Chapter 14

91 3 0
                                    


Nathan's POV

Simula noon lagi ko ng nakikita si Angel sa school. Napag-alaman ko na transfer student pala sya at ang dahilan ng pag ta-transfer nya dito sa school ay dahil sa dito nag-aaral yung boyfriend nya na si Kevin Gomez, at OO! sya yung lalaking ina-antay nya noon pathway!.  -_-

Si Kevin din ay isa sa mga masusugid kong kalaban dito sa school. Well, hindi naman sa pagmamayabang ha? pero magmamayabang nadin! AKO lang naman ang Captain ng basketball team ng school.

Magaling din mag basketball si Gomez eh, actually kasama ko sya sa team noon kaya lang masyado syang nainggit sa sa taglay na galing ko kaya umayaw sya sa team at sumali nalang ng soccer team kung saan sya na ang Captain ngayon.

Alam ko din na babaero ang isang yon! I wonder kung anong nagustuhan ni Angel sa kanya? di hamak naman na mas gwapo ako! At dahil isa akong mabuting tao ay napag-desisyunan ko na gagawin ko ang lahat para malayo si Angel sa Gomez na yon! dahil wala naman syang mapapala don! Na masasaktan lang sya katulad nung mga babaeng nasaktan na ni Gomez kung patuloy syang magpapauto sa lalaking yon!

Kaya lang hindi pako maka-da-moves kay Angel eh -_-# Bukod sa palagi nyang kasama si Gomez ay hindi ko din alam kung paano ako dada-moves! -_-

Alam nyo na first timer eh!

Patulong naman oh! -_-#

So alam nyo na kung anong pinoproblema ko? Hay! it's so Gay! Tsk Tsk -_-

Avy's POV

Nandito kami ngayon sa Garden ng school. Ang loka loka kasi na si Mica tinext kami na may importante daw sya sasabihin samin ni Alex kaya naman ng ditch kami ng class for her, at pagkadating nga namin dito sa Garden ay agad syang nagtitili sabay hila samin paupo sa damuhan.

"Waaaa, magkwento na kayo! Hindi lang pala yung gwapong kaibigan ni Alex ang classmate nyo eh, pati nadin pala yung ex mo na si Bryan? O-M-G Avy!!! sya pala yung tinutukoy ng mga classmates ko na isa pang super gwapo na tranfer!!!" (>_<) nasapo na lang namin ni Alex ang mga noo namin sa lintanya ni Mica. Grabe lang! pinag ditch nya kami ng class para lang dito? Hay! Well ganito naman talaga si Mica eh, hindi maatim na may lumagpas na chika sa kanya! Sanayan na lang men! -_-

"Tss iba ka talaga Mica! Isa kang Alamat!" giit ni Alex

"che! Ikaw ha! sinisimulan mo nanaman ako! Pati kay Avy ako nagtatanong! Hindi sayo kaya manahimik ka! So Avy kwento na dali!" pagtataray nya pa kay Alex

"Tss" sabay irap ni Alex na parang bading

"Whahahahaha! Yuck Alex di bagay!" sigaw ni Mica sabay bunot ng damo at ibinato ito kay Alex

"Che! Palibhasa mas maganda ako sayo pag ako naging babae eh!"

"O-oy anong mas maganda sinasabi mo dyan, hindi ka nga pogi ngayong lalaki ka eh pano pa kaya kung naging babae ka pa? hahaha!"

"Abat---"

Agad akong pumagitna sa dalawa. Pano ba naman! ready na silang magrambulan! Nakakahiya pa naman dahil medyo pinagtitinginan na kami dito! Hay! ang hirap talaga magpalaki ng kaibigan!

"Bleh" habol pa ni Mica "okay tama na nga Alex!" pag-aawat nya dito sabay baling ng tingin sakin "So Avy kamusta naman na kaklase mo ang sikat na transferee-slash-ex-boyfriend mo? are you cool with it?" pagiiba at diretsahang tanong sakin ni Mica

"Well, to be honest, hindi pa talaga ako sanay na nakakasama ko sya sa iisang room, plus the fact na hindi padin ako nakaka-move on sa sobrang shocked sa biglaang pagbalik nya sa buhay ko." malungkot na saad ko

"Ayos lang yan Avy, siguro kaylangan mo nading masanay. Basta pag ginulo ka nya sabihin mo agad sakin ha! kahit na crush sya ng mga classmates ko uupakan ko talaga yun!" sabay act pa ni Mica na parang manununtok nga talaga.

"Hahahaha! Sira ka talaga Mica" sabay na tawa namin ni Alex

"Che! ikaw dyan ha! ikaw ang palaging kasama dyan ni Avy kaya protektahan mo sya pag wala ako! Lalo na kay Bryan, alam mo naman ang past nila! baka mabaliw yang si Avy at maisipang makipag-balikan kay Bryan! Bantayan mo maigi ng magkaroon ka naman ng silbi!" pagloloko ni Mica, Hay! bestfriends ko talaga sila!

"Oo naman noh! kahit di mo sabihin!" Alex

"Oh tama na nga yan! salamat Mica ha?"sabay yakap sa kanya "Sige aalis na kami, malapit na mag start yung next class namin eh,"

"Haha! Anu ka ba Avy! That's what friends are for"

"Haha! basta Thank you ulit! Sige na! Bye bye na!" at tumayo na nga kami at humiwalay na kay Mica

Natapos ang buong klase maghapon ng matiwasay, hindi naman na ako kinukulit pa ni Bryan tsaka palagi naman ng nakabantay sakin yung dalawang nakagitna sakin sa upuan eh. Oo! pati si Gian nakikisali sa pagiwas sakin kay Bryan. Hindi ko nga din malaman kung bakit ganon ang inaasta nun ngayon eh, tsaka nagiging mabait nadin sya! Siguro nahipan ng masamang hangin XD

"Ahm, Avy ako ng maghahatid sayo pauwi." Gian

Oh diba ang bait nya ngayon? At sino naman ako para tumaggi hindi ba? Minsan lang to maging mabait kaya samantalahin na natin hehe! Pero syempre pa Maria Clara muna tayo ng onti! *wink*

"Ahm! Ayos lang ba?" pagtatanong ko, nakalimutan ko din naman kasing i-text si manong Eddie eh! dapat kay Alex ako makikisabay.

"Yeah, di ba nga ako na ang nag offer sayo? So let's go?"

"Okay"

At pumunta na nga kami sa parking lot kung saan naka park yung kotse nya.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng passenger's seat ng bigla nya akong pinigilan at siya ang nagbukas nito. O_O

Woah, kelan pa to naging gentleman? Sa pagkakatanda ko kasi nung sinabay nya ko dati pauwi sa bahay namin nung bakasyon eh hindi naman nya ako pinagbuksan noon ng pinto! At sa pagkakatanda ko din ay mabilis nga pala syang mag drive!!

Waaaaa, parang gusto ko ng mag back out!!! >_<

"Pasok na"

"Ay saan papasok? Hehe! oo na nga pala" sabay pasok ko na nga sa passenger seat.

Hay! ano ka ba naman Avy! Kung ano-ano na nasasabi mo! Nakakahiya ka talaga! -bulong ko sa sarili ko

"Seatbelt" pahiwatig nya

"Okay!" then nilagay ko na nga yung seatbelt ko at kumapit ng mahigpit dito. Wooooh kinakabahan na ko!!!

Kasabay ng pag bukas nya ng engine ng kotse ay ang pagpikit ko din ng mariin.

O_-

-_O

O_o

Unti unti kong binuksan ang mga nakapikit kong mga mata ng maramdaman kong tama lang ang pagda-drive nya ng kotse. Wooh! siguro naalala nya na hindi ako sanay sa mabilis na pagpapatakbo ng kotse!

"Ayos ka lang?" tanong nya

"Hehe! Oo naman, akala ko kasi mabilis ka magpatakbo eh"

"Sorry, inaasar lang kita nung nag drive ako ng mabilis noon.

Ahm anyway, pwede bang dumaan muna tayo sa park? nakalimutan ko kasi na may nag-aantay pala sakin dun eh" tanong nya na parang nahihiya sabay hawak sa ulo nya

"Sure, kahit saan pa yan :) Isa pa nakisabay lang din naman ako sayo eh" nakangiting sabi ko sa kanya.

At nag drive na nga sya papuntang Park.

The Girl Who Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon