Last Chapter

33 3 3
                                    


"Mommy, tara na po!" Bigla akong napalingon kay Laura. Nakangiti ito sa'kin habang pilit inaabot ng maliit niyang kamay ang kamay ko.

"Sandali lang, baby, mauna kana kay Daddy mo doon," Nakangiting sagot ko at pinanood itong lumapit kay Paul bago ako saglit na tumingin muli sa lapida niya.


R.I.P.

Primo Damien Lopez

"Kamusta ka?" Mahinang tanong ko habang hinihimas ang lapidang may pangalan niya. Malungkot akong napangiti. "Narinig mo ba 'yung boses ng anak na 'tin? medyo malaki na nga at sobrang tangkad pa.. nagmana sa'yo." Saglit pa akong natawa.

"Masaya ako, unting-unti ko nang nakakayanan," Saglit akong napatulala nang maalala ko ang bawat senaryong lumipas nitong mga nagdaang taon ng wala siya, "Kaso mahal na mahal pa rin kita at hindi na mawawala 'yon."

Agad kong pinunasan ang mga luhang nagsituluan mula sa mga mata ko, "We were always meant to say goodbye, I'm just sad that this lifetime wasn't really the one for us." Bulong ko.

"Every year, april, lagi akong pumupunta sa simbahan kung saan dapat sana tayo ikakasal hanggang sa hindi ko nalang namalayang tumigil na pala 'ko, I'm sorry, Damien.." Napatakip ako ng mukha, "I still love you, Ikaw pa rin lagi."

"Kung totoo man na may susunod na buhay, Damien, ikaw ang una kong hahanapin at mamahalin." Napayuko ako, pilit pinipigilan ang namumuo muling mga luha. "Kaya kung may pagkakataon sana tayo, please piliin na natin ang isa't-isa, okay? Pero for now, piliin muna natin ang mga sarili natin." Nangungusap kong sabi. Bigla tuloy akong natawa.

"Paul is nice, it was very unexpected pero alam kong magugustuhan mo siya para sa'kin." Nakangiting kwento ko habang napapalingon sa gawi nila Paul at Laura, "He waited and waited, I even almost see you in him pero tinigil ko rin kase I don't want to be unfair."

"I've finally love someone as hard as I can.. after you, I couldn't even imagined that pero I still did. It was for you, I always knew that you also wanted that for me and everyday, I'll thank you for that." Biglang lumakas ang hangin at para bang may marahang yumakap sa'kin mula sa likuran. Bigla tuloy akong naiyak.

"Tangina naman Damien eh, walang takutan!" Natatawang biro ko pero napabuntong hininga pa rin sa huli.

"Pinapalaya ko na ang sarili ko, hahayaan mo naman ako hindi ba?" Pabulong na tanong ko sa kanya.

"Don't worry, feel free na dumalaw sa mga panaginip ko, eto 'yung code, DNLF." Pabiro kong sabi nang may maalala akong laro sa isipan. "Paano, dadalaw nalang ulit ako sa susunod." Nakangiting sabi ko at muling hinimas ang lapida niya.

Pinunasan ko muna ang mukha kong puno ng luha, "Tanginang sipon 'to," Iyak-tawa kong sabi habang inaayos ang sarili sa tapat ni Damien. "Gago ka Damien, miss na miss na kitang hayop ka." Bigla na naman akong naiyak. 

"Ang daya-daya mo kase eh, bobo ka, bakit kasi hindi ka tumitingin sa daan!" Umiiyak na sabi ko nang maalala na naman ang gabing 'yon. "Ang bobo mo talaga." Napairap pa ako habang pinapahiran ang mga luha ko.

"Joke lang, baka bigla ka pang bumaba dito para lang kotongan ako pero pwede rin," Natatawang sabi ko nang maisip kung ano ang magiging reaksyon niya kung nabubuhay pa siya.

"Paalam muna mahal ko ha? At patawad sa lahat. Wala akong pinagsisisihan sa lahat, dahil 'yun sa 'yo at sa kwento nating dalawa." Napangiti ako, "Salamat sa lahat, lahat nang 'yon ay para sa 'yo."

Bigla akong tinawanan ni Paul nang makalapit ako sa kanila, "Ang pangit mo." Panglalait ni Paul. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Mabilis niyang tinakpan ang dalawang tenga ni Laura.

"Tangina mo, Ramirez," I mouthed. Nakahinga siya ng maluwag at natawa bago ipasok si Laura sa backseat.

"Tsk, tsk, nakalimutan mo atang isa ka na ring Ramirez? Hmm?" Nakangising sagot ni Paul sa 'kin. Natawa nalang tuloy ako at binawi ang sinabi ko.

"Oo na, dami mong alam." Umirap pa ako bago pumasok sa may passenger seat.

"Bugnutin talaga 'tong nanay mo, Laura." Natatawang reklamo ni Paul nang makasakay.

"What's bugnutin po, Daddy?" Inosenteng pagtanong ni Laura. Mabilis ko namang binatukan si Paul.

"Ayan, kung ano-ano kaseng pinagsasabi mo dyan eh!" Napakamot naman siya sa batok niya at ngumiting nilingon si Laura.

"Bugnutin means I love you, baby," Walang maisip na sabi ni Paul kaya natawa ako habang napapakunot ang noo ko.

"Oh, I remember someone po na sinasabihan akong baho and bugnutin," Napapatangong sabi pa ni Laura.

"What?!" Parehas kaming napalingon sa kanya ni Paul. Sinong gagong magsasabe non sa anak ko? Bigla ko tuloy naalala si Damien kaya't napabuntong hininga ako.

"Why po? don't mind about it, love naman pala niya 'ko eh." Napabuntong hininga ulit ako. Ke bata pa, humaharot na.

Parehas nalang kaming napailing ni Paul at tuluyan nalang nilisan ang lugar para ihatid ako sa event namin.

"Miss Louise!" Bigla akong napalingon sa teenager na may malawak na ngiti. May hawak itong libro at agad niyang nilapag ito sa tapat kong mesa.

Mystery of Love II 

Bigla akong napangiti at tinanggap ito para pirmahan ang unang pahina at naglagay ng personal note. Tuwang-tuwa naman siyang kinuha ito pabalik.

"Miss Louise! Grabe po 'yung ending nito, nakakatuwa na sa wakas ay nagkatuluyan na sila Imogen at Dante!" Napapatiling sabi niya bago umalis.

Napabuntong hininga nang sa wakas rin ay natapos kami ngayong araw ngunit hindi rin napigilang maalala ang ending ng pangalawang libro ng Mystery of Love, Unlike sa totoong buhay, nagkatuluyan kami ni Damien.. kahit doon lang ay naging kami sa huli at nagsama ng masaya.

"Baho!" Bigla akong natigilan at napalingon sa batang nagsabi noon, tumakbo ito palapit kay Laura habang may ngiti sa mukha.

"Why do you keep calling me baho ba? Am I mabaho?" Naiinis na sabi ni Laura sa batang lalaki.

Umiling naman agad ang batang lalaki at binigyan siya ng maliit na ngiti, "No, I just love to call you that." Sagot nito.

"Hmm, oh I remember! My Daddy said na it means love. Why? do you love me ba?" Mataray na tanong sa kanya ni Laura. Napabuntong hininga naman ako at patuloy silang pinapanood.

"Hmm, 'di ka sure." Natatawang sagot ng batang lalaki.

"You know what! I'll just call you bantot nalang para fair!" Pikon na sabi ni Laura kaya't nanlaki ang mga mata ko sa gulat kasabay nang pagaalala sa nakaraan.

"I'd like that." Nakangising sabi ng batang lalaki habang nakatitig sa mukha ni Laura.

Naramdaman ko nalang ang sariling napangiti habang pinapanood silang dalawa.

Baho and Bantot iz now signing off.

THE END.

Mystery of Love [Book 2 of 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon