Slayer 20

242 20 7
                                    


The Legendary Mafia Slayer

Slayer 20

"October"

Persephone's P.o.v.

Tahimik lang kaming kumakain tatlo. Walang nagtatangkang umimik, tanging mga tunog lang ng kubyertos ang maririnig sa buong dorm room namin.

Magana akong kumakain dahil masarap ang pagkain namin ngayon. Hindi ko pinapansin ang laging pagsilip ng tingin sa akin ni Alayana at ang awkward na tingin ni Bea.

Wala akong pakialam sa kanila basta sa pagkain lang nakatuon ang atensiyon ko.

"Pupunta ako sa mall, sama kayo? Bibili ng bagong damit para sa darating na Biyernes ng October" Pambasag ni Bea sa katahimikan. Nag-angat ako ng tingin at inosenteng tiningnan si Bea.

"Anong meron?" Sabay naming tanong ni Alyana. Nagkatinginan kami sandali at siya ang unang umiwas ng tingin. Palihim akong napangisi. Naaalala ko pa ang napag-usapan namin kagabi.

"I am your nightmare Alyana" Gulat na gulat ang ekspresyon niya. Hindi niya akalain na na magsasalita ako ng gano'n. Pero pinilit niyang itinago ang kaniyang gulat hanggang sa bumalik ang dating postura niya

"Sino ka?" I didn't answer. Pinagmasdan ko lang siya.

"Who the hell are you!? F*cking answer me!" Sigaw nito sa akin at mabilis na tinutukan ako ng baril. Galing iyon sa loob ng vase na kulay brown. Napataas ako ng kilay.

"You are going to kill me Hagina?" Nagpaawa effect pa ako. Binalik ko sa pagiging inosente ang mukha at boses ko. Pagkagulat ulit ang rumehistro sa mukha niya. Maya maya'y binaba niya ang kaniyang baril.

Palihim akong napangiti at may pinulot sa ilalim ng bago naming couch at dahan dahang lumapit kay Alyana. Napaatras siya sa paglapit ko sa kaniya hanggang sa makasandal na siya sa pintuan ng kwarto ko.

Tiningnan ko ang hawak kong katana. Napatingin din siya do'n at nanlaki ang mata niya sa nakita, marahil nalaman na niya kung sino ako.

"Ikaw... Ikaw ba ang nanghack sa system namin? Kaya nakilala mo ako?"

"Sort of" Hindi naman kasi ako mismo ang nanghack. Pinag-utos ko lang and yes. I know her already.

Inilabas ko ang talim ng katana ko mula sa lalagyan nito at agad iyong itinutok sa leeg ni Alyana kaya agad siyang napatigil.

"Alayana meet my pet Kayena" Inosente habang nakangiti kong sabi na para bang normal lang iyon. Itinapon ko sa gilid ang lalagyan ni Kayena at mas lumapit kay Alyana. Napatingkayad siya ng sumayad ang dulo ng katana ko sa leeg niya.

"Say Hi to her Alyana" Nakangisi kong sabi. Kita ko ang unti unti niyang paglunok at ang pagpapawis niya.

"Ano bang k-kailangan mo s-sakin?" Humakbang ako paatras kaya napahinga siya ng maluwag ng matanggal ang dulo ng katana ko sa leeg niya.

"I only want to know what your mission is"

"It's about a serial killer, wala ng iba" Mabilis niyang sagot.

"Isa akong killer. Ako ba ang hinahanap mo? Are you going to kill me?" Tinutok ko ulit ang katana ko sa leeg niya kaya napalunok ulit siya.

"No" Binaba ko na ang katana ko at nilimot ang lalagyan nito saka nilagay ulit sa ilalim ng couch.

"Good, have a sit Miss Alayana"

Tiningnan niya ako gamit ang mga matang seryoso bago umupo sa katapat ko. Nakalugay ang buhok niyang may kulay violet na highlight. Nakapajama na kulay violet at naka blue t-shirt. Parang bumalik kami sa una naming pagkikita dahil sa ekspresyon niya. Ganito din siya kaseryoso no'n.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon