Slayer 9

219 17 3
                                    


The Legendary Mafia Slayer

"Lazy Trio's Fall"

Slayer 9

Hagina's P.o.v.

Naghiwalay na kami ni Pers ng daan dahil magka-ibang building ang aming night class. As usual kasama ko na naman si Rio A.K.A. San Goku. Dumadaldal na naman siya.

"May bagong labas na cupcakes sa Pastry Shop, punta tayo do'n bukas Master Chi ah!" Pastry Shop, nasa loob lang 'yon ng Gold-U. May mga mall din na nakatayo dito at ilang mga stores.

Nandito na lahat ng kakailanganin ng mga estudyante. May pagupitan, bar, park, mall, restaurants at madami pang iba. Para siyang maliit na city sa loob ng isang University.

Kaya hindi mo na talaga kailangan pang lumabas ng Gold-U o Lost City dahil kompleto na lahat ng kailangan dito.

Swerte siguro sana ang anak ni Percious dahil siya ang magmamana ng lahat ng ito. Makukuha niya din ang pagiging First Mafia Boss.

Pero wala e, patay na. Ibig sabihin, walang nagmamay-ari nitong Lost City. Hinahawakan at minamanage lang ng kasalukuyang First Mafia Boss. Kapag nagkaroon ulit ng bagong First Mafia Boss sila naman ang magmamanage ng Lost City.

Ang galing naman, para kang superior. Para narin ikaw ang nagmamay-ari nito.

"Ah, San Goku"

"Yes Master Chi?" Nangunot ang noo ko at tumigil sa pagsusulat. Nasa loob kami ng classroom ng Physics, wala ang tamad naming Lecturer dahil may date daw. Dapat kasali ang Physics Lecturer namin sa Lazy Trio e. Pinagpaliban ang pagtuturo para sa date tsk!

Pinapasok naman sa loob ni San Goku, bukod sa rank 8 siya ay madaming may gusto sa kaniya dito. Kahit naman madaldal ito ay hindi ko maitatanggi na may hitsura naman si San Goku.

'Di lang ako na-a-attrack

"Chi? kanina mo pa akong tinatawag na Master Chi ah" napahagikhik si San Goku at inalis ang lollipop na nakasalpak sa bibig niya.

"Naisip ko kasi Master na tinatawag mo akong San Goku. Kaya tatawagin kitang Master Chi Chi o Master Chi. Mag-asawa sila ni San Goku 'diba? Hehehe yiiieeee mag-asawa tayo Master Chi HAHAHAHA" Napailing na lang ako. Sari sari ang nalalaman niya.

"Ya! Stop with the Chi thingy. Si Pers hihingi ng tulong sa'yo" naging interesado naman siya at lumapit sa'kin ng sobrang lapit kaya inis na inilayo ko ang mukha niya sa mukha ko. "Ano ba! Tsk!"

"Anong klaseng tulong? Baka hindi ko kaya ah!"

"Actually magsasalita ka lang ng 'leave her alone'. Kayang kaya mo 'yon, "

"At sino naman ang sasabihan ko niyan?"

"Si Linton Morsen" para naman siyang tangang napalayo sa'kin habang nakangiwing nakanganga. Iniwas ko na lang ang paningin ko sa kaniya at kinagat ang ibabang labi ko para hindi matawa.

Mukha siyang ewan.

"Ano? Kaya mo ba? Hindi kita sasamahan bukas sa Pastry Shop" pagbabanta ko. Umayos naman siya ng upo sa harap ko. Yeah, nasa harap ko siya. Inagawan pa ng upuan 'yung lalaking kong kaklase.

"Kaya ko! Hehe ikaw naman, basta sa lunch do'n tayo pupunta ah?" tinanguan ko siya.

"Okay, Mamayang Akuma Hour sure akong pupuntahan ng Lazy Trio si Pers. Puntahan natin siya" tinanguan niya ako at kinuha niya ang notebook na sinusulatan ko.

Nagkokopya ako ng pinano-notes pero tapos na naman ako kaya hindi ko na siya pinigilan. Binuksan niya 'yung gitna ng notebook ko at nagsimulang magdrawing. Hindi ko na siya pinansin at nagsalpak na lang ng Head Phone.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon