Slayer 16

165 19 1
                                    


The Legendary Mafia Slayer

"Hades is out"

Slayer 16

Persephone's P.o.v.

Natapos ang dalawang araw na pahinga ko sa hospital. Nakabalik na kami nina Bea at Hagina sa dorm. Medyo nanibago ako dahil may mga bagong gamit. Katulad ng couch at round glass mini table sa living room.

Nasira daw kasi ito nina Bea at Hagina no'ng maglaban sila.

"Pers matagal ka pa ba diyan? Ligong ligo na ako!"

"Malapit na akong matapos! Wait ka lang diyan ng mga... 10 minutes" Sigaw ko pabalik. Tapos na akong maligo kanina pa. Tinitingnan ko lang ang ginawang marka sa akin ni Hades kaya ako natagalan.

Hinawakan ko ang hickeys na nilagay ni Hades. Nagtataka ako dahil bakat na bakat pa din ito. Dapat ngayon ay wala na ito. Ano bang ginawa niya at tumagal ng ganito ito?

Mahihirapan tuloy akong itago ang nasa leeg at collar bone ko.

Tumalikod ako sa full leght mirror at hinaplos ang likod kong may tattoo. Medyo magaling na siya. Hindi na masakit pero may bakas pa ng sugat ang aking likod.

Muling may kumatok sa pintuan

"Pers! Male-late na tayo, oh my god!" Napailing na lang ako kay Bea. Mabilis kong isinuot ang aking uniform. Hindi ko pinuyod ang aking mahabang buhok para mapangharang sa leeg ko.

Ayokong gumamit ng scarf.

Magmumukha akong timang.

Nerd na nga ako, gagawin ko pang katawa tawa ang hitsura ko?

A big no!

"Woah! Himala atang hindi ka magpupuyod? Anong nakain mo?" Salubong sa'kin ni Bea ng makalabas ako ng bathroom. Hindi na siya nakapasok ng bathroom para maligo dahil sinundan niya ako.

"Hmm... Wala lang. Trip ko lang" Nginusu-an niya ako at sinundot ang tagiliran ko kaya natigil ako sa paglalakad papunta sa aking kwarto. Ayoko sa lahat ay 'yung hinahawakan ako.

"Ikaw! Blooming ka e! Hagina-Bitch come here nga!" Palihim ako napairap. Remind me that after this mission, I'm going to cut Bea's hand.

Dumating si Hagina na bored na nakatingin kay Bea habang ngumunguya ng tinapay.

"What's the matter?" Bored niyang tanong kay Bea. Kita ko sa mata ni Hagina ang inis kay Bea. Hindi na niya talaga mapapatawad si Bea dahil sa ginawa nito.

Nasira na ang tiwala ni Hagina. Sa uri ng tingin na binibigay niya kay Bea ay para itong 'stranger' at isang 'threat'. Binibigyan niya ng cold treatment si Bea na alam kong napapansin ni Bea.

Minsan ay nahuhuli ko pang palihim na iniirapan ni Hagina si Bea.

Binigyan nga ng second chance ni Hagina si Bea pero hindi na katulad ng dati ang tingin dito. May lamat na ang bond na nabuo sa dalawa. As of the genius nerd, Persephone. She always believe that everybody deserve a second chance. Kaya binigyan ko siya ng second chance as Persephone.

But the real me wouldn't do that.

The real me doesn't believe that everyone deserve a second chance dahil kapag binigyan mo sila ng pangalawang pagkakataon ay maaari nila itong gawin ulit.

Hindi mo malalaman kung sincere ang isang tao o hindi.

Action speak louder than voice, Yes. Pero minsan ang action ay mapanlinlang. Ginawa lang ng ibang tao ang gustong makita ng nakakarami.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon