MoL II: VI

35 5 9
                                    


Louise

"Talaga? Gago nga talaga!" Badtrip na sabi ni Chantelle matapos sumipsip sa milktea niya. Galit pa ngang binagsak sa lamesa. Napabuntong hininga naman ako sa irita dahil sa mga munting laway na tumalsik galing sa bibig niya.

"Kapag nakita ko talaga ang lokong 'yon, tsi-tsinelasin ko talaga!" Gigil pa ring sabi nito. Natawa tuloy ako bigla. Hindi na nga siya makatayo sa sobrang bundat. Umaga palang pero napakarami na niyang kinain. 

"Anyways, kamusta kayo ni R?" Pangangasar ko bigla. Nagbago naman agad ang ekspresyon ng mukha niya. Bumusangot ito matapos umirap.

"Paasa naman 'yun e! Isa pang gago." 

"Talaga? Gago nga talaga," Pang-gagaya ko sa sinabi niya. Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko marahil ay nagtataka sa isinagot ko. Dahil slow 'yan, hindi niya agad na-gets ang intensyon ko. Napa-inom na lamang ako sa kapeng nasa harapan ko habang napapatingin sa labas ng Coffee Shop kung nasaan kami.

Sandali kaming nanahimik at dinamdam ang malamig na hanging nanggagaling sa aircon dito. Kanina pa'ko nandito, sinusubukan na may ma-type sa laptop ko para sa story na matagal ko na ring ginagawa. Ang hirap talaga kapag mental block ka, kaya naman naisipan kong lumabas muna. Saktong nakita ako ng bruha kaya nang-gugulo. 

Napatingin ako bigla sa cellphone ko nang tumunog ito at may notification akong natanggap. 

Damien: wru?

Napairap tuloy ako at kinuha ito para makapag-reply.

Louise: impyerno.

Damien: omw

Nakita kong nag-picture si Chantelle at talagang nag-my day pa nga sa social medias. Napamura ako sa ginawa niya at muling napatingin sa conversation namin ni Damien. Nakaramdam ako bigla ng stress pero dahil naalala ko ang sinabi ni Chantelle kanina ay agad akong napangisi at hinayaan na lamang. 

Let's see who's really on my side. I know that she wants us to be together in the past. Hmm..

Minutes after, I saw someone who's familiar from outside. Bumaba ito sa motorsiklo niya at marahang inalis ang helmet. Nagulo ang buhok nito kaya mabilis na sinuklayan ang buhok niya gamit ang mga daliri. Nakasuot lang ito ng simpleng black shirt na hapit sa katawan at green na windbreaker jacket. Bigla akong napalunok nang mapatingin ito sa'kin. Mabilis akong napa-iwas ng tingin at uminom ng kape. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok nito. 

"Bakit? Masakit na naman ba ang dibdib mo? Flat ka kasi e." Dinig kong komento ni Chantelle. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. 

Biglang tumunog ang bell sa pintuan kaya parehas kaming napalingon dito. Pinanood naming pumasok si Damien, dumiretso ito sa counter para um-order. I don't know. Maybe, just pretending para mag-papansin. Tsk!

Napasinghap pa ako nang bigla itong pumunta sa table namin matapos um-order. Kumuha pa ito ng upuan mula sa kabilang table at binuhat papunta sa amin tsaka umupo roon. Tumingin ito sa'kin. 

Poker face lang akong tinignan siya, hindi malaman ang gagawin kaya napaayos na lang ako ng upo at kinuha ang kape ko para uminom muli dito. 

"Your coffee is empty. Don't worry, I already ordered for you." Biglang sabi niya. Napapahiya naman akong tinignan ang laman ng basong hawak ko. Totoo nga na wala ng laman ito. Ang bobo naman, Louise. 

Bigla akong napangisi at napatingin kay Chantelle. Tinaasan ko ito ng isang kilay, hinihintay gawin ang mga sinabi niya kanina. Marahil ay nagulat rin ito sa biglaang pagdating ni Damien kaya hindi agad nakapag-react. Kalmado kong pinatay ang laptop ko at nilagay ito sa sariling bag, mahirap na baka madamay. Napasandal ako kinauupuan at pareho silang tinignan. Parang mga tanga.

Agad na tumayo si Chantelle sa kinauupuan sa harap ko habang hawak ang milktea niyang wala pa sa kalahati. Hirap pa nga siyang tumayo dahil sa kabusugan. Hinarap niya si Damien na nakaupo pa rin. Bigla tuloy siyang napatingin kay Chantelle, nagtataka.

Marahas na tinanggal ni Chantelle ang straw at takip ng milktea niya at basta nalang ibinuhos sa bunbunan ni Damien. Namilog lang ang bibig ko sa gulat habang pinapanood silang dalawa. Mabilis pang tumayo si Damien sa gulat habang nanlalaki ang mga mata nitong tumingin kay Chantelle. Gusto ko tuloy matawa. 

Galit na inalis ni Chantelle ang suot na tsinelas at pinaghahampas ito sa ulo ni Damien at sa kung saan mang parte ng katawan na madatnan ng tsinelas niya. Doon na ako natawa. Buti nga. Napatingin pa sa'kin si Damien nang hindi makapaniwala. Tinignan ko lang siya at umirap. Save yourself asshole. 

"Gagong 'to. Matapos manaket babalik?! Pogi ka gorl? Lakas mo boi ah." Halos hindi makahingang sabi niya. Bumuntong hininga naman ako at kinuha ang gamit ko tsaka hinila palabas si Chantelle.

"Te, palitan mo milktea ko ha. Large 'yun." Naiiyak na sabi ni Chantelle matapos ma-isuot ang tsinelas. Tumawa naman ako ng malakas. 

"Gaga ka talaga, ang lagkit sa katawan non." Matapos kong mag-laway kanina, gaganunin lang pala ng bruhang 'to. "Hindi ko alam na to-tohanin mo pala 'yon. Sira-ulo ka."

Humalakhak naman siya na parang baliw, "Hindi mo naman kasi kayang gawin kaya ako nalang ang gagawa." Seryosong sabi niya pa. Umirap nalang ako at nauna sa pag-lalakad. Walking distance lang naman ang bahay namin mula sa Coffee Shop kaya okay lang lakarin. Naramdaman ko namang sumunod si Chantelle dahil hindi matigil ang bunganga sa ka-ingayan. 

Pagpasok ko ng bahay ay agad bumungad ang katahimikan. Bigla akong napatingin sa open area na kusina namin. Naalala ko bigla ang pagpunta ni Damien dito nung isang araw kaya mabilis akong napa-iling. Tangina ka marupok lumayas ka sa sistema ko! 

Dumiretso nalang ako sa sala at naupo roon. Sumunod naman si Chantelle na hindi ko malaman kung ako pa ba ang kausap o ang sarili niya na. 

Nilabas ko ang laptop ko mula sa bag at pinatong sa hita ko para buksan ito. Balak kong ituloy ang naiwan na ginagawa ko kanina. Eskandalosa kasi itong si Chantelle. Ang kalat masyado. Naawa tuloy ako bigla sa mga mag-lilinis. 

"Don't tell me, narurupok ka na naman diyan?" Dinig kong akusa ni Chantelle kaya inis akong napalingon sa gawi niya na may hawak ng chips, ni hindi ko malaman kung saan niya nakuha iyon. Sarap na sarap pa siya habang ngumunguya. Napalingon ako sa center table nang may mapansin akong juice at ibang pagkain na halatang sa kusina namin galing.

"Why would I?" Nakataas ang isang kilay na sabi ko matapos ibalik ang tingin sa laptop. 

"Kasi mahal mo pa?" Agad naman akong natigilan at dahan-dahan napatingin sa 'kanya habang iniisip ang sinabi niya. 

"Tanga nalang ang magmamahal ulit sa isang tulad niya." Malamig kong sagot.


To be continued...


Mystery of Love [Book 2 of 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon