MoL II: XII

24 3 6
                                    


Louise

"There's a shooting star! What did you wished for?" I asked him while looking at the dark sky. It was beautiful. Star gazing at midnight was never my thing but doing it with him makes to be my thing. 

"You." Napalingon ako bigla sa kanya at hindi na nagawang magulat pa nang makita itong nakatingin na pala sa 'kin. Agad akong napangiti sa isinagot niya. 

"Why is it always about me? You have a life, dumbass!" I said, jokingly but he only chuckled. 

"You're my life, Louise." He answered, making me to blushed. Tumawa nalang ako ng malakas, pilit tinatago ang kilig. "Luh, nag-blushed si baho." Bigla rin siyang natawa nang masilip niya ang maganda kong mukha. Mabilis ko naman siyang sinuntok sa braso ng malakas. 

"Aray ko! Baho ka!" Angal niya pa. Napakunot noo naman ako.

"Hoy, ututin boy! Mabantot ka naman!" Tumawa lang siya kaya napairap nalang ako. Aware kasi ang gago. Umutot ba naman ng malakas sa harapan ko. 

Bigla nalang siyang humiga sa tabi ko, mabuti nalang ay naglatag kami ng tela rito kaya't komportable pa rin kaming nakakaupo o kaya naman ay humiga. Tanging ang kabilugan lamang ng buwan ang nagbibigay sa amin ng liwanag ngayong gabi. 

Ginawa niyang unan ang mga braso niya pero nilatag ang isang braso at inaya ako ritong humiga. Sumunod naman ako at sinamahan siyang pagmasdan ang kalangitan. 

"Ang ganda, napakaganda." Bigla akong napalingon kay Damien kaso nagulat ako nang makitang napakalapit ng mukha niya sa 'kin. 

"Ako lang 'to, Damien." Kinakabahan na sabi ko. Tumawa naman siya at muling nilingon ang madilim na kalangitan.

"It's been a year and si Phyllis ay highschool na, don't you think it's time for us to get married?" He suddenly asked. Napabuntong hininga naman ako at hindi mapigilang sumang-ayon sa sinabi niya. "Everyone's fine with us." He added. Napanguso naman ako. 

Ready na ba ako?

Bigla siyang napaupo kaya nauntog tuloy ako dahil kasabay ng pagupo niya ang paghatak sa brasong ginagawa kong unan. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. Tawa lang ng tawa ang gago. 

Pisteng yawa talaga!

"Baho, will you marry me?" He asked as I saw the glints of hopes in his eyes. Napansin ko ang maliit na black box sa kamay niya.

I was speechless, hindi ko alam ang sasabihin kaya't napatitig ako sa kanya hanggang na nabawi ang ngiti sa labi niya. Bigla akong napaupo at hinarap siya. Tahimik na kinuha ko ang maliit na box sa kamay niya at ako na mismong nagbukas non, agad bumungad ang simpleng singsing na may saktong kalakihan ang bato sa gitna. Sinuot ko ito sa ring finger ko at tumingin sa kaniya na ngayon ay nakanganga na dahil sa ginawa ko.

"Of course, I'll marry you even if you don't have a ring, I will still marry you." Malambing na sabi ko at mabilis na hinatak siya sa kwelyo at marahan na hinalikan. I felt him smiling against my lips. 

"I love you so much, baho." Madamdamin na saad nito. Agad akong napangiti ng malawak.

"Same." Tumaas naman ang kilay niya sa sinabi ko kaya bigla akong natawa. "Charot! Mahal na mahal din kita, bantot." Dahil sa sinabi ko ay mabilis siyang napangiti at hinawakan ang magkabilang pisngi ko para halikan ng marahan.

"Oh my God! Seryoso ba bhie?!" Natawa naman ako at itinaas ang kaliwang kamay ko para ipakitang totoo na at nangyayari na nga talaga. "OMG! Akala ko, wala na kayong balak eh! Isang taon na tapos nganga pa rin. Like, ano na Damien? galaw galaw naman!" Parehas kaming natawa sa sinabi niya at naiwan ang matamis na ngiti sa labi ko. 

"Hey," Biglang sabi niya matapos ang mahabang katahimikan, naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya naman ay napatingin ako kay Chantelle, nakangiti rin ito katulad ko. "I've never seen you this happy. You're finally happy, Louise and you truly deserved that." She said, genuinely. 

"Thank you, Chantelle." Napakunot naman ang noo niya at natawa sa sinabi ko, marahil ay nagtataka. Ngumiti lang ako bago muling magsalita "Surviving all those painful years without you, baka siguro tuluyan na akong nabaliw kaya sobrang salamat, Chantelle.  You're the best friend I ever have." Bigla akong natawa nang biglang nanubig ang mga mata dahil sa sinabi ko. 

"Bhie! Ano ba 'yan! Ako lang 'to, Bhie!" Natatawa pero may mga luhang sabi niya. Mas lalo tuloy akong natawa at tumayo para umikot papunta sa kanya tsaka ito niyakap. 

"Sige, iyak ka lang diyan. Mamaya dumating na sila dito at makita kang ganyan. Bhie, make-up mo nasisira," Tawang-tawa kong sabi nang magsimulang kumalat ang mascara sa mukha niya. 

Mas mabilis pa sa paglubog ng araw ang pagkuha niya sa bag at paghalungkat rito. Nilabas niya ang salamin at tinignan ang sariling mukha roon. Bigla akong natawa ng malakas nang tumili ito at natarantang inayos ang make-up niya. Napapailing nalang akong bumalik sa upuan ko. 

Ilang minuto lamang ang lumipas at nagsidatingan sila Zen. Agad akong napangiti nang tumakbo ito sa 'kin at niyakap ako ng mahigpit. Nag-iyakan pa nga. Tawa tuloy ako ng tawa. Sobrang na-miss ko silang lahat. 

"Anyare kay Chantelle?" Natatawang tanong ni Ate Lei. Agad naman bumusangot si Chantelle habang pilit pa ring inaayos ang make-up niyang nasira.

"Pinaiyak ko, tagal niyo eh." Bored na sagot ko. Sumama naman ang mukha ni Chantelle sa narinig kaya tumawa ako at agad na binawi ito. 

"Gago ka hayop!" Chantelle mouthed kaya mas lalo akong natawa. 

"Anyways," Tinaas ko muli ang kaliwang kamay ko para ipakita sa kanila ang singsing. Mabilis kong nilagay ang dalawang kamay ko sa magkabilang tainga ko nang bigla silang magsitilian. Napapikit ako nang mariin at pagdilat ko ay nakita ko si Chantelle na nakangisi na at tinatawanan ako dahil alam nitong ayoko sa maingay. 

"Sige pa girls, lakasan niyo pa!" Nadedemonyong utos nito sa kanila.

"Gago!" I mouthed, humalakhak lang ang biik.


To be continued...


 

Mystery of Love [Book 2 of 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon