Slayer 1

255 22 1
                                    


The Legendary Mafia Slayer

"You're messing with the wrong demon"

Slayer 1 

Third Person's P.o.v.

Sa isang madilim at masikip na lugar, maririnig mo ang mga palahaw ng isang lalaking duguan na naka upo sa sahig at humihingi ng tawad sa isang hindi kilalang taong nakatayo sa harapan niya.

"Hindi ko a-alam... H-hindi ko a-alam na b-bawal ipagkalat 'yon... P-patawarin m-mo a-ako, p-pangako hindi na m-mauulit" sabi ng duguang lalaki at umubo ng dugo.

Lumapit ang lalaki sa kaharap niyang naka-cloack na natatabunan ang mukha. Nahihirapan siyang lumuhod at hinawakan ang suot nitong boots. Walang ginawa ang naka-cloak, pinagmasdan niya lang ang lalaking maghirap at mag-makaawa.

"M-may pamilya a-ako, m-maawa ka" sabi ng lalaki at unting unting tumulo ang luha nito. "G-gusto ko pang m-mabuhay, madami p-pa akong p-pangarap p-para sa p-pamilya ko... M-maawa ka huhuhu"

"If you value your life, you won't do that" Malamig na sagot ng naka-cloak. Nangilabot at natakot ang lalaki sa boses niya kaya bahagya niyang naalis ang kamay niya sa boots ng naka-cloak at napa-angat ng tingin.

"And for your information Mister, you're dealing with the Legendary Mafia Slayer. And you're messing with the wrong demon" kalmadong ngunit malamig at maotoridad na sabi ng naka-cloak saka niya winasiwas ang dala niyang katana.

Humiwalay ang ulo ng lalaki sa kaniyang katawan at nagtalsikan ang ilang dugo nito sa cloak ng nagpakilalang Mafia Slayer. Natumba ang katawan ng lalaki, inalis ng naka-cloak ang itim niyang face mask at dinilaan niya ang may dugo niyang katana.

"I don't give a damn, I am Merciless" sabi ng nagpakilalang Mafia Slayer at inilabas mula sa loob ng cloak niya ang isang scapel at inukitan ang palad ng lalaki ng 'MS' saka nilisan ang madilim na lugar.

[BREAKING NEWS: Isang lalaking nasa edad na 42 natagpuang patay. Kinilala ang biktima bilang si Arnaldo Hulaw na nagta-trabaho sa Gullien Company. Bandang alas tres ng umaga ng matagpuan ang kaniyang bangkay malapit sa nasabing Kompaniya. Janie Cardoa, ibalita mo]

Hindi na nakapagsalita ang nasabing reporter ng patayin ng nanunuod ang telebisyon. Humarap ang babaeng kanina lang na nanunuod sa kaniyang kasama na prenteng naka upo sa couch habang kumakain ng burger.

"Great! Namatay nga siya, ang kaso napagkalat na niya. Huli na din tayong kumilos" namomroblemang sabi ni Vatria "Anong gagawin natin ngayon? Babaguhin ba natin ang plano?" ngumuya muna ang kausap niya bago sumagot.

"We're not going to change the plan, It's all set but I'm going to put a twist" sabi nito saka uminom ng orange juice. "By the way, are you done with your task?" walang emosiyon nitong saad at napangiti naman si Vatria.

"Yes, nakapagpagawa na ako ng tatlong bagong fake birth certificate." sagot ni Vatria habang tumatango. Napakunot ang noo ng kausap ng babaeng tiningnan siya.

"Three?"

"Ahh yes.. In case of emergency na sumunod sa'tin si Vigor sa Gold-U" nakangiti nitong sabi. Tumango lang ang kaniyang kausap at kumagat ulit ng burger na kinakain. "And... I have a good news to say"

"Mmm.. Go on" sabi nito habang ngumunguya.

"Kumalat na ang rumors na papasok ka sa Gold-U at sigurado akong alam ng bawat estudyante do'n kung bakit ka papasok do'n dahil sa pinagkalat ng hangal na si Arnaldo"

"So where's the good news if the rumors about me already spread in Gold-U?" walang emosiyon parin nitong tanong pero bakas sa boses niya ang pagkainip dahil sa pabitin na kausap.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon