Louise
"Sure ka bang mukha akong tao?" Seryosong tanong ko kay Chantelle habang nakatitig sa malaking salamin na nasa harapan ko ngayon.
"Oo nga, seryoso. Maganda ka, Louise," Seryosong aniya. Napabuntong hininga tuloy ako, hindi malaman kung pangilang buntong hininga na ba iyon. Parang tanga lang, Louise.
Napatingin ako sa black off-shoulder dress na suot ko, 1 inch above the knee ito. Naglagay rin ako ng light make-up para naman hindi ako mukhang bangkay habang nakaladlad naman ang mahaba kong buhok. Hindi ko alam kung bakit sobrang conscious ko sa tuwing lalabas kami ni Damien. Hindi naman ako ganito, kay Damien lang talaga.
"Hindi ka ba talaga sasama?" Seryosong tanong ulit ni Chantelle. Bigla tuloy ako napatigil at napatingin sa kanya habang nakakunot ang noo ko sa pagtataka.
"Yeah, may lakad ako." I don't know why I didn't tell her about my date with Damien. Hayaan na nga. Inabot ko lang ang sling bag kong itim at 'yung pahabang box na may ribbon bago nagpaalam. Ang weird ni Chantelle, kanina pa 'yan.. parang may gustong sabihin. Nevermind, tanungin ko nalang siya mamaya.
"Pahingi akong pasalubong ha?" Chantelle said before I could even get inside of my car. Napairap tuloy ako pero nawala din iyon nang maka-received ng text mula kay Damien.
From: Damien(Bantot)
I'm thinking about Laura as our baby girl's name and if it's a boy, then it would be Liam. Anong tingin mo, baho? Hahahaha! Can't wait to see you:))
Agad naman akong napangiti at mabilis na sumakay, kumaway pa ako kina Chantelle at Phyllis bago tuluyang umalis. Napatingin ako sa orasan, it's already 5: 30 in the evening. Napabuntong hininga ako nang mapagtantong mala-late pa yata ako.
Tuwang-tuwa akong lumabas mula sa sasakyan ko nang makarating ako ng matiwasay sa Batangas. Agad akong napangiti nang masilayan ko ang dagat at ang madilim na kalangitan. Kinuha ko ang windbreaker jacket ni Damien at sinuot ito dahil sa malamig na hangin. Agad akong napayakap sa sarili nang maamoy ang natirang perfume ni Damien rito. Bigla tuloy akong kinilig.
Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa makarating sa dagat, mabuti na lamang ay hindi ako nakasuot ng heels. Napairap ako bigla, hindi nga pala ako mahilig magsuot ng ganoon. Tuwang-tuwa akong naglalakad sa buhanginan habang natatanaw ang table for two, may kandila roon at sobrang romantic nitong pagmasdan.
Nawala ang ngiti ko nang mapagtanto kong wala pa si Damien roon kaya't napabusangot ako nang makalapit sa lamesa. May isang lalaking lumapit sa 'kin, maganda ang ngiti nito at talagang nakabihis formal pa ito na pang-waiter.
"Miss Louise? This way po," Nakangiting bati niya at inanyayahan sa nag-iisang lamesa para sa dalawang tao.
"Kuya, si Damien po?" Tanong ko nang makaupo ako.
"Nako Ma'am, hintayin niyo nalang po si Sir, marami po siyang hinandang surpresa para sa inyo," Sagot naman ni Kuya at umalis rin.
Bigla tuloy akong napangiti nang marinig ang sagot niya. Pinigilan ko ang sarili kong i-text o kaya tawagan siya dahil sa inip. Sobrang kinakabahan ako pero nasisiguro kong dahil iyon sa excitement na nararamdaman ko ngayon.
Nilabas ko mula sa sling bag ang pahabang box na may ribbon at nilapag 'yon sa table namin, bigla akong napangiti nang maalala ang nilalaman non. Nasisiguro kong ikatutuwa niya 'to kapag nakita niya na.
Napatingin ako sa table, may mga love letters roon na galing sa kanya kaya naman habang naghihintay ako ay binabasa ko ang mga 'yon at sobra akong kinikilig, mas lalong nae-excite na makita siya. Pakiramdam ko ay sobra na akong nangungulila sa kanya kahit pa man nagkita kami kagabi.