwarto ko bago ako bumaba para mag-breakfast, hindi ko pala alam na matapos kong mag-drama kagabi ay mabilis akong nakatulog, mabuti nalang at hindi ganon ka-maga ang mga mata ko.

Bumaba na ako sa kusina at naabutan ko doon si kuya Nathan na nakatulala sa lamesa habang nakatuon yung baba nya sa kanyang dalawang kamay at si Mommy na nagluluto ng breakfast namin kahit na may maid naman kami, gusto nya daw kasi sya ang nagluluto para sa pamilya nya eh, Ang sweet ng Mommy ko noh?

"Hoy kuya!" tawag ko sa kanya mukhang malalim ang iniisip ni kuya eh

"Ay kuya ka!! ano ba Avy bakit kaba nanggu-gulat dyan ha!!" inis na bulyaw nya sakin

"Hahaha! tulalang-tulala ka dyan eh, tska excuse me noh tinawag lang kita, malay ko bang magugulat ka pala hahaha!" natatawang sagot ko

"Heh! ikaw talaga"

"Teka, kuya may problema kaba? mukhang ang lalim ng iniisip mo kanina dyan eh!"

"W-wala ina-antok pa kasi ako! wag ka nga dyan Avy!"

Huh! halatang nagsisinungaling si kuya, dibale hahayaan ko na muna sya, panigurado kasi sasabihin nya din yun sakin, partner in crime ko yan eh.

"okay?" yun nalang ang sinabi ko at umupo na, dahil saktong dating nadin ni Mommy dala yung mga breakfast namin which is bacon, hotdog, ham, sandwiches and juice.

Habang kumakain kami ay pansin mong may gumulo talaga kay kuya, pano ba naman eh tinititigan nya lang yung mga pagkain, as if mabubusog sya pag tinitigan nya ang mga yon.

"Kuya! wala ka ba talagang balak kumain ha?"

"Nathan anak, may problema ka ba?" tanong ni Mommy kay kuya

"Mom, wala po! kulang lang po siguro ako sa tulog, ....... ahm, sige po taas muna ko."

"Nath--"

Hindi na natapos pa ni Mommy yung pagtawag nya kay kuya dahil mabilis itong tumalikod at umakyat sa kwato nya.

"Mom dont worry, wala lang talaga siguro ngayon si kuya sa mood, later magiging okay na din sya." sabi ko pa kay Mommy at hinawakan sya sa kamay dahil bakas sa mukha nya ang pagaalala.

Nathan's POV

Hindi ko na pinansin ang pagtawag sakin kanina ni Mommy, Oo may problema ako pero ayaw ko ng ipa-alam pa sa kanila yon, parang ang bading kasi nung problema ko! ...at kung ang iniisip nyo ay tungkol ito sa babae ay Hindi ..................

.

.

.

.

Hindi kayo nagkakamali.

Hindi ko din alam kung bakit ako nagkakaganito, hindi naman sa playboy ako pero syempre dahil sa isa ako sa mga lalaking biniyayaan ng gwapong mukha ay madami na din akong naka-fling, pero hanggang fling lang yon dahil never pa akong nagseryoso ......... Not until nung dumating yung babaeng yon sa buhay ko.

-----

Isang beses nagkayayaan kami ng mga barkada ko na mag-bar at dahil 18 naman na kami ay pinapasok agad kami.

Pagpasok namin sa loob ay agad kaming humanap ng table namin, umorder kami ng mga hard drinks syempre!

Nung unti-unti na kaming tinatamaan ay agad na kaming pumunta sa dancefloor at nakipag sayaw sa mga babaeng nandoon.

The Girl Who Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon