Slayer 22

568 26 10
                                    

The Legendary Mafia Slayer

Slayer 22

"The Trainor x Perfect Plan"

Persephone's P.o.v.

Inis kong hinuhugasan ang kamay ko dito sa lawa. Para na ngang magkakasugat ito dahil sa diin kong pagkukos.

Dito na agad ako dumiretso sa gubat pagkatapos akong paalisin ni Hades, hindi na naman issue 'yung ginawa kong pagpatay sa tatlong babae. Nakalipas na iyon at wala ng men in blacks kaya ayos na pumunta ako dito. 

Hindi na ako naihatid ni Hades papunta sa aking classroom dahil tumawag ang papa niya at kailangan niyang lumabas ng Gold-U. Urgent daw, siya naman ang anak ng huma-handle ng Gold-U kaya ayos lang na lumabas siya.

May permiso naman ng 1st Mafia Boss, wala ng kaso. Tsk! Sana ay ganoon na lang din kadali ang pagtakas namin dito matapos kong mapatay si Hades.

Mag-isa lang akong umalis sa lungga nila kaya pinagtitinginan tuloy ako dahil alam nilang doon ako nanggaling at nagtataka ang iba dahil hindi pa ako patay, pati na rin dito sa nakasabit na illustration board sa akin. Lunch na kasi no'ng umalis ako doon kaya madaming nakakita sa akin.

Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay umupo muna ako sa ilalim ng puno at inalis ang nakasabit sa aking 1/8 na illustration board.

Tsk!

Napa-irap ako ng maalala ko ang ginawa ni Hades.

Nagpabili pa siya kay Sandara Huiji ng illustration board dahil naubusan ng stock. E malaki ang galit sa akin ng babaeng 'yon kaya sinuggest niya kay Hades na karton na lang daw ang isabit sa'kin pero hindi naman pinayagan ni Hades.

Nag-lettering siya sa illustration board na 'Don't touch her, She's my property – Hades' tapos nilagyan niya pa ng signature niya at saka nilagyan ng tali at sinabit sa aking leeg.

"That way, no one's going to touch you or bully you. Everyone will now that you're mine----I mean my slave" Naalala ko pang dahilan niyang sabi no'ng pinasuot niya sa akin ito. 

Tsk! Dahil dito nakakuha ako ng madaming atensiyon. Kalat na sa buong Gold-U ang paghila sa akin ni Hades kanina at pagdala niya sa akin sa kuta nila. Pati ang pagsasabi niya na gagawin niya akong slave.

Marami ang nainggit at nahili sa akin pero wala silang magawa, dahil kapag ginalaw nila ako'y mamamatay sila.

Napangisi ako sa naisip.

Maganda din naman pala ang dulot ng illustration board na'to. Hindi nila ako magagalaw at magiging tahimik ang buhay ko dito. Hindi katulad no'ng unang buwan ko dito, tsk!

Naalala ko, araw araw, iba ibang tao ang nambubully sa akin. Buti na lang at nakontrol ko ang sarili kong huwag silang patulan noon.

"Well well well" Natigilan ako at mabilis na nag-angat ng tingin. Nang makita ko si Tamarra Scott ay mabilis akong napatayo.

Ito naman ang ayoko sa hindi magandang dulot ng illustration board, hindi lang mga chismosang estudyante ang nakukuhanan ko ng atensiyon, pati nadin ang mga nasa Gold-15.

"Anong k-kailangan mo s-sa akin?" Nginisian niya ako ng malademonyo at unti unting lumapit sa akin kaya napa-atras ako hanggang sa maramdaman ko na ang puno sa aking likod.

"You are Persephone right?" Mabilis akong tumango at pinakitaan siyang ako'y natatakot sa kaniya na nagbigay sa kaniya ng kasiyahan. Nakikita ko sa mga mata niya na natutuwa siya dahil natatakot ako sa kaniya.

Tsk! I'm not giving her the satisfaction she wants, pinapakitaan ko lang siya ng acting skills ko.

Napalingon siya sa illustration board na nasa damuhan, kitang kita ako ang pagngitngit ng kaniyang mga ngipin at pagkuyom ng kaniyang kamao.

The Legendary Mafia Slayer [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon