MoL II: II

33 5 13
                                    


Louise

"Anong ginagawa mo dito?" I asked him with disbelief. Naramdaman ko namang napahiya siya dahil sa sinabi ko at napabuntong hininga. 

"Ah.." Say it. "I saw you and I was wondering if I could check on you. Nice Lou, you're a writer now." Sagot niya. Bigla naman akong napasinghap at tinignan siya ng hindi makapaniwala. So, trip lang pala niya? 

"Alis." Seryosong sabi ko. Tinignan naman niya ako ng naguguluhan. Tanga talaga. Kung sabagay, ang alam lang naman niya ay 'yung magpaasa sa wala. Gago nga talaga.

"Anong alis?" Tinignan ko naman siya ng blanko. Bobo ba siya?

"Umalis kana. Hindi lang ikaw ang gustong magpapirma ng mema." Sagot ko, pilit na tinatago ang inis na namumuo mula sa'kin. "At least, sila totoong nagbasa at totoong nag-effort pumunta dito at hindi lang ako basta nakita lang." Nakita ko ang gulat sa pagmumukha niyang pilit ko ng binabaon sa limot. 

Sadyang kahanga-hanga ang tadhana, totoo ngang kupal ito at mapag-laro. Hindi lang tao ang kayang manakit bagkus ito pa ang nagdadala ng sakit mula sa nakaraan. Ano bang gusto nitong patunayan? I already forgot about him! Why show up suddenly?  

"S-Sorry.." Natawa ako ng sarkastiko. Ito ang gusto kong marinig mula sa kanya noon, kaso nga lang sa ibang sitwasyon na.

"You're 10 years late, now leave." I said without thinking twice. Umiwas ako ng tingin at pumeke ng ngiti sa mga taong todo ang pagngiti at pagkaway sa'kin. 

Hinintay ko itong makaalis at doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Tangina, hindi ko talaga inaasahan na magpapakita pa siya ulit. Hindi ko mapigilang mailabas ang galit ko nang makauwi ako sa bahay. Mabuti na lamang ay kanina pa naihatid ng School Bus si Phyllis at tulog na ngayon. 

"Tangina talaga! Bakit siya magpapakita after all these years of my suffering? Bobo ba siya? Hindi nag-iisip? Okay na 'ko! Bakit kinukwestyon ko na naman? Bakit kailangan niyang gawin 'yon? He could just ignored me and continued what he has to do!" 

Sumalampak ako sa kama at gigil na napasabunot sa buhok. Parang sasabog ang sistema ko dahil lang sa ginawa niya. Napakasimple noon pero buong sistema ko ang nagulo! Gago siya for showing up! Hindi na siya nagbago, paasa pa rin ang kupal!

Nakakatawa na my deep love for him turns into hatred. Ganon nga siguro talaga ang epekto niya sa'kin. Malala, sobrang lala. I couldn't stand seeing him, naiirita ako, naiinis, nagagalit. Kasalanan niya ang lahat. Kasalanan niya kung bakit sinisisi ko ang sarili ko sa putanginang lahat.

Nakarinig ako ng katok kaya bigla akong napaupo sa kama at inayos ang sarili matapos punasan ang mga luhang hindi ko alam kung kailan nga ba tumulo. Natawa nalang ako at pumunta sa pinto para buksan ito. 

"Phyllis?" Sabi ko nang makita ito. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala habang yakap ang teddy bear niya. For tanginang thought, gusto kong kuhain iyon at sunugin hanggang sa malusaw kasama ng gagong nararamdaman ko sa kanya. Pero hindi nalang pala dahil sayang lang ang posporo at apoy, mamaya hikain pa 'tong si Phyllis. 

"Ate, why are you crying po?" Tanong niya bigla. Natigilan naman ako at napaluhod para maging pantay ang paningin namin sa isa't-isa. Hindi ko mapigilang mapatingin sa teddy bear na hawak niya na galing kay Damien. Napatingin naman si Phyllis rito at inalok sa'kin. "You want this, ate?" Tanong niya pa. 

Agad akong natawa, no na no Sis. Mamatay muna 'ko bago ko tanggapin ang mga bagay na nagmula sa'kanya. 

"No, why are you here pala? do your assignments na at magluluto na rin ako for our dinner." Sabi ko rito. Mabilis naman itong tumango at tumalikod para pumanik muli sa k'warto niya para gawin ang sinabi ko. 

Pumunta ako sa desk ko at basta nalang naupo sa swivel chair. Bigla akong napatingin sa sa librong nakapatong sa gilid ng desk ko. Kinuha ko ito at pinagmasdan. The cover was very simple but deep. Unlike other books na covers nila ay usually may mga tao or whatever. Magkahalo ang mga dark colors pero mas lamang ang black part, pinapakita nito kung gaano kadilim ang kwentong mayroon ito at may konting liwanag din sa taas, sa may dulo. A shade of dark blue or a sky perhaps. Those part speaks a lot too, how being together of Imogen and Dante was really like a cloud 9, kahit bilang lang.   

Nakareceived ako ng text mula sa dati kong ka-usher back in our church when I first met Damien. It was Chantelle, Naalala ko tuloy siya sa librong Mystery of Love. Siya si Daphe doon. As far as I can remember, ang lasinggera kong kaibigan. 

Nang hindi ako nag-reply ay bigla itong tumawag ng walang pasabi kaya naman napabuntong hininga ako bago ito sagutin. Ewan ko ba, ang layo ko na sa mga tao ngayon. Mabilis na 'kong mairita at ayokong kumausap ng mga tao. 

"Louise? Hoy! Gaga ka! Naging Writer lang, snobbera na!" Natawa naman ako ng pilit. Sa kanila, siya nalang ata ang kinakausap ko. Automatic kaseng kinalimutan ko na rin lahat ng may koneksyon sa kanya. 

"Anong meron?" Tanong ko na lamang. 

"May Reunion daw ang Ushering te! Punta tayo, madaming pagkain doon tapos libre pa." Sunod-sunod nitong siwalat. Napabuntong hininga naman ako. Matagal ko ng kinalimutan iyon. Muntik ko ngang makalimutan na minsan din akong naging parte nito. "Tapos te, baka may alak din hehe." Napataas naman ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Bobo ka ba? Ushering 'yon, tapos magee-expect ka ng alak?" Iritang pahayag ko. Narinig ko naman ang tawa ng gaga. Nahihibang na nga.

"Malay mo naman te, after all, hindi lahat ng andon ay banal. Hindi tayo sure dyan!" Nakakalokong sagot niya pa. Napairap naman ako dahil totoo ang sinabi niya.

"Kailan daw 'yon?" Tanong ko, walang interes.

"Next month daw." Agad na sagot niya. "Ano punta ka? Pagpupunta ka pupunta na rin ako." Hindi yata si Chantelle kausap ko, demonyo ata. 

"Hindi." Mabilis kong sagot. Dinig ko ang buntong hininga ng baboy. Disappointed pa ata. Akala ko ba kapag hindi ako pupunta ay hindi na rin siya pupunta? Tokis amp. 

"Sige na naman pre! Have yourself be enjoy! Let's party! Tugstugstugs!" At sumasayaw pa nga ata. Wala ba siyang ibang friends?

"Do you know why?" Biglang sabi ko. 

"Why?" Supportive niya pang tanong.

"Because I know that Damien is coming. So please, don't make me fool out there." Galit kong sabi at pinatay ng basta ang tawag. 

Napatingin muli ako sa librong iyon at mukhang nagsisisi pa nga yata akong sinulat ang kwentong iyan knowing na 'yan ang bumubuhay sa 'min ngayon. 


To be continued...

Mystery of Love [Book 2 of 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon