MoL II: I

96 5 7
                                    



Present Time..

Louise

"Tangina naman!" Gigil na gigil kong sabi nang mapagtanto kong nawalan ng internet at dahil doon ay nawala lahat ng na typed ko! Lecheng tao ang nagpatay ng punyetang wifi na 'yan!

Galit akong tumayo sa kinauupuan ko at lumabas ng k'warto para hanapin ang taong nagpatay non. Nakita ko iyong kapatid kong bunso na malawak ang ngiti habang naka-peace sign. Nawala naman ang pagsalubong ng dalawang kilay ko at nilapitan ito.

"Bat mo pinatay?" Tanong ko rito, nagpipigil. 

Kabado naman itong tumawa habang nakatingin pa rin sa mga mata ko, nabasa ko ang takot sa mga mata niya kaya naman napabuntong hininga ako at lumuhod sa harapan niya upang maging pantay ang mga paningin namin. Pilit akong ngumiti at pinakitang ayos lang ang nangyari. Doon naman kasi ako magaling, ang magpanggap na ayos lang ang lahat kahit hindi na. 

 "Ang bagal po kasi eh, nanonood po ako sa Netflix." Napasinghap ako at natawa ng panandalian. Ginulo ko ang buhok niya at sinenyasan itong pumanik na sa k'warto niya. 

Ako na mismo ang nagbukas ng wifi at bumalik sa ginagawa ko. Wala akong magawa kundi ulitin lahat ng mga iyon. Mahirap ulitin, kasi para sa'kin, hindi na kayang ulitin ang mga nauna kumbaga hindi na magiging tulad non ang magandang nasimulan.

Wala akong nagawa kundi bumuntong hininga at napatingin sa telepono kong tumutunog. Kinuha ko ito mula sa desk ko at sinagot ang tawag. Malakas na tawa ang narinig ko mula rito kaya naman ay agad ko itong nilayo mula sa tainga ko at hininaan.

"Anong meron?" Walang interes na tanong ko habang inu-ulit ko muli ang mga nabura na. 

"Wala naman! I just want to congratulate you on your successful na published book!" Conyo na OA niyang sabi, "Teka, what's the title of it again?" Napairap naman ako.

"Mystery of Love," Sagot ko. 

"Yes, yes! That's it, Mystery of Love.." I could really imagined him raising his hands in the air as if he was worshiping it. Nahihibang na talaga siya. 

Basta ko nalang pinatay ang tawag ng walang pasabi at sinubukan nalang ulit mag-concentrate sa sinusulat kong bagong kwento ngunit hindi maalis sa isipan ko ang librong iyon. Napatigil ako sa ginagawa nang ma-frustrate ako dahil sa wala akong maisip. 

"Ah! Tanginang memories 'yan! Hindi pa mawala!" Naiinis na sabi ko at ginulo ang buhok ko dahil sa frustration. 

Every time na maririnig ko ang librong iyon o maalala lang, para akong mababaliw sa kakaisip. I wrote all of it and It's already done like a few years ago and it's still haunting me with those fucking memories! Napapikit ako ng mariin at napahawak ng mahigpit sa dibdib ko. 

I didn't know that it would leave a big scar to my heart nor to my mind.

Nang gumabi ay nagluto na'ko ng ulam at nagsaing ng kanin para sa'ming dalawa ni Phyllis. Napabuntong hininga ako nang kaming dalawa nalang sa buhay. Matapos mamatay nila Mama ay hindi na'ko nakatuloy pa ng Medicine at sa halip ay naging Writer na lamang. 

Buhay nga naman, hindi mo alam kung kailan mawawala o masisira. Life is really full of surprises, indeed. Proven and tested na rin. Subok na sa buhay eh. 

Nang matapos ako ay hinain kona sa lamesa at umakyat saglit para tawagin si Phyllis. Naabutan ko itong nakatulog na sa panonood ng Netflix. Kinuha ko ang Ipad nito at imbis na cartoons ang makita ko ay pangpamilya ang pinapanood.  12 years old na si Phyllis, makulit at matalinong bata. 

Alam kong mahirap din para sa kanya ang mga nangyari simula mangyari ang trahedyang iyon. Kasalanan ko rin naman. Kung hindi lang siguro ako nagpakatanga sa pag-ibig baka nandito pa rin sila Mama. 

Nakakatawa nga naman kapag umibig ang isang tao. Masaya, oo, pero sa simula lang naman iyon tapos puro sakit nalang sa huli. 

Ginising ko si Phyllis dahil hindi pwedeng malipasan siya ng gutom at baka atakihin ng ulcer. Marahan ko itong niyugyog at maya-maya lang ay nagkukusot na ito ng mga mata at tinignan ako. Agad itong napangiti at niyakap ako. Napangiti naman ako at tumayo habang buhat siya.

Tahimik kaming bumaba ng hagdan at inupo siya sa isa sa mga upuan. Ako na mismo ang naglagay ng kanin at ulam sa plato nito at hinayaan na mismo siyang kumain mag-isa. Pinanood ko pa muna ito saglit bago ako tuluyang kumain na rin.

Kinabukasan ay hinatid ko ito sa School niya bago ako pumuntang opisina para i-meet iyong Manager ko na tumawag kahapon. Mabuti na nga lang ay hindi ito napipikon sa'kin, siguro ay nasanay na rin sa ugali ko. 

Kumatok ako sa pinto ng opisina niya, humihingi ng permmisong makapasok rito, "Pasooook!" Taray, parang showcase lang. Pumasok naman ako at tumikhim. 

Mabilis itong lumingon at tuwang-tuwa akong nilapitan at nakipag-beso, "My favorite author! You're here na pala!" Plastik nitong sabi. Tumango lang ako at parehas kaming naupo sa may couch niya dito.

"Anyways, darling. Here's the deal. I want you to go on meet and greet ng mga writers this coming Saturday, okay?" Supladang sabi nito. Bumuntong hininga naman ako at bago pa man ako maka-angal ay muli itong nagsalita, "And no buts! You've been hiding from these years, Louise! Deserves ng mga readers mo na makilala ka na." Striktong pagpupuna nito. Natahimik naman ako.

Aminado naman kasi akong hindi ako pumupunta sa mga Meet and Greet ng Authors dahil ayoko talagang magpakita o magpakilala. Gusto ko lang magsulat ng walang gulo, ng walang nakakakilala sa'kin. 

Muli akong napabuntong hininga at napatingin sa maraming tao na todo ang pagngiti sa'min. Ngumiti rin ako ng pilit sa mga ito.

"Miss Louise? Ah!! Fan niyo po talaga ako since first book niyo! Kyahhh!" Natawa naman ako ng pilit at nahihiyang kinausap siya. Nagpasalamat lang ako rito at pinirmahan ang mga bawat unang pahina ng mga libro kong binili niya. Nagpicture din ako nang magrequest ito. "Ang ganda niyo po pala, Miss Louise!" Habol pa nito. Tumawa lang ako at tinignan ang librong sumunod na nilapag sa desk ko.

Pinindot ko ang dulo ng pen ko at binuksan ang libro ng Mystery of Love. Bigla akong natigilan sa bumungad sa'kin sa unang pahina. 


Mahal pa rin kita..

-Dante


Napalunok akong pinirmahan ito at inabot sa may-ari ngunit ng kunin niya ito ay ibang parte ang nahawakan niya at iyon ay ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. Muntik pa akong mahulog sa kina-uupuan ko nang makita kung sino ito. 

Nakangiti ito na para bang proud ito sa'kin. Matamis ang ngiti niya kasabay ng mga matang parang nangungulila para sa isang tao. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng isang luha ko na agad ko rin namang pinunasan.

"Damien?"

"Bho.."


To be continued...

Mystery of Love [Book 2 of 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon