MoL II: IV

34 5 1
                                    


Louise

"Lou! Long time no see!" Mabilis akong napalingon at hinanap ang taong tumawag ng pangalan ko. Si JP pala.

"Oh, Jaylen Paul," Tugon ko nang makalapit ito sa 'kin. Malawak ang ngiti niya habang ako ay blanko pa rin. Matagal na rin simula nang hindi kami mag-usap. It's been 3 years din siguro. Hindi ko na maalala. 

Napatingin ako sa suot nitong white polo habang nakatupi naman ang magkabilang sleeves hanggang siko. Lalo siyang naging gwapo. Crush ko 'to dati sa ushering eh, 'yung madalas kong maka-usap ng malaliman. Kaso usapan lang ang naging malalim hindi ang relasyon namin. So sad. 

Tumawa siya na parang demonyo, 'yung ginagawa nila lagi ni Josh. Napa-irap tuloy ako at binalik ang tingin sa pagmumukha niyang wagas sa kagwapuhan. I wonder if he already got himself a girlfriend. Baka pwede akong mag-apply.

"Wala naman, Blanche Louise?" Balik asar niya pa sa 'kin. Napangiwi naman ako. Ayaw niya kasing tinatawag ng buo ang pangalan niya pero hinahayaan rin naman ako. Gulo niya rin minsan eh. Ano bang gusto niya? Ako ba?

"Ginagawa mo dito?" Masungit kong tanong. Napangiti lang siya habang nakatitig sa mukha ko kaya naman, sumipol ako para maging dahilan ng pagbalik mundo niya. "Earth is calling you?" Sarkastikong sabi ko. Ano ba kasing pinaggagawa niya at wala siya sa mundong ibabaw.

"Ay sorry, ganda mo kasi eh. Pwedeng manligaw?" Napasinghap ako at napatawa ng malakas dahil sa sinabi niya. Gago talaga 'to.

"Tigil-tigilan mo 'ko Ramirez ha?" Napairap na naman ako dahil sa sinabi niya. Masyado niya akong ginugulat ngayong araw.

"Bakit Perez, ayaw mo bang maging Ramirez?" He asked curiously. Natawa naman ako at agad na umiling.

"Ayoko, masyadong common. Palit ka muna ng unique o kaya vintage na apelyido." Seryosong pahayag ko kahit nagbibiro lang naman. Ganon naman talaga, ikaw na bahala mag-isip kung seryoso o biro lang ang isang bagay. Kaya nga maraming naloloko at nasasaktan. Nature na kasi ng tao ang maging assuming. 

"Ay, ang arte naman po." Pagbibiro niya. Umirap tuloy ako ulit. Malapit na 'kong mairita dito kay JP. Sarap kutusan sa bunbunan. Pasalamat siya hindi ako naging doktor kundi ako ang gagamot sa sira niyang utak.

"So bakit ka nga nandito? Daming pasikot, ga-ganyan ka tapos mai-inlove ako sa 'yo tapos pa-paasahin mo lang pala ako sabay iiwanan tapos kung papalarin babalik para manggulo ulit. Kaya lagi tayong nasasaktan eh. Paulit-ulit ang sistema. Pakibago nga, galit na 'ko." Bitter kong pahayag. Tawa naman ng tawa ang kupal. Parang hindi ako nilandi kanina lang ah. 

"Parang may kilala akong ganyan." Pangangasar niya pa. Sumama naman ang timpla ng mukha ko. 

"Sige, subukan mo. Sasapakin kita dito kahit nasa Mall pa tayo. Sino ka nga ulet? Hindi kita kilala. Salamat nalang sa lahat." Sabi ko pa sabay talikod sa kanya at lumakad palayo. 

Naramdaman ko bigla ang paghawak niya sa may wrist ko kaya otomatiko akong napalingon sa kanya. Palihim tuloy akong napangisi dahil sa nababasa kong namumuo niyang intensyon. Mahirap 'yan, ayan na naman tayo. Kapag nag-explain 'to, tablado na tayo mga ma'am, sir.

"May kinita lang na bagong investor. Saan ka? Samahan na kita." Bumuntong hininga ako at tinignan siya. 

"You don't need to explain. Bakit mo 'ko sasamahan aber?" Supladang sabi ko. Mabuti ng malinaw. Ayoko ng maulit ang mga nangyari noon. Tangina nalang ulit kapag nangyari ulit. Ako na ang may problema. 

Nakita ko ang gulat sa mukha niya at hindi makapagsalita. Napabuntong hininga tuloy akong napapatingin sa mga mata niya, disappointed ako sa naging reaksyon niya. Ang mga lalaki talaga magaling lang lumandi pero kapag lapagan na ng intensyon parang mga dagang nag-sisitakasan.

"Next time mo na 'kong landiin kapag may paninindigan ka na. Huwag mong gayahin 'yung isa, quota na 'ko doon eh." Natatawang biro ko pa pero hindi ako sigurado kung totoong tawa pa ba 'yon. "Sige na, ingat ka. See you around, Ramirez." Inalis ko ang kamay niyang naka-kapit pa rin sa wrist ko. 

Tipid akong ngumiti at kumaway ng bahagya sa kanya bago tuluyang lumayo para puntahan ang dapat ko naman talagang pupuntahan. Ganoon naman kasi dapat. Kapag alam mo kung saan ka papunta, hindi mo na dapat hahayaan na masingitan pa ng kung ano na magiging dahilan pa ng pagtigil mo sa dapat mong pupuntahan. Magulo ba? Ganyan ata kami kagulo ni Damien noon. Tangina kasi non eh. Paasa akala mo gwapo!

Punyeta naisip ko na naman ang hayop na 'yon. 

Dumiretso lang ako ng National Bookstore dahil puno na naman ang laman ng notebook kung saan ako nagsusulat sa tuwing may na iisip akong kwento. Medyo makakalimutin kasi ako lalo na sa mga linyang na iisip ko. Sayang naman, punchline din 'yon.

Napangiti ako bigla nang may makita akong itim na sulatin, kukunin ko na sana ito ng may naunang.. mabilis akong napalingon sa taong 'yon nang ma-realized kong masyadong familiar ang kamay na 'yon. 

"Ay, putangina mo!" Kunyaring gulat ko nang makitang si Damien 'to. Gusto kong matawa sa reaksyon niya dahil hindi naman ako nagmumura dati. 

Well, people change and so our feelings.  

Hindi pa rin siya makapagsalita sa gulat kaya ginamit ko 'yon bilang oportunidad na makuha ang nag-iisang notebook na 'yon. Ano, nakuha na nga niya ang feelings ko dati at ginago pati ba naman ang notebook na nagustuhan ko kukunin pa rin?

Tangina ka talaga, Damien!

Gusto kong humalakhak sa tuwa nang matagumpay ko itong nadala sa counter, mabuti na lamang inuna ko ang pagkuha ng mga pang-refill ng tinta sa g-tech ko. Ubos na rin kasi maging ang pasensya ko sa lalaking 'to. 

Gusto ko na naman magmura nang tumabi sa'kin ang gago. Kulit amputa. Wala kang friends? Buong pag-iikot ko sa Mall ay nakasunod lang siya sa'ken. Tangina mo talaga, Damien! Gigil akong humarap sa kanya nang makarating kami sa parking lot ng Mall. 

"Alam mo? Tangina mo, Damien! Wala ka na bang alam kundi gaguhin ako?! Pwede ba? Lubayan mo na 'ko kasi ako lang naman ang nahihirapan dito! Tangina mo ulet for showing up in my damn life! Pakyu three thousand! Pati ata Avengers galit sa'yo kasi tangina mo ulet." Hiningal ako bigla. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong magmura ng magmura. Gago kasi siya! 

Tahimik lang niya akong tinignan at may nilabas mula sa bulsa niya na susi. Pinindot niya ito at tumunog ang sasakyang nasa gilid ko. Napaawang naman agad ang labi ko nang ma-realized ko ang kahihiyan ko.  

Tangina mo Blance Louise Perez! Ang bobo mong gaga ka! Tangina talaga huhu!


To be continued...

Mystery of Love [Book 2 of 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon