MoL II: VII

28 5 3
                                    


Louise

Bigla akong naubo for unknown reasons, halos suntukin ko na nga ang dibdib ko. May bigla nalang nag-abot ng tubig sa may tabi ko. Tinignan ko naman ito at mabilis na tinanggap para inumin.

"Thank you," Sabi ko pa at na patingin sa taong nagbigay. "Ay, tangina ka!" Gulat na sabi ko nang makita kong si Damien pala ito. Pasalamat nalang siya ay nainom ko na ang tubig kundi baka nabuga kona sa kanya lahat.

Tumawa lang siya habang nakatingin sa kalangitan. Hindi ko mapigilang mapatitig sa side view ng pagmumukha niya. Ilang taon na rin ang lumipas pero mas lalo pala siyang naging gwapo. Ngayon ko lang napansin. Masyado nga yata akong galit para mapansin pa iyon. Bigla siyang napatingin sa'kin at ngumiti ng nakakaloko kaya mabilis akong umiwas ng tingin at basta nalang pinanood ang sunset mula rito sa rooftop ng Company.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang taimtim na tinitignan ang magandang kalangitan. Ngayon nalang ata ulit ako nakatambay dito dahil minsan lang din naman ako pumunta dito para makapagpasa lang ng mga sinulat ko.

"I work here." Agad akong napalingon sa kanya, nagtataka at doon lang napansin ang suot niyang ID. Mukhang naramdaman niya ang tingin ko kaya bigla rin siyang napalingon sa gawi ko. "I'm an IT, remember?" Tumango nalang ako at binalik ang tingin sa harapan. 

Mahabang katahimikan ang namalagi sa 'ming dalawa. Ayokong magsalita at paniguradong siya ay malamang sa malamang kating-kati ng magsabi ng kung ano-ano. Parehas naming pinanood ang palubog ng araw. Napakaganda nitong pagmasdan lalo pa't kitang-kita mula sa kinauupuan namin. 

"We would have been so beautiful.." Hindi ako nagsalita. Ayokong lumingon. Paniguradong bakas ang gulat sa mukha ko pero pilit kong tinago iyon para hindi siya makapag-isip ng kung ano. "I should have waited for a little bit more." Dagdag niya pa. 

"Stop.. just stop. Let's bury the past now." Nahihirapang sabi ko pa. "Don't make things get complicated again. Hindi ka na nakakatuwa." Seryosong sabi ko habang nakatingin na ngayon sa mga mata niyang para bang sobrang daming pinaparating. 

'Magulo. Sobrang gulo niya. Hanggang ngayon, magulo pa rin pala siya.'

"I'm sorry." He said. Napailing na lang ako at napaiwas ng tingin. 

"Sa daming sorry na sinabi mo, lahat 'yon puro masakit." I smiled bitterly. Hindi na sana niya binuksan pa ang storyang matagal ng tapos. We shouldn't make book two of it. It's too painful to make another one. 

"When I first saw you in this building, I stopped myself from trying to talk to you," Naramdaman ko ang tingin niya sa 'kin kaya napalingon rin ako dahil sa sinabi niya. Masyado niya akong ginugulat sa araw na 'to. "Because I knew, you wouldn't want to see this face. So, I let you go." Malalim ang mga tinging binigay niya kaya naman sinubukan kong labanan ito at basahin. 

Pero hindi ko kaya. Agad akong napaiwas muli ng tingin at napatingin sa dalawa kong kamay na nilalaro ang walang laman na bottled water. Ayokong magsalita. Natatakot ako. Ayoko na ng ganito.  

Tumayo ako bigla dahil hindi ko na makayanan ang mga susunod pang sasabihin niya. Baka.. Baka bumigay na naman kasi ako. Tangina, sawa na'kong sumugal. Hindi ko na kakayanin kung masasaktan ulit ako at sa parehong tao pa. I just can't. 

Bago pa ako lumakad palayo ay naramdaman ko ang kamay niya sa pulsuhan ko. Bigla naman akong napatingin doon pero pinigilang tignan ang mukha niya kasabay ng nararamdaman ko sa loob loob. 

"Can you please.. just hear me out? Pakinggan mo naman ako, bho." Nahihirapan at nagmamakaawa niyang sabi. May basta na lang tumulong luha mula sa isa kong mata. Mabilis ko itong pinunasan bago niya pa makita. 

Pilit kong inalis ang kamay niyang mahigpit pa ring nakakapit sa palapulsuhan ko. Mariin ko siyang tinignan. Pilit nakikiusap mula sa malalimang titigan. 

"When will you fucking let me go?" Galit nang sabi ko. Mukhang nagulat siya kaya mabilis siyang napabitaw sa pagkakahawak sa 'kin. Ganyan 'yan eh, konting galit na ipakita, suko agad. Joker pa nga.

Masama ang loob kong lumabas ng rooftop at bumaba.  Naiiyak ako. Hindi naman ako ganito, ah? Bakit sa tuwing siya na ang nandiyan, lagi nalang akong parang tangang napapaisip sa lahat? Ganon na ba ako ka bobo? 

Hindi ko alam na may ika-bobobo pa pala ako. Natatawa tuloy ako ng sarkastiko. Pumunta ako sa lobby para ibalik ang hiram na ID. Kinuha ko lang pabalik ang iniwan kong ID at mabilis na nilagay sa bag ko. 

Palabas na sana ako nang may biglang humarang sa 'kin. It was a young  girl who's still wearing her school uniform, may hawak pa itong libro na may title na 'Mystery of Love'. Sobra ang ngiting pinakita nito sa 'kin kaya naman hindi ko alam kung anong ire-react ko sa kanya. Hindi ako sanay.

"Miss Louise? Diba po ikaw 'yung Author nito?" Agad na sabi niya habang pinapakita ang libro sa 'kin at talagang may plastic cover pa ito para lang huwag mabasa o masira. Napatango nalang tuloy ako bilang sagot. 

"Pwede mo po bang pirmahan? Hindi po kasi ako nakarating sa first meet-up mo, wala kasi akong pangbayad ng fee. Hehe!" Nahihiya pa niyang sabi. Napangiti naman ako at natawa sa inasal niya. Mabilis kong nilahad ang kamay ko para kunin ang libro niya nang mapirmahan ko na.

Binuksan ko ito at saglit na natigilan dahil sa nakita ko. 


Dante loves Imogen forever!


Hindi ko na lang pinansin pa iyon at kinuha nalang ang ballpen mula sa bag ko at sinimulang pirmahan iyon. Nagsulat pa 'ko ng personal note para sa kanya. Nakita ko ang pagkatuwa sa mukha niya kaya naman ngumiti rin ako bilang tugon nang ibalik ang libro sa kanya. 

"Miss Author, wala na po ba talagang pag-asang magkatuluyan sila Imo at Dante?" Tanong niya na naging dahilan ng pagkatigil ko kasabay ng paglaho ng ngiti sa labi ko. Umiling naman ako bilang sagot. Bigla siyang nalungkot pero agad ding ngumiti at tinignan ako.

"Saan ka pala? Sabay na tayo sa paglabas." Offer ko naman. 

"Sa QC pa po ako!" Agad na sagot niya. Bigla akong nakaramdam ng guilt kaya naman isinabay ko nalang siya sa 'kin pauwi.

"Diba po based on true story 'to? Sino po 'yung Dante sa buhay niyo? Ikaw po ba si Imogen?" Sunod-sunod niyang pagtanong habang nasa daan kami at traffic pa nga.

Taimtim ko siyang tinignan at bahagyang napailing. Para yatang nagsisisi akong isinabay ko ang batang 'to ah?


To be continued...

Mystery of Love [Book 2 of 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon