MoL II: V

29 5 4
                                    


Louise

Buong araw na yata akong nakahiga sa kama ko at parang tangang nilalamig. kahit nakapatay na ang lahat ng pwedeng source ng hangin. Parang binibiyak 'yung ulo ko sa sobrang sakit to the point na, 'Take me Lord! Just take me!' 

Bigla akong napamura sa kalokohan ko. Tinatawagan ko kanina si Chantelle para naman may magmasid muna kay Phyllis habang nag-hihingalo na 'ko.  Hindi nga nag-sasalita eh. Naging pipe na ata. Ewan ko na lang kung dumating na dito.

Hirap kong inabot ang basang towel na nasa side bed table ko. Masyadong nanlalabo ang mga mata ko rito. Sobra akong nahihilo kahit hindi naman ako masyadong gumagalaw. Hilo hilo lang girl? Napipikon ako! Limang chapters na nga lang ang kulang sa bagong libro ko at doon pa nag-inarte ang katawan ko!

Naalala ko na kung bakit nilalagnat ako or whatsoever. Dahil sa pakyung ulan nung nakaraan na sinundo ko si Phyllis. Dagdag mo pang nakita ko ang kupal na 'yon. Panget niya talaga. Sobrang panget. Kinulam siguro pagmumukha noon kaya ganon. 

Napairap tuloy ako. May sakit na 'ko lahat lahat, ganito pa rin kasama ang tingin ko sa kanya. Bigla akong natawa. Tanga mo, Louise!

May mga naririnig akong yabag mula sa labas. Naiirita tuloy ako sa maliliit na ingay. Gusto ko silang sigawan. Baka pwedeng manahimik muna dahil kailangan ng peace of mind ang utak kong tumitibok na. Puso ka girl? 

Napabuntong hininga ako sa kawalan kasabay ng pagpikit ng mga mata ko.

"Kuya, she's really sick. Help her po!" I heard Phyllis talking to some guy outside of my room. Nung una nag-taka muna ako dahil si Chantelle ang tinawagan ko so why calling her a Kuya instead of ate? Kung sabagay mukha rin lalaki 'yun minsan e. 

Narinig ko ang pag-bukas ng pinto ng k'warto ko at ilang saglit pa ay naramdaman kong may umupo sa gilid ng kama ko. Alam kong nakatingin ito. Gusto kong dumilat para kotongan siya. Ininis niya ako nung nakaraan e. 

"Hmm.." Ungol ko. Tangina ang sakit talaga ng ulo ko!

Naramdaman ko ang kamay niyang ipinatong sa noo ko. Bakit bigla atang lumaki ang kamay ni Chantelle? Ginawa niya? Nag-palaki ba siya bukod sa tyan niya? Eme lang. Ang salbahe ko na.

"Sobrang init ng ate mo, Phyllis. Uminom na ba siya ng gamot?" Bigla akong napadilat ng wala sa oras nang mapagtanto kong boses ito ng lalaki at kilalang-kilala ko pa!

Malabo ang mga mata ko dahil wala akong suot na salamin o contact lens. Napasinghap ako nang ma-realized kong si Damien ito. Hugis palang ng mukha o katawan ay alam kong siya nga ito! Anong ginagawa ng gagong 'to dito? Paano niya nalaman ang bahay namin? Anong nangyayari sa mundo? Ginagago na naman ba ako?

"She's awake, go to your room." Agad na sabi niya at kasunod noon ay ang pagsara ng pinto. Muntik na akong natawa sa sinabi niya. Carlos ikaw ba 'yan? Bwiset ka po.

Humarap siya sa pagmumukha kong maganda, halatang natakot siya sa pwedeng lumabas na apoy mula sa bibig ko. I'm pretty sure that he knows I'm mad at him. Bobo nalang siya kung hindi.

Tumayo siya at matapos ang ilang minuto ay bumalik siyang may dala ng balde na may tubig, char. Maliit na planggana pala. Nasisiguro kong malamig iyon at may towel ng kasama. Feeling at home si Kuya mo. 

Umupo ulit siya sa gilid ng kama ko matapos ilapag sa tabing table iyong planggana. Kinuha niya ang towel na basa matapos pigain ay nilagay niya sa noo ko. Yakap-yakap ko ang sarili ko at parang mangingiyak na sa sobrang sama ng pakiramdam, idagdag mo pang nakita ko na naman ang bwiset niyang mukha. 

Yari ka talaga sa'kin Chantelle kapag nagkita tayo! Mangangayayat ka talaga ng bongga sa gulpi ko. 

Bumuntong hininga ako ng malalim nang kumutan niya ako. Ayoko sa presensiya niya. Masyado lang kumukulo ang dugo ko at kung ano pa man ang masabi ko sa kanya. Baka nga mabugbog ko pa siya e. Eme lang. Galit lang ako pero hindi ko siya kayang saktan. Words are already enough for me to express my fucking feelings.

"Umalis kana, please." Mahinang sabi ko, nagpipigil. 

"No, I won't leave you." Umiling pa siya. Gusto ko sanang magalit pero masyado akong nanghihina. Tangina niya pala eh. Sana sinabi niya 'yan noon. Bakit ngayon lang kung kailan huli na? Ay, bobo ka Louise! Malamang hindi iyon ang ibig niyang sabihin. Assumera amp. Okay ka lang, girl?

Pumikit nalang ako ng mariin at hinayaan siya. Minumura ko nalang para mabawasan iyong inis ko pero sa isip nalang. Sa isip ko nalang siyang mamumura. 

'I won't leave you.' pa siya eh lumabas rin naman bigla!

Umirap nalang ako at hinayaan ang sariling magpadala sa antok. 

"Louise? Gising. Kumain ka muna." Wala pa yatang sampung minuto nang makatulog ako e. Bigla tuloy akong nairita. Inis akong dumilat at tinignan siya ng masama. Pasalamat siya ay hindi ko siya magawang masigawan ngayon. 

Ginabayan niya akong makaupo at hinarap niya sa'kin ang chicken noodles na may itlog. Bigla akong natakam. Paborito ko ito eh, paborito namin ni Papa.. 'yan lagi pinapaluto namin kay Mama noon. 

Bigla akong naging emosyonal nang maalala ko sila Mama. Mabilis akong napatakip ng mukha bago niya pang makita na umiiyak ako. Mga luhang traydor at naging hikbi. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko kaya naman napayakap nalang ako sa tuhod ko. 

Tangina naman kasi, Louise! Kasalanan mo kung bakit sila namatay! Kung hindi ka lang nagpakatanga sa lalaking 'yan, buhay pa sana sila. Mas lalo akong napa-iyak kaya mas lalo ring sumasakit ulo ko.

Naramdaman ko bigla ang pag-yakap niya na para bang kinukulong niya ko sa mga bisig niya. Sana noon niya 'tong ginawa noong mga panahong ito ang kailangan ko. Sana hindi niya ako iniwan sa ere. Sana hindi niya ako ginawang tanga at pinaasa sa wala. 

"Gago ka Damien. Ayaw na kitang makita eh. Bakit bumalik ka pa? Gaguhan na naman ba?" Basta nalang kumawala sa bibig ko ang mga salitang matagal ko ng gustong sabihin noong nagpakita na naman siya.  

"S-Sorry.. I'm sorry, Lou. I'm sorry Bo." Natawa ako ng sarkastiko at mas lalo pang napaiyak.

"Gago ka talaga Damien," Naiiyak kong sabi. "Tangina mo 3000." Narinig ko siyang tumawa.

"I'll give you permission to curse me to death. Just go on, kung 'yan ang magpapahupa ng galit mo sa'kin." Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya. Umirap naman ako kahit hindi niya kita.

"Bobo, hindi ko kailangan ang permiso mo para murahin ka." Irita kong sagot. Narinig ko ulit siyang tumawa at mas hinigpitan pa ang yakap sa'kin.

Naramdaman ko bigla ang sarili kong napangiti. 


To be continued...

Mystery of Love [Book 2 of 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon