Slayer 11

159 13 1
                                    


The Legendary Mafia Slayer

"Science Lecturer: Andrew Fernan"

Slayer 11

Beatrice's P.o.v.

Inapakan ko pa ang dagger kong nakabaon sa noo ng kalaban ko kanina lang. Nang masigurado ko nang patay na talaga ito'y kinuha ko na ang badge nito at inilagay ko sa damit ko.

'Benson Polt is now dead' Anunsiyo sa speaker malapit sa akin.

"Huh! Weak" Aalis na sana ako doon ng makapa ko ang buhok kong magulo. "Ugh! Look what you've done to my hair!" Inis na sigaw ko kay Benson kuno.

Kinuha ko sa bulsa ko ang suklay ko at nagsuklay. Aalis na sana ako ng Makita kong nalaglag ang pinahiram na pamuyod sa'kin ni Pers. "Ugh! Too childish" Ibinalik ko na ulit sa bulsa ko ang pamuyod ni Pers.

Umalis na ako doon at naglakad papunta sa school garden dahil doon ang tagpuan namin. Habang naglalakad ako sa corridor ay bigla akong may narinig na pamilyar na sigaw. Pinakinggan ko pa ulit ito ng isang beses.

Pamilyar talaga e.

"KYAAAAAAAAAAAAH!" Bigla na lang akong napatakbo ng rumehistro sa utak ko na parang kay Pers ang boses na iyon. Inisa isa kong buksan ang classrooms pero mga sarado ito hanggang sa makarating ako sa stock room.

Natigil na ang sigaw at sigurado akong nandito si Pers dahil ito ang huling kwartong hindi ko pa nabubuksan. Pinihit ko ang door knob, hindi naka lock. Agad ko itong pinasok.

"Pers? Are you there?" Pagsarado ko ng pinto ay agad akong tumalsik dahil sa lakas ng sipa na tumama sa aking tagiliran. Hindi ko ininda 'yon at agad tumayo't iwinasiwas ang dagger ko umaasang mayroon akong matamaan dahil sa dilim.

'BlAAAAG!'

"ARGH!! *Cough* Eeeeeew!" Agad akong napatayo sa pagkakasubsob sa ilang magabok na mga papel na nakapatas matapos akong sipain ng kung sino sa likod ko. Tiningnan ko ang sumipa sa'kin pero 'diko maaninag kung sino.

Kulong na kulong kasi dito sa Stock Room e!

Winasiwas ko ulit ang dagger ko pero wala akong natamaan hanggang sa bigla na lang may dumamba sa'kin dahilan para mapahiga ako.

Hindi nalilinisan ang stock room kaya malamang madumi ito! My T-shirt! Eeeew!

Nanlaki ang mata ko't nanlamig ang kamay ko ng maramdaman na may dumamping labi sa leeg ko.

"AHHHHH!" Dahil sa kaba'y napasigaw na ako habang pinagsasasaksak ang nakadamba sa'kin. Nang makontento na ako ay saka ko itinulak ang dumamba sa'kin palayo.

Nagtataka man ako dahil sa hindi ito dumaing ng saksakin ko ito ng ilang beses at dahil sa hindi man lang ito pumalag, hindi ko na ito pinansin at agad tumayo para pagpagan ang sarili.

Mabilis kong kinuha cellphone ko sa bulsa ko para mailawan kung sino ang walanghiyang sumira ng cool outfit ko.

Nang maitapat ko sa mukha nito ang flash light ng cellphone ko'y agad kong nabitawan ang cellphone ko at napa-atras.

"Oh god! I'm dead, I am so dead" Napa-upo ako sa sahig dahil sa panlulumo. Nakapatay ako ng isang lecturer! Nasa rules ng Gold-U na bawal pumatay ng mga trabahador! Ang kapalit nito ay siguradong kamatayan!

Pagkatapos ng ilang minutong pagtitig sa bangkay nito ay tumayo ako at kinuha ang dagger na pinangsaksak ko sa kaniya pati ang cellphone ko. Walang dapat maka-alam na nakapatay ako ng isang lecturer.

I can't be punish! I can't die! Not here! Not now!

Agad kong nilagay sa bulsa ko ang cellphone ko at nagtatakbo papunta sa pintuan. Nakalimutan kong madilim kaya nauntog ako kung saan at napa-upo.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon