P R O L O G U E

283 19 1
                                    


P R O L O G U E

Kalat na kalat sa buong Gold-U ang pagta-transer ng Legendary Mafia Slayer kung saan ang Mafia Slayer na ito ay binabayaran para pumatay ng Mafia o Gangster.

Nababahala tuloy lahat ng Estudyante dahil baka isa na sila sa isusunod ng Mafia Slayer. Ang iba ay hindi naniniwala, ang iba naman ay naghahanda na para protektahan ang sarili.

Ang Gold-U ay isang University kung saan puno ito ng mga mamamatay tao. Mga masasamang tao. Mga pinatapon dito dahil wala ng magawa ang magulang sa kanila at ang iba naman ay pinag-aral dito para sa training.

Karamihan sa estudyante dito ay anak ng mga Mafia, Gangster at ang iba ay may mga criminal records and drug addict. Hindi ito alam ng pamahalaan dahil ang may-ari nito ay ang dating First Ranker Mafia Boss.

Mayaman at makapangyarihan ang dating First Ranker Mafia Boss, ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan at kayamanan para makapagtayo ng university kung saan ang nakakapasok lamang ay mga katulad nila.

Ngunit dahil sa pagkamatay ng First Mafia Boss na dahilan ng Mafia Slayer, ang nangangalaga dito ay ang kasalukuyang First Mafia Boss na si Cronus Cravender. Hindi kasi mahanap ang nag-iisang anak nito para mangalaga sa Gold-U kaya nagpasiya ang ibang Mafia na ipahawak ang Gold-U kay Cronus.

Dito sa Gold-U, pinapayagan ang pagpatay pero may oras ito, at lugar.

"10,000 pesos! Pupusta ako! Hindi totoo ang sinasabi nilang magta-transfer ang Legendary Mafia Slayer na iyan!" Nakangiting sambit ng isang lalaking may mga piercing at tattoo.

Nag-u-usap usap ang Supreme Student Council kung totoo nga ang balitang kumakalat. Wala pang nakakakita sa Mafia Slayer, ni hindi nila alam kung ano ang kasarian nito.

"15,000 pesos, tunay 'yan! Alam niyo naman na may mga High Ranking na anak ng mga Mafia Boss dito ang nag-aaral. Pusta ako, puntirya ng Mafia Slayer ang nasa Top 15" Mayabang na sabi ng lalaking may dilaw ang buhok at may subong lollipop.

"Okay, ilagay niyo na dito ang bet niyo" Sabi ng Treasurer ng Student Council at pinaikot ang box sa oblong na lamesa. Nilagay naman ng mga Officers ang pusta nila.

"Para ito sa kung magta-transfer ba ang Mafia Slayer" Sabi ng secretary at isinulat sa box ang 'Transfer' "Para sa sunod na bet, anong kasarian ng Mafia Slayer?" Tanong ng Secretary at pinakita ang sunod na box na paglalagyan nila ng bet nila.

"5,000 pesos, bakla! hahahaha" Napuno ng tawanan ang SSCO dahil sa sinabi ng kanilang P.I.O.

"HAHAHA"

"HAHAHAHAH"

"30,000 Pesos sure ako lalaki 'yan, ang galing ng moves ehh" Sabi ng Vice President at inilagay ang sobreng may pera sa tapat niya.

"Woah! confident Miss Vice Ahh! Sige tatapatan kita, 30,000 pesos din. Babae ang Mafia Slayer" sabi ng kanilang Business Manager.

"20,000 lalaki. Ang tataas ng bet niyo ahh" sabi ng treasurer at nagtawanan ulit sila.

"25, 000 lalaki"

"15,000 babae"

"40,000 lalaki" natigilan ang lahat ng officer at napalingon sa pintong kabubukas lamang, nakita nila ang President na kakapasok lamang. Napalunok ang lahat ng tao sa loob maliban lang sa President.

"P-president, andiyan k-ka p-pala h-hehehe" sabi ng Treasurer. Matalim na tiningnan sila ng President kaya napatungo lahat ng ibang Officer.

"Stop this sh'ts Vice" madiin at malamig na utos ng President ng Student Council sabay labas at sarado ng malakas ang pinto.

"Miss Vice, tigil ba ang bet?" ngumiti ang Vice at umiling

"Yes!"

"Yown!!"

"The best ka talaga Vice!"

"Basta 'wag kayong magkakamaling sabihin kay Pres. Kung hindi, patay kayo sa'kin" banta ng Vice President at nagsitanguan naman ang lahat at nagpatuloy sa pagbe-bet.

Isang linggo ang lumipas at lahat ng estudyante sa Gold-U ay nasa loob ng sari-sariling classroom. Maliban na lang sa isang lalaking mag-isang tumatakbo sa corridor.

Bumukas ng malakas ang pinto ng Section A, napatigil sa pagtuturo ang terror teacher at lahat ng estudyante ay napatingin sa lalaking humahangos.

"What's the problem Mr. Arebal? And why are you late?" tanong ng teacher at hinihingal naman ang lalaking pilit na nagsalita.

"G-guys! Hoooo Haaaaa! Ang... Ang..."

"What Mr. Arebal?!!" galit na tanong ng Teacher

"Ang transferee n-nandito na!! Sa.. Sa Section natin siya papunta." hinihingal na sabi nito na nagpalaki ng mata ng estudyanteng nasa loob. Nagkaroon ng malakas na bulungan ang mga estudyante maliban lang sa President ng Student Council na nasa loob din ng classroom.

"Ang Mafia Slayer na ba yan?"

"Hala! baka tayo ang isunod niya?"

"Gwapo kaya siya?"

"Ahihihi excited na akong makita siya"

Biglang pumasok sa loob ng classroom ng Section A ang Head Mistress ng Gold-U na ikinatahimik ng lahat ng Estudyante.

"You have new classmate Section A. Please be nice to her" sabi ng Head Mistress at maririnig mo ulit ang bulungan sa loob ng classroom.

"Her? babae?"

"Sh't panalo ako sa pustahan"

"Taena, talo ako ng 35K."

"Babae? Huh! maganda kaya yon?"

"Siguro"

"QUIET!" napatahimik ang lahat ng estudyante dahil sa pagsigaw ng Head Mistress. Ang iba ay nagulat at muntik ng mapatalon sa kanilang upuan. "Miss come in"

Dahan dahan namang naglakad papasok ang babaeng tinawag ng Head Mistress.

"H-hi" nahihiyang saad ng transferee.

Lahat ng estudyante sa loob ng Section A ay nalaglag ang panga dahil sa nakita nila. Napalingon na din ang kaninang walang paki-alam na President ng Council.

"ISANG NERD?!!!!" sabay sabay at gulat na sigaw ng taga Section A.

.....

DoughNutEatMe

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon