MoL II: XIII

14 3 3
                                    


Louise

"Baho ka, ayos nga lang 'yun. Matagal ka na nilang hinihintay" Napatingin ako ng masama kay Damien na panay ang tawa lang habang ako ay punong-puno pa rin ng kaba. "Ikakasal na tayo, nahihiya ka pa rin ba?" He asked softly. 

"Hindi naman sa ganon pero sige parang ganon na nga," Napairap ako kaya bigla syang natawa at pinanggigilan ang dalawa kong pisngi. Bigla tuloy sumama ang pagmumukha ko. Kingina neto ni Damien, ang sakit amputa. "Ano ba?" Gigil kong reklamo sa kanya pero tumawa lang siya. napakunot tuloy ang noo ko, "Saya ka?" Naiinis kong sabi.  

"Biro lang, mahal." Binigyan niya pa ako ng matamis na ngiti. Agad naman akong napairap at tumingin sa kabilang direksyon para palihim na ngumiti sa kilig. 

"Hija! Nandito na pala kayo!" Masayang pagbati ni Tita, iyong Mama ni Damien. Bigla niya akong niyakap na naging dahilan ng pagkagulat ko at noong dumako siya kay Damien ay bigla niya itong pinaghahampas sa braso kaya't hindi ko mapigilang matawa, "Ikaw talagang bata ka, kung hindi ko pa tatanungin si.." Bigla siyang napatingin sa 'kin ng may pag-aalangan. Ngumiti na lamang ako para iparating na ayos lang. 

"So, kailan nga ba ang kasal niyo?" Mukhang mas excited pa ang magulang ni Damien kaya panay ang tawa ko ng mahina, natutuwa sa bawat magiging reaksyon nila. 

"Sa April, para isahang celebration nalang ng events, parehas din naming birthday 'yun eh." Tumatawang sabi pa ni Damien na para bang iyon ang pinakamatalinong naisip niya. Bigla naman siyang binatukan ni Tito. 

"Tarantado ka talaga! Hindi dapat tinitipid ang babae, Ganyan ba ang tinuro ko sa 'yo?" Nagtitimping sabi ni Tito sa kanya kaya natawa na naman tuloy ako ng mahina. Nginusuan naman ako ni Damien, nanghihingi ng tulong.

"Hoy, Rafael! Isa ka pa eh, tinitipid mo rin naman ako," Nagtatampong sambit ni Tita na naging dahilan ng pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Tito. Bigla itong umakbay kay Tita at sinimulang lambingin. Napabusangot naman si Damien. 

"Ano ba 'yan, ang korni niyo. Alis na nga kami," Natatawang komento ni Damien kasabay ng pagtayo niya sa kinauupuan kaya't napatayo na rin ako. 

"Anong gusto mong pangalan ng magiging anak natin?" Biglang tanong ko sa kanya habang nakasandal sa dibdib niya at pareho naming tinitignan ang madilim na kalangitan. Nasa veranda kami at halos hatinggabi na rin, ayaw pang umuwi ng mokong. 

"Hmm, kapag babae.. Louise nalang." Natatawang sagot niya kaya't napatingin ako sa kanya, naguguluhan sa naging sagot niya. Napatingin rin siya sa 'kin at biglang napangiti tsaka binalik ang tingin sa kalangitan. "Para kapag pinagalitan ko, 'hoy Louise! Manang-mana ka talaga sa nanay mo!' Tapos papaluin ko sa pwet," Biglang lumakas ang tawa niya na para bang nai-imagine niya ang mga senaryong sinasabi niya. Napangiti rin tuloy ako imbis na mainis.

"Bakit Louise?" Tanong ko.

"Maganda kasi sa pandinig ang pangalan mo." Nakangiting sagot niya. Bigla ko tuloy siyang sinuntok ng pabiro sa braso.

"Aray!" Agad na reklamo niya habang hinihimas ang parteng tinamaan. 

"Ano nga kasi, ang weird naman kung parehas kaming Louise.. gusto ko nag-iisa lang akong Louise sa buhay mo." Nakangusong sabi ko pa. Bigla naman siyang natawa at niyakap ako ng mahigpit. 

"Haaay, ang pogi ko talaga." Biglang sabi niya. Sinuntok ko siya ulit kaya tumawa na naman. Napapansin kong ang saya niya nitong mga nakaraan, panay ang ngiti at tawa niya sa tuwing kausap o kasama niya 'ko. "Biro lang, baho. Syempre, nag-iisa ka, walang pwedeng pumalit sa'yo ng kahit na sino." Naramdaman ko ang pagngiti ko at mas binaon pa ang sarili sa dibdib niya. 

"Kahit sa susunod na buhay?" Parang batang tanong ko pa. Naramdaman ko bigla ang paghalik niya sa noo ko.

"Hmm, kahit sa susunod na buhay pa." Mas humigpit pa ang pagkayakap sa 'kin, "Ikaw lang Louise, ikaw lang lagi." 

"I love you, Damien." halos bulong na sambit ko, sapat na para marinig niya. 

"Mahal na mahal din kita.. higit pa sa inaakala mo, Louise." Iyon na lamang ang narinig ko bago ko namalayan ang sariling nagpadala na pala sa antok. 

Paggising ko ay nasa kama na pala ako at agad napangiti nang may makapa akong sticky note mula sa noo ko.  


meet me at 7pm, same spot, wear the dress that I gave you.

i love you so much, baho

-damien pogi 


Bigla tuloy akong nagwala sa kama ko ng wala sa oras dahil sa kilig. 

"Sana all!" 

Agad akong napatigil at napalingon sa may pintuan, nakita ko si Chantelle. Nakangisi ito habang nakasandal sa pintuan kong nakabukas. Biglang sumama ang tingin ko sa kanya nang mapagtantong ngumunguya na naman ito. Mabilis kong dinampot ang unan sa tabi ko at malakas na binato sa gawi niya. Nanlaki pa ang mga mata niya at aligagang lumabas ng k'warto ko.

"Tangina mo, Chantelle! Hindi na uso ang privacy sa 'yo ah!" Gigil kong sigaw habang nakaupo pa rin sa kama.

"Hindi ako 'yon! Hindi po ako si Chantelle! Baboy po ako! Oink! Oink!" Sigaw niya pabalik. Napailing naman ako sa kalokohan niya at talagang napahilot sa sintido ko dahil sa stress. 

"Gago ka! Pumasok ka nga sa Opisina ninyo!" Naiinis kong sigaw na naman. Lagi kasing andito, inuubos ang stocks namin sa bahay. 

"Off ko nga!" Narinig ko pa ang paghagikgik niya. "Ayaw ko naman tumambay kila Mama, ma-stress lang ako kila Tita don. Alam mo naman," Inis din niyang sabi. Napabuntong hininga naman ako nang makita itong sumisilip, tinitignan kung safe na ba. Para tuloy siyang sundalong takot na takot. Parang gago.

"Bakit kase hindi ka umuwi sa bahay mo?" Tanong ko ulit.

"Walang tao, boring." Agad na sagot niya.

"Oo nga pala, baboy ka." Kaswal na tugon ko. 

Bigla siyang napatayo ng maayos at pumasok ng pasugod, "Hoy! Hindi ako baboy! Sexy ako, okay?! Sexy!" Umirap pa nga. Inirapan ko rin tuloy. Luh.

"Si Phyllis?" Tanong ko habang napapakamot sa ulo ko dahil sa inis.

"Nasa baba, kumakain na. Nagluto ako bhie, tara na dali!" Tinignan ko naman siya nang hindi makapaniwala. 

"N-Nagluto ka?" Bigla siyang kinabahan sa tanong ko. 

"Bakit bhie, may mali ba akong ginawa?" Tanong niya pa, kinakabahan pa rin. 

"Tangina mo talaga," Malutong na sambit ko matapos maalalang may leftovers pa mula kagabi. 


To be continued...


Mystery of Love [Book 2 of 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon