MoL II: III

32 5 7
                                    


Louise

Isang linggo na ang nakalipas pero hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang senaryong nagkita muli kami. Hindi ko na nga yata makakalimutan ang gagong 'yon eh. Ang bobo mo Louise! Hanggang ngayon tanga ka pa rin! Shunga at isang Hangal. 

Isang linggo na rin akong inaatake ng mga pinag-iisip ko. Minsan nga hindi ko na alam ang gagawin at napapasuntok na lamang sa dibdib sa mga bawat gabing nagigising ako dahil sa punyetang mga panaginip na puro panget na memories lang naman ang pinapakita, akala ko nga sa bawat suntok ko na 'yon ay matatanggal na ang sakit ng nakaraan. Ang hirap, sobrang hirap na hirap na 'ko.

Kailan ba 'ko sasaya? Ilang dasal pa ba ang kailangang kong gawin para makamit ang munting kasiyahan na inaasam?

Ganon ba talaga kahirap sumaya? 

Nasa tapat ako ng isang mataas na gusali, pumasok ako roon at dumiretso sa opisina ng Manager ko. Pagkadating ko ay agad kong nilapag ang makapal na papel na pinagpuyatan ko, ang buong story line ng bago kong libro. Agad naman siyang napangiti at tinignan ito saka sinilip ang huli.

"Sad ending na naman? Kung hindi nagkakatuluyan ang dalawa, namamatay ang isa. Why don't you try something new? A happy ending one?" Pagpuna niya nang mabasa ang huling bahagi ng kwento ko. Agad nag-init ang ulo ko sa sinabi niya.

"Don't force something that would never have one. Lolokohin at papaasahin mo lang ang sarili mo." Naiirita kong sagot. Nabasa ko naman agad ang gulat at takot sa mga mata niya. Natawa naman ako bigla, "Biro lang."

"Ang lalim ha?" Kabadong sabi niya habang natatawa pero halata namang peke. "Anyways, ikaw naman masusunod ano! Suggest ko lang kasi lagi atang malungkot ang stories mo." Pahayag niya, halatang nag-iingat sa mga binibitawang salita. 

"Ngayon mo lang nahalata sa ilang taon kong pagsusulat?" Sarkastikong pagbibiro ko. "Nakakatawa ka." Komento ko at umupo sa isa sa mga sofa niya na nasa tapat ng desk niya. Dumekwatro ako ng upo at nag-check ng social medias habang hinihintay ang kontrata.

"Ahm.. Louise? What is it about? Could you tell me something?" Napalingon naman ako sa kanya ng ka-onti at napabuntong hininga.

"May buod d'yan, fyi." Diniinan ko pa ang huling sinabi ko para lang ma-emphasize. 

"Attitude talaga ang batang 'to." Dinig ko pang bulong niya kahit na malayo sa 'kin. Natawa tuloy ako. Mukha pa rin ba 'kong amateur para sa kanya?

Anyways, my new book is all about killing people. Mga taong gusto kong patayin in real life. Wala siyang kamalay-malay na kasama na pala siya roon. Nakakairita kasi siya. Napangisi tuloy ako. 

Thanks to MoL, it gave a big break from being a writer. It's cool, at least napagkakitaan ko 'yung sakit na naramdaman ko sa gagong 'yon. Worth it naman kung iisipin. 

Umalis ako roon ako at dumiretso sa School nila Phyllis para sunduin ito. Matagal na rin nang huli ko itong sunduin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt. Minsan sarili ko nalang ang iniisip ko at nakakalimutang may kapatid pa pala 'ko.

Hininto ko ang sasakyan ko sa may tabi at lumabas para dumiretso sa tapat ng main gate ng School nila Phyllis. Dumiretso ako ng tayo habang nakakrus ang braso at taimtim na tinitignan ang bawat bata na lumalabas mula rito. 

Nabigla ako nang biglang buhos ng ulan at napalingon-lingon sa paligid ko tila naghahanap ng pagsisilungan nang may bigla kong napansin, hindi na'ko nababasa pa. Napatingin ako sa payong at sa taong may hawak nito. 

"Damien," Madiin kong pagbanggit sa pangalan niya. Nakangiti ito habang nakatingin sa mga mata ko. Mga matang marami pa ring gustong sabihin katulad ng dati. Mga matang naging dahilan ng pagkahulog ko sa patibong na akala ko mayroong kami. 

"May dala ka bang damit? Baka magkasakit ka, baho ka talaga." Tangina mo, Damien!  

Magsasalita pa sana ako nang may biglang tumawag ng pangalan naming dalawa. Napatingin ako roon at nakita ko si Phyllis na may ngiti sa mukha habang hawak ang payong na lagi niyang baon. Napadako naman ang tingin ko sa batang lalaking tumawag sa pangalan ni Damien. Batid kong mas bata ito ng ilang taon kay Phyllis. 

Blanko ang ekspresyon ko nang mapalingon ako kay Damien. Natahimik siya at para bang may gustong sabihin ngunit parang may bumara sa tanga niyang lalamunan. Kahit kailan talaga duwag ang kupal na 'to. Have some balls, you fool. 

Lumayo ako sa kanya at naglakad sa gitna ng ulan para puntahan si Phyllis, nakapayong. Lumuhod ako para maging pantay ang paningin namin. Hinalikan ko pa ang pisngi nito saka tumayo at hinawakan ang kamay niya. 

Tinignan ko pa muli si Damien bago kami lumakad paalis. Mabilis kong pinasakay si Phyllis sa passenger seat tsaka ako umikot para pumasok na sana sa driver seat nang mapatigil ako at napalingon na naman sa gawi niya. Nakangiti niyang kinuha ang kamay ng batang lalaki, nagkatinginan kami bigla pero ako din ang unang umiwas at tuluyang pumasok. 

Tangina mo self, basang-basa ka tuloy. Hindi ko kasi naramdaman na umuulan pala. Para tuloy akong tangang manhid sa kawalan. Ay, hindi nga pala ako kawalan. Buong byahe ay tahimik ako as usual habang si Phyllis ay naglalaro sa Ipad niya. 

Anak niya siguro 'yon? Anak nila.. Tangina talaga. Huwag mo nang isipin, Bobo ka talaga.

Eto ang hirap sa 'tin, isip pa ng isip ng mga bagay na alam din naman nating makakasakit sa 'tin. Ganoon nga siguro tayo ka-tanga or ako lang.

Nang makauwi kami ay ako lang ang basang-basa. Napamura pa 'ko nang ma-realized kong gano kabasa ang driver seat ng sasakyan ko. Luma na nga ganoon pa. Lintek na. Dagdag sa isipin pa.

Mabilis kong pinaliguan si Phyllis dahil baka magkasakit ito habang ako ay nagpalit lang ng damit at nagpunas ng buhok dahil basang-basa. Ayos din 'tong ulan eh, libreng pa-shower. 

Napa-upo ako sa swivel chair at mabilis na binuksan ang laptop ko. Sinubukan kong mag-brainstorming kaso isang oras na ang nakalipas ngunit wala pa rin napipiga sa utak kong talangka. 

Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari kanina lang kaya naman hindi ko namalayang napunta ako sa profile niya at napangiti ng pilit nang makita ang featured photos niya. Naroon pa rin ang babae ngunit kasama na ang batang lalaki, iyong sinundo ni Damien kanina. 

Wow naman, happy family kayo ah?

Agad akong natawa sa sarili ko habang lumuluha. 

"Gago ka Damien, ang sakit sakit pa rin. Tangina mo talaga."


To be continued...




Mystery of Love [Book 2 of 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon