Slayer 14

202 20 1
                                    


The Legendary Mafia Slayer

"Punishment"

Slayer 14

Persephone's P.o.v.

"Madame Aurora, ang dami namang pagkain sa harapan ko at mukhang mamahalin at masasarap ang mga ito. Sabihin mo, ito na ba ang huli kong hapunan?" I ask her. Nasa tapat ko lang siya.

It's already 5 in the afternoon at hindi ako tanga para malamang ako ang papatayin nila dahil sa una pa lang ay alam ko ng ako ang papatayin.

"Yes" She answered. Napangisi ako dahil sa sinagot niya.

"Wrong answer Madame Aurora, hindi dito matatapos ang buhay ni Persephone." Natigilan siya sa sinabi ko na ikinangisi ko. Tiningnan ko siya sa mga mata niya at kita ko na nabigla siya na may halong takot sa pag-iiba ng boses ko.

"W-Who are you?"

"The question is... What I am?" Inurong ni Madame Aurora ang upuan niya at tumayo. Pumeke pa ito ng ubo at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"I don't care who or what you are Ms. Hernandez. You're just like the other pathetic students here. Kainin mo 'yan lahat dahil mamayang alas sais, mamatay ka na." Sabi niya at umalis na.

Tiningnan ko ang pagkain sa harapan ko. Punong puno ito at may lechon pa. Hindi na ako nag-aksaya ng oras, sinimulan ko ng kainin ang mga pagkain nakahain sa lamesa para may lakas ako mamaya.

Alam kong may dadating para iligtas ako mamaya. Kampanteng kampante ako.

6:00 P.M.

Saktong alas sais ng hapon, bumukas ang pinto ng silid ko at lumapit sa selda ko ang limang naka men in black. Binuksan nila ang kulungan ko at pinosas ang kamay ko at pinalabas.

Tahimik lang akong naglalakad habang pinang gigitnaan ako ng dalawang men in black sa gilid ko, isa sa harap at dalawa sa likod. Binabagtas namin ngayon ang madilim na pasilyo papunta sa purgatoryo.

Purgatoryo ang tinatawag nila sa lugar na kung saan pinapatay ang sinumang lumabag sa rules ng Gold-U. Nasa ilalim na parte ito ng Gold-U's Jail.

Tumigil ang nasa unahang men in black kaya napatigil din ako at ang iba. May I.D. na ini-slide ang naka men in black na nasa unahan ko na siyang nakapagbukas ng pintuan.

Tinulak ako ng isa sa men in black sa likod ko para maglakad papasok kaya lumingon ako dito at tiningnan ito ng masama.

"Kaya kong maglakad. Hindi niyo na ako kailangang ipagtulakan" Cold at walang kabuhay buhay kong sabi habang masamang tiningnan ang tumulak sa'kin.

"That's enough. They are waiting" Sabi ng nagbukas ng pinto na lalaki. Tinaasan ko pa ng kilay ang tumulak sa'kin bago muling naglakad papasok ng pintuan pero agad ring napatigil ng patigilin ako ng isa sa men in black.

"Hey no.17! Let's go!" Napalingon ako sa mga naka men in black. 'Yung tinawag na no.17 ang tumulak sa'kin na ngayon ay nakatulala sa pwesto ko kanina.

"Lalakad ka o mamatay ka?" Napa-'o' shape ang labi ko ng Makita na tinututukan na noong nagbukas ng pinto na mukhang leader nila si no.17 kuno na hindi makapagsalita.

Tumingin sa'kin si no. 17

"I'm sorry" Sabi nito at yumuko pa. Akala naman ng leader ng men in black sa kaniya nagsorry si no.17 e sakin naman nakatingin. Ibig sabihin sa'kin nagsorry.

Tsk.

"Let's go" Maotoridad na boses noong leader at pumasok na kami sa pulang pintuan na binuksan niya kanina. Pag pasok ko ay agad humarang sa unahan ko ang mga men in black na sumundo sa'kin dahil may babae ang nag-alboroto ang gustong humila ng buhok ko at saktan ako.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon