Slayer 0.03

257 17 1
                                    


Third Person's P.o.v.

Humahangos ang lalaking napatigil sa pagtakbo ng makalayo na siya sa pinasukang lugar. Agad niyang tinawagan ang nag-utos sa kaniya para pumunta sa Slayer's Head Quarter.

"H-h-hello... Sir" huminga siya ng malalim habang nakakapit sa kaniyang dibdib.

"What happen? Why are you panting?" tanong ng nasa kabilang linya. Hinabol niya ang hininga niya. Bumalik naman sa dating paghinga ang lalaki kaya maayos na itong nakasagot.

"Nakabasag ako ng vase sir. Pero 'wag kayong mag-alala, nakalayo na ako sa kanila" parang nabunutan naman ng tinik sa lalamunan ang lalaki sa kabilang linya.

"Did you hear anything? About killing someone?" tumayo ng maayos ang lalaki at naglakad papunta sa kotse na ipinagamit sa kaniya ng kausap na abot tanaw nito.

"Yes sir. Cravender's Heir daw po ang papatayin. At ang babaeng nasa litratong ibinigay niyo ay mukhang pinuno nila. Siya daw po ang papatay dito, tinawag po ito ng babae na Pav." napangiti sa kabilang linya ang lalaki.

"Good job! Ano pang narinig mo?"

"Magta-transfer po ang nagngangalang Pav sa Gold-U sir. Hahanapin po nito 'yung Cravender at papatayin" lalong napangisi ang lalaki sa kabilang linya. Iniisip nitong ang tinatawag na Pav ay ang naririnig niyang Mafia Slayer.

Maaari niyang isiwalat ang mukha ng babae sa underground para sumikat at magkapera. Natandaan niya kasi ang mukha nito ng makita niya ito sa elevator. Sinundan niya ang dalawang babaeng 'yon na naka-uniporme ng janitor no'ng nakaraan na nagpunta ito sa Gullien Comp. dahil naghinala ito.

Do'n niya narinig na binayaran ito ng boss niya para may ipapatay sa malaking halaga. Do'n niya din narinig na ang babaeng nakasabay sa elevator ay isang mamamatay tao. Mula no'n ay pinasundan niya ito sa kaniyang tinutulungang estudyante.

"Salamat, umalis ka na diyan" tumango ang lalaking inutusan nito kahit hindi kita ng nasa kabilang linya.

"Opo sir" sabi nito at nang makarating sa kotse ay ibinulsa na nito ang cellphone at sumakay sa kotse. Akmang papaandarin na niya ang kotse ng bigla siyang matigilan.

May malamig at matalas na bagay ang lumapat sa kaniyang leeg. Napatingin ang lalaki sa rear view mirror at do'n niya nakita ang babaeng nagpa-plano kanina.

Ngumiti si Vatria ng malademonyo ng tumingin din siya sa rear view mirror. Dahan dahang napalunok ang lalaki at napabitaw sa manibela.

"Baba" utos ni Vatria gamit ang nagbabantang boses. Dahan dahan naman binuksan ng lalaki ang pintuan ng kotse at lumabas. Tumakbo ang lalaki paglabas nito. Mabilis namang bumaba si Vatria at ibinato ang kutsilyo sa may alak-alakan nito.

Napadapa ang lalaki dahil sa tama. Napahiyaw ito ng alisin niya ang kutsilyong nakabaon dito. Dahan dahan namang lumapit si Vatria sa lalaki habang naka-ngisi.

"Ang isang dyosang katulad ko tatakbuhan mo? Gusto mong mamatay?" mataray na tanong nito habang nakangisi. Nag-e-enjoy siyang tingnan ang lalaking natatakot sa kaniyang tumingin habang naka-upong umaatras.

"A-anong kailangan m-mo sa'kin!" lakas loob na sigaw nito kay Vatria na tinawanan lang nito. Lalong natakot ang lalaki dahil sa uri ng pagtawa nito.

"Ako? wala akong kailangan sa'yo. Pero si Pav, meron" nakangisi nitong saad at lumapit sa lalaki. Nagpatuloy naman sa pag-atras ang lalaki

"'Wag kang l-lalapit!!" tumawa si Vatria at mas lalo pang lumapit sa lalaki. "A-ano ba! 'wag k-ka ngang l-lumapit!! A-alis!" napasandal ang lalaki sa pader. Ang Slayer's Head Quarter ay isang private property kaya walang nagpupunta dito.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon