Avy's POV"a-ah hindi kami magkakilala nyan noh Alex, hindi talaga!!!" tanggi ko
Ayos tong Gian na to ah, nagka-agawan lng kami kanina dun sa baril magkakilala na agad?
"Tss" bulong ni Gian
"Talaga?" paninigurado ni Alex
"well, to tell you the truth guys, naka-agaw ko sya dun sa baril sa time zone kanina, yun lang yun" saad ko
"okay?..... so upo na tayo?" -alex
Ay oo nga noh? kanina pa pala kami nakatayo dito sa food court, at ngayon ko lang din napansin na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao waaaaaa!!!! nakakahiya!!!
Agad-agad din kaming na-upo na at bumili na ng mga kakainin namin.
Habang nilalantakan namin yung mga binili naming pagkaen ay biglang nagsalita si Alex, ayos! kanina pa walang nagsasalita samin ei, puro tunog lang ng pag-nguya namin ang naririnig ei.
"ah nga pala girls, nakalimutan kong sabihin, barkada ko nga pala tong si Gian nung highschool, sa Laguna na sya nag College kaya ngayon ko lang sya napakilala sa inyo" saad ni Alex
"ah kaya pala ngayon ko lang sya nakita dito ei" saad naman ni Mica na halata mong nagpa-cute pa din -_-b
"oo, hindi ko nga din alam kung bakit nandito yan ngayon sa Manila ei." saad ni Alex
"Why, Am I not welcome here?" tanong ni Gian
"of course not pare! pero bakit ka nga ba nandito ngayon?" alex
"wala na kasing kasama dito sa Manila si mommy, nag asawa na si ate Coreen that's why I volunteered na ako nalang ang sasama sa kanya dito"
"oh I see, so dito kana ulit mag-aaral? " tanong ni Alex
"yeah, I guess so, pero di ko pa alam kung saang school, si mom na daw ang bahala dun." saad nya
Ayun nag-usap na sila ng nag usap dun while ako ei, nakikinig lang sa kanila at kumakain na lng, wala din naman akong maisip na sasabihin ei.
Nung wala na silang mapag-usapan ay napag-desisyunan na din naming umuwi, magga-gabi na din kasi ei.
~ring ring ring~
Biglang tumunog yung cellphone ni Alex at agad-agad nya namang sinagot yon
"ah, guy's excuse lang ha! sagutin ko lang to" paalam ni Alex at lumayo na sya saamin ng kaunti
Maya-maya din ay bumalik na si Alex, teka bakit biglang lumungkot ang expression nito?
"May problema ba ha Alex?" agad na tanong ko
Hindi nya pinansin ang tanong ko at kina-usap nya si Gian
"a-ah Gian pare may dala kabang kotse?" biglang tanong naman ni Alex
"yeah why?" walang gana nyang sagot
Iniisip ko, paano kaya naging kaibigan ni Alex tong Gian na to, eh magkaibang-magkaiba ang ugali nila ah!- sabi ko sa sarili ko
"Pede bang ikaw na muna ang maghatid kay Avy pauwi? may emergency kasi sa bahay, sakin na sasabay si Mica since iisa lang naman ung way namin, pede ba pare?" tanong nya kay Gian
Ah may emergency pala sa kanila, Ano kaya yun? - tanong ko sa sarili ko
"W-wait, It's okay Alex, you can go now I'll just take a cab mukhang importante yan ei" apila ko
"No Avy! It's getting late, Gian will take you home, right Gian?" apila naman ni Alex
"okay" saad ni Gian na mukhang napipilitan lang.
Hay! no choice ako kaya pumayag na din ako, ang seryoso kasi ni Alex ei, and knowing him minsan lang lumalabas sa kanya ang mga ganung expression.
"Sige ha pare una na kami, ikaw ng bahala dyan kay Avy i-uwi mo ng buo yan ha!" saad ni Alex sabay tapik sa balikat nito at sumakay na sila ni Mica sa kotse nya
~beep beep~
Busina nya nung kotse nya kahit nasa labas pa sya nung kotse
"May balak ka pabang pumasok?" masungit nyang tanong
"Ay palaka ka! ano ka ba naman!!! bakit ka ba nang gugulat dyan ha?" galit kong sabi
"wow ha, ang gwapo ko namang palaka, pumasok ka na, napaka-bagal..tsk!" saad nya sabay pasok sa kotse
"heh! eto na nga oh papasok na!!!" singhal ko sa kanya
At dahil gentleman sya ay hindi nya ko pinag-buksan ng pinto. Grrrrr nakakaasar talaga tong lalaking to!
Pagpasok na pag-pasok ko sa kotse nya ay agad-agad na nya itong pinaandar.
Waaaaa!!! ang bilis nyang magpatakbo! Dyos ko po! mahal ko pa po ang buhay ko! sana po maka-uwi ako ng buhay!!!!
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Be Moved
RomanceThis is a story of a Girl who was left by the Man who she Trusted the most. Will she able to forget her past? or she will be forever THE GIRL WHO CAN'T BE MOVED.