Slayer 17

243 20 3
                                    


The Legendary Mafia Slayer

"Hades is out [PART 2]"

Slayer 17

Persephone's P.o.v.

Suddenly, I felt a two pair of cold and dark eye glaring at me that made me smirk.

'Oh persephone, you caught the demons attention'

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa...

'BOOOOOGSH!'

"A-Aray!"

"What the----!"

"Ooooooh Interesting"

Nakarinig ulit ako ng malalakas na singhapan mula sa ibang estudyante na nasa gilid ng corridor. Hindi ko sila pinansin at napahawak sa pwet ko. Alam ko namang masakit sa pwet ang gagawin kong pagbangga kay Hades pero hindi ko naman inaasahan na gano'ng kalakas.

Napangiwi ako sa sakit saka dahan dahan inangat ang ulo para tingnan si Hades. Magkasalubong ang kilay niya na sinalubong ang aking mata. Maya maya'y unting nawala ang pagsasalubong ng kilay niya at blangko akong tiningnan.

Ilang Segundo pa kaming nagkatitigan. Nang mapagtanto kong masyado na pala kaming matagal na nagtitigan at ang tingin na binibigay ko pa sa kaniya ay parang nanlalaban ay bigla akong napa-iling at kunwaring aligagang tumayo.

Nagbow ako sa kaniya ng tatlong beses at nagsorry.

"A–Ahh... Sorry Miss ay Mr pala ay Miss nga---Mr nga! Ay hindi! Aish! Basta sorry?" Nakangiwi kong sabi sa kaniya. Muli kong narinig ang singhapan ng estudyante sa paligid. May iba na nagbulungan pa.

"What the heck is she doing?"

"She's killing herself!"

"Attention seeker"

"Stupid dumb!"

I also heard chuckles from his colleagues

Ganiyan nga, napangisi ako sa aking kalooban. Persephone is a naive girl. Sometimes stupid and dumb one but a smart girl. Although I know he's hades I should act that I don't know him.

Tiningnan ko ang reaksiyon niya, nakakunot na ulit ang noo niya at seryoso akong tinitingnan. Kung ako'y normal o katulad lang ng ibang estudyante dito, nanginig na siguro ako sa takot. But I'm not.

Inosente akong lumapit sa kaniya at tumiad para maabot ang tainga niya, humawak pa ako sa balikat niya para pangsuporta na lalong ikinasinghap ng lahat pati ang dalawang kasama ni Hades. Naramdam ko rin ang pagkagulat niya. I bet he was stunned by this moment.

"Ahehehe... anong gender mo? Miss ka ba o Mister?" Hinarangan ko pa ng isa kong kamay ang aking bibig habang bumubulong para walang makarinig sa tinanong ko.

Nang matapos bumulong ay dumistansiya ulit ako sa kaniya. Nang tingnan ko ang mukha niya'y blangko padin itong nakatingin sa'kin. Napadako ang tingin ko sa tainga niya, namumula ang mga ito. Napangiti ako ng malaki dahil dito.

'The demon is blushing, what the hell?'

Nakapamulsa siyang lumapit sa'kin na ikina-atras ko. He leaned towards me while looking at me. 2 and a half inch ang layo ng mukha namin at gusto ko na siyang sapakin dahil dito.

"What do you think?" Sinakop ng kaniyang baritonong boses ang buong corridor. Mahina pero ang lakas ng impact.

"Did Hades just talk to her?" Rinig kong tanong no'ng lalaki na kasama ni Hades. Puti ang buhok na may eyepatch sa kaliwang mata at isang hikaw sa kaliwang tainga. Para siyang si Jackfrost na nilagyan ng eyepatch. He looks handsome yet dangerous.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon