Slayer 5

186 20 4
                                    


The Legendary Mafia Slayer

"Akuma Hour"

Slayer 5

Hagina's P.o.v.

Minsan sa buhay natin, kailangan din nating tumahimik. Para mag-isip isip o magnilay nilay at para hindi rin tayo maka-istorbo sa iba. Katulad na lang ni San Goku na nasa tabi ko na naman.

Si yellow haired guy ang tinutukoy ko, ang kuli kulit! Sumulpot na naman sa harap ko at sinasabayan akong maglakad. Ihahatid niya daw ako sa Night Class ko para masigurong ligtas ang 'Master' daw niya.

He's calling me 'Master'. And I'm going to call him San Goku or Goku because of his hair color.

Hindi pa siya nagpapakilala sa'kin ehh, basta lang siya sulpot ng sulpot then magkwe-kwento tapos bigla na lang aalis. Sa daldal niyang tao, hindi niya pa sa'kin naidaldal ang pangalan niya.

Tsk! Tsk!

"Gabi gabi, kapag night class mo Master ihahatid kita. Tapos susunduin din kita para naman maprotektahan kita. Tapos sa Hell Week naman, lagi akong dadalaw sa'yo. Sa kabilang classroom lang naman 'yung sa'min."

Nagplano siya ng nagplano na po-protektahan daw niya ako. Sa Akuma Hour, Hell Week at sa Akuma's Game. Gagawa daw siya ng paraan para ako'y maligtas sa Akuma's Game.

Sinabi ko na sa kaniya kanina na huwag na niya akong sunduin at ihatid. Na 'wag na niya akong guluhin pero talagang para siyang bulateng hindi mapakali. 'Pag ito talaga sinundo ako mamaya kapag nag-Akuma Hour patay sa'kin 'to!

Kapag kinulit niya pa ako at nalate ako ng punta kay Pers siya ang papatayin ko.

"Pero dapat, sabihin mo sa harap ng Vice natin na ikaw ang Mafia Slayer para naman makuha ko na 'yung prize ko. Kung ayaw mo ng 50/50. E 'di, 70 percent sayo ta's akin 'yung 30" bahagya ako ng pailing.

Rinig na rinig sa buong hallway ang boses ng lalaking ito dahil sa lakas, Buti na lang at naisipan ng School Admins na maglagay ng mga ilaw sa Hallway at lahat ng daanan para hindi madilim.

Dahil sa ingay nitong si San Goku, napapatingin sa'min ang ibang estudyante. I hate attention, ang sarap niya tuloy busalan sa bibig para matigil siya kadadada. Kalalaking tao ang ingay ingay!

'Pag ako narindi ng bongga sa kaniya, sasalaksakin ko talaga bunganga neto.

"Huwag kang mag-alala Master, kapag umamin ka na. Po-protektahan parin kita, basta 'pag may nagbayad sa'yo na patayin ako. 'Wag mo akong papatayin ha? Friends tayo ehh hehehe"

Gusto ko sanang sabihing 'hindi na ako maghihintay na magpabayad para patayin ka dahil papatayin na talaga kita' kaso baka ma mis-interpret niya, tinatamad din akong magsalita.

Sayang 'yung angas ng dating nito, akala ko pa naman masungit at mainitin ang ulo niya katulad ng ibang gangster na nakalaban ko dati. Kaso hindi pala, ang daldal pa. Dinaig pa'ko taena. Sayang 'yung kulay ng buhok at mga piercings niya.

Hindi rin siya bagay dito sa Gold-U, hitsura niya lang 'yung mukhang bad pero parang good boy naman kapag dumadaldal na. Dapat sa kaniya ginagawang host sa isang talk show.

Sobrang daldal niya ehh, hindi siya nauubusan ng salita at sasabihin.

"Paano na Master, nasa tapat na tayo ng room ng Physics. Ba-bye! see you later!" sabi niya at nakatalikod na kumaway sa akin. Walang imik ko lang siyang hinatid ng tingin.

Nang hindi ko na siya makita ay saka ako pumasok sa loob ng room ko. Katulad padin kaninang umaga, napapatigil padin sila kapag dumadating ako. Hindi ko sila pinansin at nagtuloy lang sa pagpasok at umupo sa pinakadulo.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon