Avy's POVTahimik lang na nagda-drive si Gian kaya naman nanahimik na lang din ako kahit na gusto ko pa syang daldalin ng daldalin. Para kasing may malalim syang iniisip eh! Baka mamaya mabadtrip pa sakin!
Mabuti nalang at di naman kalayuan ang park na pinuntahan namin kaya narating kami kaagad.
"Ahm.....Gian sasamahan paba kita? Baka kasi makaistorbo lang ako sa inyo ng kikitain mo eh!" naga-alanganing tanong ko
"Hindi, pede kang sumama kung gusto mo"
"Ah ganun ba, sige tara na!"
Ipinark lang nya ng ayos ang kotse nya then naglakad na kami papunta sa kung sino man ang kikitain nya.
"Ahm Gian sino bang kikitain mo dito?" tanong ko habang papalapit na kami sa may playground kung saan madaming bata at may dalawang madre.
"Sila." sabay turo nya dun sa mga bata
"Kuya Gian!!!!!!!!!" sigaw nung mga bata ng makita nila na papalapit na kami sa kanila.
Lumuhod si Gian para pantayan yung mga bata samantalang ako naman ay nakatayo lang, hindi padin kasi nagsi-sink in saakin na malapit pala si Gian sa mga bata.
"Kuya Gian namiss ka namin!!!" sabi nung batang pinaka maliit sa kanila, siguro mga 3 years old palang yun.
"Namiss din kayo ni kuya Gian :)" sagot nya dito sabay ginulo ang buhok nito "Oh eto na yung pasalubong ko sa inyo. Hati-hati kayo ha! wag magaagawan."
"Oh mga bata anong sasabihin nyo kay kuya Gian?" tanong nung isang madre na nakalapit na pala samin
"Thank you po kuya Gian" sabay sabay na sabi nung mga bata.
"Your welcome :)" at nagsitakbuhan na yung mga bata sa mga benches ng park para kainin yung mga dinala ni Gian.
"Napakabuti mo talagang bata Gian, mabuti naman at nakarating ka akala ng mga bata di kana darating eh." tanong nung isang madre
"Ah pasensya na po sister, medyo naging busy lang po! Dumadami na po kasi ang mga activities ko sa school eh."
"Ah ganun ba, naku ayos lang yon! Naiintindihan naman ng mga bata na nag-aaral ka pa! Teka, sino naman ang magandang dalaga na kasama mo? Nobya mo ba sya?" tanong naman nung isang madre
Hay salamat naman at napansin din ako dito, hehehe, akala ko di nako nage-exist sa mundo at mapapanis na laway ko dito eh. ^.^
"Ah hello po sister" kaway ko sa kanila "Ako nga po pala si Avy :) kaibigan lang po ako ni Gian ^_^" magalang na pagpapakilala ko
"Ah ganun ba? Akala ko nobya kana nitong si Gian eh, wala pa kasi yang napakilala o nakasama na bumisita samin, ikaw palang." masayang sabi nung mga madre
"Ah hehe! Ganun po ba?" nahihiyang tugon ko
Napalingon ako dun sa mga bata at nakita ko na nandun na pala si Gian na masayang nakikipaglaro sa mga bata. Napangiti ako bigla. Hindi ko alam na marunong din palang makipag laro si Gian sa mga bata, na marunong palang syang ngumiti at tumawa, makikita mo na masaya talaga sya sa ginagawa nya.
Nakipagkwentuhan lang ako kina sister saglit at sumali nadin na makipag laro dun sa mga bata. Wala na kasing bata samin eh, dadalawa lang kasi kaming magkapatid ni kuya, kaya sabik din ako na makipaglaro sa mga bata.
Hindi namin namalayan ang oras kaya naman lumapit na saamin sila sister.
"Mga bata, kailangan na nating mag bye bye kay kuya Gian at ate Avy" pagkasabi na pagkasabi nun nila sister ay agad na lumungkot ang itsura ng mga bata.
"Kuya Gian ate Avy makipag laro ka po ulit samin ha?!" sabi nung isang bata
"Oo naman, maglalaro ulit tayo!" we said in unison
"Sige po bye bye kuya Gian, bye bye ate Avy! Balik po kayo ha?!" paalam nila samin
"Bye bye kids, sige po sister aalis na po kami." paalam namin
"Sige, magiingat kayo!"
"Sige po, salamat po ulit" pahabol ko pa at nagsimula na nga kaming maglakad
"Ate Avy!!!!!" habol saakin ng isang bata, sa pagkakatanda ko Dara ang name nito.
"Oh ano yon Dara?" tanong ko sabay luhod para maka level ko sya
"Sumama po ulit kayo sa susunod na pagbisita ni kuya Gian ha?! promise nyo po!" sabi nya sakin
"Oo naman, promise babalik si ate Avy :)" sabi ko sa kanya at saka ko sya niyakap
"Bagay po kayo ni kuya Gian ate Avy tas ang bait bait nyo pa po! Sana po kayo po ang magkatuluyan :) hihihi" bulong sakin ni Dara na ikina bigla ko o_o
Inalis na nya ang pagkakayakap nya sakin "Bye ate Avy ^_^" sabi nya sabay kindat sakin at tumakbo na pabalik kina sister at mga kaibigan nya.
"Anong sabi ni Dara?"
"Ay Dara ka! Ano ka ba naman Gian! Wag ka ngang nangugulat dyan! Magkakasakit ako sayo sa puso eh!" sigaw ko sa kanya
"Tss, so ano nga sinabi ni Dara?" tanong nya ulit
"A-ah w-wala nag b-bye bye lang ulit sya!" sagot ko sa kanya at nauna ng maglakad sa kanya >.<
Hay! Kinabahan ako dun ah! Kami? bagay ni Gian? eh sa pagkaka-alam ko tao kami eh -_- Okay ang korny! Pero hindi eh! siguro masyado lang natuwa yung bata saamin ni Gian, isa pa ngayon lang daw may isinama si Gian na makipag laro sa mga bata kaya siguro kung ano-ano ang naiisip nila. Hay mga bata nga naman ngayon! masyadong malilikot ang mga pagiisip!
Nakarating na kami ni Gian sa pinag park-an nya ng kotse nya at sumakay na kami dito. Pinaandar na nya nag engine at nagstart nadin syang mag drive.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Be Moved
RomanceThis is a story of a Girl who was left by the Man who she Trusted the most. Will she able to forget her past? or she will be forever THE GIRL WHO CAN'T BE MOVED.