LouiseNapatingin ako sa Laptop kong nakabukas at hindi malaman kung paano ito sisimulan o kaya naman ay tatapusin. I was inspired to make this one but I suddenly felt scared.
What if, I give the wrong start and ending for this one?
Napailing ako at napasubsob sa desk ko dahil sa stress. Parang hirap ata akong mag-brainstorming ngayon? Nasaan na ang nga brain cells ko? Bakit iniwan niyo ako rito? Hmp!
Narinig kong bumukas bigla ang pinto ng kwarto ko kaya naman napasilip ako mula sa pagkasubsob sa desk ko. Agad kong nakita si Damien na nakasilip habang may ngiti sa labi niya. Pumasok ito at naglakad papunta sa 'kin. Mukhang galing pa ito sa trabaho niya.
Mabilis akong tumayo at nagpaawa, tinutukoy ang trabahong hindi ko magawang simulan at tapusin. Mas lalo siyang napangiti at nilahad ang dalawang braso, gusto akong yakapin. Agad akong ngumiti ng malaki at tumakbo papunta sa kanya para yakapin ito ng mahigpit
Naramdaman ko ang mabilis niyang pagyakap pabalik at pagtawa dahil sa gulat. Naramdaman ko ang paghalik nito sa bunbunan ko na naging dahilan ng mas lalo kong pagngiti dahil sa kilig.
"Miss me?" Tanong niya. Mabilis naman akong tumingin sa mukha niya at nakangusong tumango ng ilang beses. Tumawa naman siya agad at tumungo para magpantay ang tingin namin. Ang tangkad kasi eh.
Nawindang nalang ako nang bigla kong maramdaman ang malambot niyang labi sa labi ko kaya agad akong napahiwalay sa gulat.
"Hoy, gago ka!" Naiiyak na sabi ko. Napahalakhak naman siya.
"Baby, it isn't the first time. Hindi ka pa rin ba sanay?" Ngumisi siya habang ang mga mata niya ay punong-puno ng pagkamanyak. Itong lalaking 'to talaga!
"Hoy! Baka marinig ka ni Phyllis!" Agad na sabi ko at mabilis na tinakpan ang bibig niya kaso bigla kong naalala ang nangyari ngayon lang kaya agad din akong napabitaw dahil sa hiya.
"She's not here, she's with Chantelle." Kibit-balikat niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko. Paano nangyari iyon? "Hey, I asked her, alright?" He added. Masama ko naman siyang tinignan. Nag-peace sign lang ito.
Bumalik nalang ako sa swivel chair ko at humarap muli sa Laptop ko. Naramdaman ko nalang ang ngiti sa labi ko nang simulan kong mag-type ng walang halong pangamba.
Thanks to Damien, he became my inspiration in everything. Well, he's still my everything though. Walang nagbago, siya pa rin hanggang ngayon.
Siya lang.
Tumabi siya sa 'kin, sumandal sa kinauupuan ko at sinubukang sumilip sa kung ano bang ginagawa ko. Nakikita ko mula sa repleksyon ang facial expressions niya kaya napapangiti tuloy ako habang nagta-type.
"Mystery of Love book 2?" Nakita ko itong ngumiti ng malawak mula sa repleksyon matapos basahin ang title ng ginagawa ko.
Agad akong natawa, "You need to thank that kid though, she's really persistent on me to make this one. She wants us to have a happy ending that we deserved." Nakangiting paliwanag ko.
Narinig ko ang pagtawa niya at pagiling, "Saan ba siya nag-aaral? Sasagutin ko na rin." Biro niya pa. Siniko ko naman siya ng pabiro.
Bigla kong naalala si Angge kaya napatingin ako kay Damien na nasa tabi ko lang.
"Kamusta na pala sila Angge at Deiv?" Tanong ko. Ngumiti naman siya habang napapakamot sa batok.
"As far as I know, buhay at humihinga pa naman." Barumbadong sagot niya kaya naman sinuntok ko siya sa inis, "Joke lang! Syempre, ayos naman baho! Ako nalang ang sumusundo sa anak nila kapag pareho silang busy bilang pambawi ko na rin kay Angge." Matinong sagot niya. Napatango na lamang ako at napangiti dahil hindi ko inaasahan na sila Deiv pala ang magkakatuluyan sa huli.
May mga bagay talaga tayong hindi inaasahan pero mapapangiti nalang din dahil lahat may dahilan, lahat may sapat na oras para matupad ang lahat nang 'yon.
"Baho, let's go out tonight. Busy ka ba?" Taas-babang kilay na sabi niya. Napatingin naman ako sa tambak na papel sa gilid ng laptop ko at tumingin muli kay Damien para sumagot habang may ngiti sa labi.
"No, I'm not busy." Agad siyang napangiti sa naging sagot ko.
At minsan may mga bagay din na kailangang isantabi para maglaan ng oras sa taong iniibig mo. I guess, it would always be worth it on risking everything for him.
Dahil ang taong iniibig mo ay hindi mo alam na panghabang buhay na pala.
Napangiti ako nang isuot niya sa ulo ko ang helmet na isa, itim ito at may pangalan ko pa talaga. Bigla tuloy akong natawa sa kilig.
"Ilang taon na 'tong helmet?" Tanong ko nang mapansin ang kalumaan nito. Nakatingin lang ako kay Damien na nag-suot din ng helmet niya. Binaba niya agad ang salamin non bago ako sinagot at dahil tinted iyon ay hindi ko tuloy malaman ang facial expressions niya.
"12 years? Basta nung ano, nalaman kong gusto na pala kita." Kahit nakasarado at tinted ang salamin ng helmet niya ay hindi pa rin noon nahadlangan ang pagkahiya sa boses niya. Napangiti nalang ako.
Marami pa ba akong hindi alam sa taong 'to? Nevermind, we have the lifetime to discover everything about each other.
Hindi na luge lods.
Hinintay ko siyang makasakay sa motorsiklo niya at pabiro pa niyang tinapik ang likuran, sinasabing pwede na akong sumakay roon. Nang sumakay ako ay mabilis niyang nilahad ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid, hinihingi ang dalawang kamay ko. Marahan ko namang inabot ang mga kamay niyang naghihintay. Sinalubong niya ito at marahan na niyakap sa bewang niya.
"Kapit ka lang sa abs ko," Mayabang na sabi niya kaya hindi ko mapigilang matawa sa inis. Hindi pa rin pala siya nagbabago. He's still the Damien I knew for the past 13 years and I couldn't asks for more.
Pero totoo naman, may abs na ang mokong. Hehe.
"Ready ka na sa roadtrip natin? Where to babe?" Naramdaman ko bigla ang pag-init ng magkabilang pisngi ko nang tawagin niya akong 'babe' pero natawa nalang ako at sumagot.
"Tagaytay!" Excited na sigaw ko. Tumawa naman siya at mahigpit na hinawakan ang mga kamay kong nakayakap pa rin sa kanya.
"Tagaytay it is."
To be continued...