Chapter 10

76 2 0
                                    


Avy's POV

Pagkatapos na pagkatapos ng klase namin sa English ay agad-agad kong iniligpit ang mga gamit ko at nagmadaling lumabas ng room.

Kanina ko pa pinipigilan ang mga luha ko na tumulo pero parang hindi ko na ata kaya ngayon kaya papunta na sana ako ng cr ng marinig ko ang pagtawag sakin ni Alex at ang paghigit sa kamay ko.

Akala ko si Alex ang humigit ng kamay ko ngunit ng lingunin ko ito ay parang bigla nanaman akong na-bato sa kinatatayuan ko.

S-si B-Bryan ang may hawak ng kamay ko ngayon at nakatitig sya saakin na parang may gusto syang sabihin ngunit nag-aalangan sya.

"A-Avy, p-pwede ba k-kitang m-maka-usap?" parang biglang nanlambot ang tuhod ko ng marinig kong bigkasin nya ulit ang pangalan ko, mabuti na lang at hindi ako natumba

"A-Ah ano k-kasi m-may gaga-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng biglang may tumapik sa balikat nya

"Pare hayaan mo na muna sya! Ayaw ka pa nyang maka-usap sa ngayon" laking gulat ko ng makitang si Gian ang nagsalita

Unti-unting niluwagan ni Bryan ang pagkaka-kapit nya saakin hanggang sa tuluyan na nga nya itong binitawan.

"S-Sige...... p-pasensya na" saad ni Bryan tsaka sya yumuko at tumalikod na saamin at naglakad na palayo.

Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Sa sobrang pagka-bigla ko sa mga nangyari ay hindi ko na namalayan na hinihila na pala ako ni Gian sa kung saan, hindi na ko umapila pa at hinayaan ko nalang sya na hilahin ako.

Maya-maya lang din ay nakarating na kami sa isang bakanteng room na hindi ginagamit sa may Engineering building.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nitong si Gian kung bakit nya ako dinala dito dahil hindi naman nya alam ang mga nangyayari.

Maya maya lang din ay naramdaman ko nalang na nakayakap na pala sya saakin, hindi ko alam kung bakit pero nakahanap ako ng comfort sa pagyakap nya na yon saakin na pinaka-kailangan ko ngayon. I gave back the hug and cry silently in his shoulder.

Walang nagsasalita saaming dalawa at tanging mga hikbi ko lang ang maririnig sa buong room.

Matapos siguro ng mga 15 minutes na pag-iyak ko ay bumitaw na din ako sa pagkaka-yakap sa kanya at marahang pinunasan ang mga luha ko.

"a-ah s-salamat Gian, sorry ah! mukhang nabasa ko pa tuloy ang damit mo!" saad ko na hindi makatingin sa mga mata nya.

"ayos lang, hindi ko alam na ganyan ka pala umiyak, grabe daig mo pa ang batang inagawan ng candy hahaha!" natatawang saad nya

"heh! manahimik ka nga! ikaw naman dyan ang bigla-biglang nanghila sakin kanina ah! tsaka t-teka tumatawa ka?" takang tanong sa kanya at agad naman syang napa-ayos ng upo

"b-bakit masama ba? lahat naman ng tao marunong tumawa. Tss!" saad nya

"hindi naman, akala ko lang kasi hindi ka marunong tumawa" nahihiyang saad ko

"Tss"

Tignan mo to parang kanina lang ang bait-bait tas ngayon nagsu-ngit nanaman. Hay!

"anyways, a-ahm salamat ulit ha! s-sige alis nako" paalam ko sa kanya sabay talikod

"w-wait ihahatid na kita, Alex texted me earlier that I should drive you home, alam nya na ako ang kasama mo so if may mangyaring masama sayo ay ako ang sisisihin nya kaya no more excuses! Tara na" hindi na ako nakapag-react pa at hinila nanaman nya ako papunta naman sa paking lot ng school namin at pinasakay na sa kotse nya.

Nang palabas na palabas na ang kotse na sinasakyan namin sa gate ng school ay laking gulat ko ng makita si Bryan sa may side mirror na seryosong nakatingin saamin.

Hinintay nya ba kaming lumabas ng school? o baka naman may iba syang hinihintay?-tanong ko sa isip ko

Iniling iling ko ang ulo ko.

Kung ano-ano nanaman ang pinagii-isip mo Avy! guni-guni mo lng yun siguro!-dagdag ko pa.

Walang nagsalita saamin buong byahe, pagkadating na pagkadating namin sa tapat ng gate namin ay agad-agad na akong bumaba.

Nagpa-alam lang ako kay Gian at nag thank you ulit bago pumasok sa loob ng bahay namin.

Binati ko lang si Mom at dumiretso na din agad sa kwarto ko at nagbihis na ng pantulog.

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko at nakakatitig sa ceiling ng kwarto ko at naghihintay ng mga butiki na mapapa-daan o di kaya ay mag-aaway kahit na alam ko naman na walang butiki dito sa bahay namin.

Ini-isip ko pa rin kasi hanggang ngayon ang mga nangyari kanina.

Totoo nga na nagbalik na sya pero bakit ngayon pa? 

Dati, halos gabi-gabi kong hinihiling na sana bumalik na sya sakin, pero bakit ngayon na hindi ko na hinihiling ay tsaka pa yon natupad?

Hay! Buhay nga naman parang Life!

Hinaplos ko ang mukha ko at naramdamang basa na pala iyon, hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako.

Ang sakit sakit lang kasi maalala na yung mga panahong naging pinaka-masaya kami noon ay mapait ng alalahanin ngayon.

The Girl Who Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon