Slayer 18

223 20 1
                                    


The Legendary Mafia Slayer

"Phone Call"

Slayer 18

Persephone's P.o.v.

This is hard

Alam kong magaling sa paghahanap at pangha-hack si Vigor pero alam kong mahihirapan siya sa paghahanap ng files ni Alyana. Ilan ba kasi ang may pangalang Alyana dito sa mundo?

I know I should focus on the mission but Alyana keep bugging me.

What is her mission?

Bakit pati Hades ay na sama sa misyon niya? Is she going to kill Hades too?

Gusto ko ng kornerin si Hagina---Alyana at tanungin ito pero hindi pwede.

["Give me some time, I can do that. Magpadala ka ng picture ng sinasabi mong Alyana"] Naalala kong sabi ni Vigor kanina no'ng nagkausap kami. Kaka-alis ko lang sa shop ni Maddy at papasok na sa sunod kong subject.

Sinabi ko na din kay Vigor ang pangalan na narinig ko sa kausap ni Alyana na Gira at Willard. Ang sinabi niya sa akin ay pagkatapos ng buwan niya maibibigay.

Wala ng mga estudyante sa paligid dahil class hour na.

Talagang pinili kong ma-late para walang makasalubong na kung sino dahil baka atakihin ako nito at wala sa oras na mapalaban. Wala naman kaming Lecturer sa subject ngayon dahil pumanaw na si sir Fernan.

Wala pang napipiling ipalit sa kaniya dahil busy ang ibang Science Lecturer sa hinahawakang klase. Next week pa kami magkakaroon ng bagong lecturer mula sa labas ng Gold-U.

Napangisi ako, excited na akong dumating ang buwan ng oktubre. Siguradong magiging exciting ang mangyayari dito sa loob ng Gold-U.

Pagpasok ko ng classroom ay bumungad agad sa akin ang mga kaklase kong naghaharutan. May nagme-make up, nagse-cellphone, naglalandian, nag-aasaran at naghahabulan. Kung titingnan ay para lang kaming nasa normal na paaralan at normal na estudyante.

Nang tuluyan akong nakapasok ay bigla silang natigilan sa kanilang mga sariling ginagawa. Nahulog na ang patty sa loob ng burger no'ng isa at hindi man lang niya iyon pinansin dahil nakatuon sa akin ang atensiyon nilang lahat. 'Yung mga nagme-make up ay lumampas na ang nilalagay nilang lipstick.

Napatigil ako sa paglalakad at kumunot ang noo. Dati no'ng bago pa ako dito ay panay ay bulungan nila sa akin na puno ng mga lait. Pero ng lumaon naman ay hindi na nila ako pinapansin na parang hindi ako nag-e-exist kaya bakit ganito ang reaksiyon nilang lahat?

Something happen?

Katahimikan ang bumalot sa buong classroom. Tumungo na lang ako dahil sa ayaw kong makita ang mga mukha nila. Nakakaasiwa ampapanget.

Nang magsimula na akong maglakad papunta sa upuan ko ay saka sumabog ang mga bulungan. Para silang mga bubuyog dahil sabay sabay talaga ang mga ito.

"Bakit buhay pa siya?"

"I thought king hades already kill her!"

"Ni walang sugat! Buong buo siyang nakabalik?"

"Baka nagmakaawa na 'wag siyang patayin. Tapos inoffer 'yung sarili niya para hindi siya patayin ni King Hades"

"Tsk! You idiot! Mag-isip ka nga! Sa tingin mo papatulan siya ni King Hades?"

"HAHA yeah! She looks like a beggar!"

Nagtawanan lahat ng mga kaklase ko maliban kay Alyana na nakahead phone na naman. Tahimik lang akong umupo sa sarili kong upuan. Napatingin ako sa katabi ko.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon