Slayer 10

174 14 2
                                    


The Legendary Mafia Slayer

"San Goku"

Slayer 10

Hagina's P.o.v.

"You're such a flirt!" Inirapan ko lang si Bea-Bitch. Kanina niya pa akong niloloko dahil sa nangyari sa'min kagabi no'ng time ng Akuma Hour.

Nagpakwento kasi siya at kwinento naman ni Pers. Detalyadong detalyado pa. Kaya ito ako ngayon, tinatawanan ni Bea-Bitch.

Hindi naman big deal sa'kin 'yung halik, nagulat lang ako kaya nasuntok ko sa kaliwang mata si San Goku kagabi.

"Bangis mo Hagina-Bitch!" sabi pa nito sabay tawa. Kinuha ko ang throw pillow malapit sa'kin saka binato si Bea-Bitch na sapul sa noo. Natawa si Pers sa naging reaksiyon nito. Muntik na kasi siyang matumba.

"Ewan ko sa'yo Bea-Bitch!. Mabulok ka sana dito" sabi ko na tinawanan niya lang. Ngayon ang pangalawang araw na pahinga niya. Bukas ay makakatulong na siya sa'kin sa Akuma Hour.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa couch dahil tapos na akong magsapatos. Nagtanong pa si Bea-Bitch kay Pers pero hindi ko na pinakinggan pa dahil pumasok na ako sa kwarto ko.

Pagkakuha ko ng bag ko ay lumabas na din ako at nadatnan ko silang kumakain.

"Riota is a good kisser men! Masarap ba Hagina-Bitch? Hahaha"

"Isa na lang at babaon na sa'yo ang dagger ko" pagbabanta ko pero pabiro lang. Inirapan lang ako ni Bea-Bitch bilang tugon na mahinang ikinatawa ni Pers. Umupo na ako sa tapat nila at kumuha ng kape

"Pero ang bangis mo talaga Hagina-Bitch! Biruin mo! Tatlong araw ka pa lang dito naka-Riota ka na agad! Baka mamaya malaman ko na lang kay Pers na pati si Hades nahalikan mo na din"

*cough cough*

"Oh dahan dahan naman Pers!" pinanood ko lang na inumin ni Pers ang isang basong tubig na ibinigay ni Tanda.

Speaking of Hades, walang sinabi sa'min si Pers kung anong ginawa sa kaniya ni Hades kagabi. 'Yon lang ang hindi niya naikwento. Baka pinagbantaan na siyang papatayin?

"Ano nga pala ang ginawa ng Top 1 do'n Pers? May sinabi ba siya sa'yo?" Napatingin ako kay Pers dahil sa tanong ni Bea-Bitch. Gusto ko din itanong 'yon, naunahan lang ako.

"W-Wala naman" Naningkit ang mata ko sa sinabi ni Pers. Nautal siya, hindi kaya pinagbantaan nga siya ni Hades? Mukhang kailangan ko ng kumilos. Kaso ay hindi ko alam kung paano magsisimula.

Hindi pa ako nakakatanggap ng tawag bilang signal, Kainis!

"Maiba ako, kayo ay mag-ingat ingat ha? Lalo ka na Pers! Una ang Lazy Trio tapos ngayon si Hades! Lapitin ka ng kapahamakan. Don't do stupid things okay?" ngumiti si Pers at tumango kay Bea habang ako ay napailing na lang.

"Pero... sayang din si Linton ano? Gwapo naman 'yun tamad lang. Kawawa naman ang Lazy Trio. R.I.P Sean"

"Bakit naman si Sean lang?"

"Siya kasi ang pinaka masipag sa tatlo! HAHAHAH" Natawa na din si Pers habang ako'y umiling lang.

Natapos na kaming kumain, nauna na si Pers umalis. Nagmadali na din ako dahil malapit ng mag-time. Baka malate pa ako.

"Hagina-Bitch sa tingin mo okay lang si Pers?" Napatigil ako sa pag-pupunas ng dagger ko at napalingon kay Bea-Bitch na inosenteng nakahalumbaba sa lamesa.

Nagkibit balikat ako "Ewan ko, parang, oo? Hindi, Malay ko"

Sinamaan niya ako ng tingin at binato ng kapiraso ng tinapay na pakonti konting kinakain niya na nailagan ko naman.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon