Alex's POVHabang kausap ni Mica si Avy ay parang may nakita akong pamilyar sakin.
Pinuntahan ko muna iyon para maka sigurado na din.
Sabi ko na nga ba eh!
"Yow Gian!!!" sigaw ko
Napatingin din naman agad si Gian sa may lugar ko, pinuntahan ko sya at tinapik sa balikat
"Biruin mo yon Gian nag-pupunta ka din pala sa mga gantong lugar!!" saad ko
"oo, halos lahat naman ng tao nagpupunta sa mga ganitong lugar. Tss" sagot nya
"hahaha! nakakapanibago lng bro!" sabi ko
"Tss"-sya
Sya nga pala sya si Gian Joseph Lopez, kaklase at kabarkada ko sya nung highschool, kahit na may pagka-suplado yan noon ay andami pading nagkaka-gusto sa kanya, well syempre plus points pa sa kanyang may kabarkada syang gwapong tulad ko.
Sa laguna na sya nag College kaya napahi-walay sya samin. Kaya nakakagulat na nandito sya ngayon sa Manila.
Nakilala ko lng naman sila Mica at Avy nung nag College na kami, classmate ko si Avy at nag click kami agad kaya naging girl bestfriend ko sya, naging kaibigan ko na din si Mica dahil lagi din syang naka-buntot kay Avy haha!!
May mga kabarkada din naman akong mga lalaki syempre at isa na nga dun tong si Gian
*totot*
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng marinig ko ung tumunog.
From: Mica
Asan kna? bigla-bigla ka nlng nawawala! Dito na kami sa food court, punta kna dito.
-end
Ah sh!t oo nga pala, nakalimutan ko na sila Avy
"ah Gian may pupuntahan ka pa ba? Gusto mo sumama samin? may mga kasama kasi ako at hinihintay na nila ako sa foodcourt." sabi ko
At dahil mukhang na sa mood si Gian ngayong mag-gala, ei sumama na din sya.
"Tara puntahan na natin sila! Ipapakilala ko na din sila sayo"
At pumunta na nga kami sa Food Court
Avy's POV
Hay! antagal naman ni Alex, sabi nya sa text nya kanina papunta na sya ah!
Siguro nambabae nanaman yong ugok na yon, hay! may pagka-playboy din kasi yun ei.
"oh ayan na pala si Alex ei" saad ni Mica
Agad ko namang nilingon yung direksyon na tinuro ni Mica
"oh! tignan mo Avy, sino kaya yung kasama ni Alex? Mukhang gwapo!!!! *U*" puna ni Mica
W-wait a minute kapeng mainit, parang sya ung nandun sa may Time Zone ah!
"Hi girls, pasensya na at bigla akong nawala kanina, nakita ko kasi tong kaibigan ko, BTW sya nga pala si Gian, Gian sila yung mga kasama ko si Avy at Mica" pakilala ni Alex kay Gian samin
Waaa, bakit sya pa yung may lakas ng loob na manama ng tingin, ei sya nga tong nang-agaw ng baril kanina ei- tanong ko sa sarili ko
"Hi Gian, Nice to meet you ^_^" pa-cute na sabi ni Mica sabay hawi pa ng buhok nya sa may tenga nya.
Hay! si Mica talaga, dumali nanaman ng pa-cute, halatang gwapong-gwapo dito sa Gian na to ei, sarap pektusan!!!
"Hi -_-" sagot naman nitong si Gian ng walang kabuhay-buhay
Nang tinignan ko sya ay saktong nakatingin din pala sya sakin, waaaa!!!!! iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya.
"H-hi" bati ko naman sa kanya
"Hi"-sya
Waaa, hindi ko dapat ipahalata na natatakot ako sa kanya! Sya ang may kasalanan sa aming dalawa ei.
"T-teka nga magkakilala ba kayo kayong dalawa ha? Gian? Avy?" tanong ni Alex na papalit-palit ang tingin sa aming dalawa.
"Hindi-Oo" sabay naming sabi
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Be Moved
RomanceThis is a story of a Girl who was left by the Man who she Trusted the most. Will she able to forget her past? or she will be forever THE GIRL WHO CAN'T BE MOVED.