Slayer 8

176 13 1
                                    


The Legendary Mafia Slayer

"Hades Cravender: The king of Underworld"

Slayer 8

Hagina's P.o.v.

"Hindi mo kasabay si Pers?" bungad na tanong ni Bea sa'kin pagpasok ko. Bukas ang t.v. at nanonood siya. Humihigop ng kape at kumakain ng cupcakes.

Seriously? Nagkakape siya e hapon na?

Hayaan na, trip niya 'yan ehh.

"May nakikita ka bang katawan ni Pers?" pamimilosopo ko at natawa naman siya ng bahagya. Umirap ako ng palihim at nagdire-diretso na sa kwarto ko. Kinuha ko 'yung pamalit ko at pumunta sa banyo para maglinis. Natapos akong maglinis ng katawan, pumunta ako sa katapat na couch at umupo.

"Magaling ka na ba? penge ahh" tumango lang siya at itinuro ang cupcakes kaya kumuha na ako. Napansin ko pa din ang mga pasa niya pero hindi na gaanong nagv-violet.

"Okay na ang pakiramdam ko pero need ko parin ng pahinga hanggang bukas. Goodluck na lang sa Akuma Hour" tinanguan ko siya saka sumubo ng cupcake. Hanggang bukas pa siya wala. Kaya ko naman.

Ngayong gabi, sure akong hindi na madadagdagan ang mga sugat ko sa katawan dahil magiging maingat na ako ngayon at naranasan ko na rin ang unang gabi ng Akuma Hour.

"Ang luma naman ng pinapanood mo" kay FPJ kasing movie ang pinapanood niya. Humarap siya sa'kin ta's inirapan ako. Bigla niyang kinuha ang cupcake sa kamay kong may bawas na kaya umangal agad ako. "Hoy ano ba! nakagatan ko na 'yan!"

"Tsk! Sabihin mo pang luma ang movies ni FPJ hindi ka makakatikim ng cupcake at sisiguraduhin kong maaga kang makakatulog." tinawanan ko lang siya. Inabot naman niya ang kinuha niyang cupcake sa'kin kanina kaya kinuha ko 'yon at kinain.

"Avid-fan ka pala ni FPJ ha"

"Hindi naman talaga ako, It's my dad. Nahawa lang ako, so yeah" hindi halata sa mukha niya. Batay kasi sa mukha niya, parang ang hilig niya ay romance movie. Walang action, pure romance lang.

And besides nasa modernong panahon na tayo ngayon. Puro modern movies ang sikat at inaabangan ng mga teen-agers. Akala ko'y wala siyang interes sa ganitong movies.

"Five p.m. na wala parin si Pers? Four ang labasan diba? Wala naman siguro kayong make-up class kasi nandito ka na. Magkaklase naman kayo, naiba lang ang night class or nag-cut ka?" tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. Wala akong panahong mag cutting tsk!

Katatapos lang namin manood ng 'Isang bala ka lang' ni FPJ at may sinalpak na naman siya sa DVD na movie ulit ni FPJ. May mga bala din ako ng Movies na puro horror kaso sabi niya'y magandang panoorin 'yon sa gabi kaya mamaya na lang namin papanoorin ang mga suggestions ko.

"Hell no! wala sa bokabularyo ko ang mag-cut ng klase 'no!" tinawanan niya ako at saka kumain ng chichiriya. Kinuha niya daw kaninang umaga 'yon sa cafeteria, Puro bala ng movie ni FPJ at pagkain ang laman ng center table.

Ito ang ginawa niya buong araw para hindi daw siya ma-bored. Gusto ko sana siyang tanungin ng 'Hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha ni FPJ?' kaso hindi ko na tinanong dahil baka magalit pa siya at hindi ako pakainin ng pagkain na nasa center table. Ang sasarap pa naman.

"Baka na-bully na naman 'yon? Hanapin mo kaya?"

"Bakit naman ako? Ikaw na lang ikaw naka-isip e" tinawanan na naman niya ako.

"Nagpapahinga ako Hagina-bitch! Saka mas matanda ako sa'yo! Inuutusan kita! Hanapin mo si Pers! baka kung napano na'yon" inirapan ko lang siya at hindi kumilos.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon