Avy's POV
Hindi ko alam kung saan ako dapat pumunta ngayon, napaka daming tanong ang pumapasok sa isip ko na maaaring matatagalan o hindi na masasagot pa.
Hindi ko namalayan na napadpad na pala ako sa isang park, na-upo ako sa isa sa mga benches doon at doon na din nagsimulang umagos ang mga maiinit na tubig na nagmumula sa mga mata ko, at dahil mukhang nakikisama saakin ang panahon ay nakisabay ito sa pag patak ng mga luha ko.
Nararamdaman ko na nagsisi-takbuhan na ang mga tao na makahanap ng masisilungan dahil sa patuloy ang paglakas ng ulan samantalang ako ay ni hindi man lang gumalaw sa kinau-upuan ko at hinayaang mabasa ng ulan.
Tahimik lang akong nakaupo doon habang naka yuko at umiiyak, iniisip ko nalang na sooner or later ay babalik din dito si Bryan at magpapaliwanag sya sakin, alam kong may maganda syang rason kung bakit di nya ito ipina-alam saakin.
Palakas na ng palakas ang buhos ng ulan at wala padin akong balak na umalis sa kinau-upuan ko kahit na nakakaramdam na din ako ng lamig at feeling ko ay lalagnatin na din ako.
Habang naka-yuko pa din ako ay naramdaman ko na parang biglang tumila na ang ulan dahil sa hindi na ako nababasa ngunit rinig ko padin ang lakas ng halus-hos nito.
Itinunghay ko ang ulo ko at nakita ko na may isang lalaki ang nakatayo sa harapan ko at hawak ang payong na sumasangga sa mga patak ng ulan upang hindi kami mabasa.
Tinignan ko ang mukha nito at nagkasalubong ang mga mata namin.
Walang nagsasalita saamin, pinagmasdan ko sya and he's also doing the same thing and I must say na gwapo sya.
Nang tumila na ang ulan ay parang doon lang kami nabalik sa realidad, agad kaming nag-iwas ng tingin sa isat-isa, paalis na sana sya ng tinawag ko sya.
"Ugh... kuya! salamat ha!" nahihiyang sabi ko.
"No need, naawa lang ako sayo dahil nagmumukha ka ng tanga dyan na nakayuko habang nagpapakabasa sa ulan, yun lang yun!"
"anyway, thank you padi--"hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla nalang akong nahilo at natumba. The last thing I saw is the face of that guy who's screaming for help before my eye's closed.
Nagising ako na nasa hospital na and my mom is sleeping beside my bed... then I called her
"M-mom" she blink her eyes twice then immediately hug me
"Ano, a-ayos ka lang ba ha anak? may masakit ba sayo?"
"Mommy wala to, lagnat laki lang siguro"
"Anong lagnat laki ang sinasabi mo dyan ha, ikaw tlaga na bata ka blah blah blah blah"
Sinermonan pa ko ni mommy at tinanong kung bakit daw ako nagpaka basa sa ulan, sinabi ko lang sa kanya na wala lang, trip ko lang at pinabayaan naman nya ko dahil alam ko naman na alam ni mommy na may problema ako at hindi na nya nga ako pinilit pa.
Nung day na yun ay nakalabas na din ako ng hospital, lagnat lang naman kasi talaga at kailangan ko lang daw talaga ng rest dahil masyado na akong stressed.
Itinanong ko din kay mommy kung nakausap nya yung lalaking nagdala sakin sa hospital pero ang sabi nya nung pagdating daw nila dun ay wala na yung lalaki.
Sayang naman di man lang ako nakapag thank you sa kanya! Anyway medyo na mumukhaan ko pa naman sya kaya siguro pag nagkita ulit kami ay makikilala ko sya!
Months Passed at hindi na nga nagparamdam pa sakin si Bryan, napag-alaman din namin na nag pa-transferred na pala sya.
Nung nalaman ko ang balita na iyon ay parang biglang gumuho ang pag-asa ko na babalik pa si Bryan, na babalikan nya ako...
Halos gabi-gabi akong umiiyak noon sa kwarto at iniisip kung minahal nga ba talaga ako ni Bryan, kasi kung oo diba dapat hindi nya ko iniwan? diba dapat nandito padin sya sa tabi ko? bakit kung kelan kaya ko ng tumbasan yung pamamahal nya sakin eh ngayon pa nya ko iniwan? dati ramdam na ramdam ko kung gano nya talaga ako kamahal, kasi diba hindi naman sya tatagal saakin manligaw ng halos isang taon kung laro o hindi totoo yung mga ipinapakita at ipinaparamdam sakin diba?
Almost 2 months din akong nagmukmuk noon, school kwarto lang ako palagi, until one day nagising na ko sa katotohan na iniwan na nga ako ni Bryan, na kahit anong gawin kong pag-aantay sa kanya ay hindi na sya babalik pa, isa pa, hindi ko din naman alam kung nasaan sya, malay ko ba kung nasa ibang bansa na pala siya.
One day napag-isipan kong magbukas ng Facebook, grabe! simula nang umalis si Bryan ni hindi ko nato na buksan.
Agad kong sinearch ang pangalan nya at mabilis naman na lubas doon ang profile nya.
Ah! in-unfriend nya pala ako, mabuti nalang hindi block atlease pwede ko pang i-istalk ang wall nya.
So I did, tinignan ko lahat ng mga pictures at status sa wall nya, puro sa bahay lang lagi ang mga pictures nya at puro tags lang din.
Scroll lang ako ng scroll ng biglang napatigil ako sa isang tag picture nya na may kasamang babae, maganda, matangkad at mukhang mayaman ang itsura nito, parehas silang nakangiti habang naka-akbay sa kanya si Bryan.
Agad na nangilid ang mga luha sa mata ko na handa ng tumulo anytime.
Ang caption? tangna lang...
'feeling happy and contented' lang naman, langya naman oo! so may bago na sya? Ang bilis ha! at mabilis na ngang tumulo ang kanina ko pang nagbabadyang mga luha.
Shetnes lang oh! habang sya ay nagpapakasaya sa kung saan mang lupalop eh ako dito ay hirap na hirap maka move-on!
Simula noon, napag-desisyunan ko na limutin na sya, at nilibang ang sarili ko sa ibang mga bagay, at nung nag-college na nga ako ay nakilala ko sina Mica at Alex at naging matatalik ko na silang kaibigan at tuluyan ko na ngang nalilimutan si Bryan.
***End of flasback***
Iminulat ko ang mga mata ko at pinahidan ang mga luhang kanina pang umaagos sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Be Moved
RomanceThis is a story of a Girl who was left by the Man who she Trusted the most. Will she able to forget her past? or she will be forever THE GIRL WHO CAN'T BE MOVED.