Louise
Napatingin ako sa suot kong plain black dress na may manipis na straps, hapit ito sa katawan ko kaya naman mapapansin agad ang kurba ng payat kong katawan at black heels naman ang suot ko pangbaba. Muntik ko nang masampal ang sarili ko habang napapatingin sa mataas na gusali.
"Tara na, late na late na kaya tayo." Napatingin ako kay Chantelle, nakasuot ito ng pastel pink na dress at silver heels. Taranta nitong kinuha ang sling bag niyang may tatak pang barbie. Bigla tuloy akong natawa. Umirap pa nga ang sira-ulo.
Hinila naman niya ako papasok ng lobby. Dumiretso kami sa double door sa may gilid at agad bumungad ang malawak na Hall at open din ang mga pintuan nito papuntang swimming pool. Mukhang ni-rent nila ang buong hall, ah? Ang theme pa talaga ay blue at yellow. Ang kulit, parang kid's party. Char. Hindi naman.
"Hala, ang ganda." Agad na komento ni Chantelle. Natawa naman ako habang napapatingin sa paligid. Nakita ko sila Kuya Allan na may kausap na iba at pasimple pa itong hinawakan ang kamay ni Ate Lei. Agad akong napangiti. Sa lahat ng nangyari sa kanilang dalawa, sila pa rin pala sa huli.
'Sana all.'
Inaya ako ni Chantelle sa may bar counter. Gago talaga 'to. Kakarating lang namin, alak agad ang pinunta. Napaghahalataan. Umupo kami sa stools at hinarap ang poging bartender. Mas lalong natuwa si Chantelle at pasimple akong kinurot sa tagiliran.
'Gago amputa.'
"Mahilig ka ba sa baboy or biik?" Biglang tanong ko sa poging bartender. Nagtataka naman itong tumingin sa 'kin pero agad din namang ngumiti bago sumagot habang nararamdaman kong may nakatingin sa 'kin ng masama mula sa tabi ko.
"Hmm, pwede naman.. bakit mo natanong?" Nakangiting sagot niya. Mas lalong sumama ang tingin ng demonyong katabi ko.
"Type ka kasi nitong baboy kong friend." Kaswal kong sabi at mabilis na umalis sa stool bago pa man ako batuhin ng kung ano ni Chantelle. Halos takbuhin ko pa nga makalabas lang sa Hall at mapunta sa may pool.
Muntik pa akong masubsob ng may biglang sumalo sa 'kin kaya naman agad akong napatingin sa kanya. Mabilis kong minura sa isip ang suot kong heels!
"Hey, careful." Inalalayan naman niya akong tumayo ng ayos at hinarap. Agad akong napalunok.
"Jayden Paul," Sambit ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang maalala ko ang mga pinagsasabi ko nung nagkita kami sa Mall. Agad kong napansin ang suot nitong manipis na kulay asul na longsleeve polo habang nakarolyo ang bawat sleeves nito hanggang siko, itim na slacks at black shoes. "Sintas mo." Barumbadong sabi ko. Agad naman siyang napatingin roon at tinignan ako.
"Loko ka, wala namang sintas ah." Bobong sabi niya pa habang natatawa. Tumawa rin tuloy ako at pabirong sinuntok ang braso niya. Ang tigas te. "Nakadamit ng pangbinibini pero ang suntok pangmaginoo."Reklamong sabi niya habang hinihimas ang braso niyang sinuntok ko.
Sinamaan ko naman siya ng tingin, "Hindi ko gusto ang pananalita mo." Sabi ko habang nakataas pa ang isang kilay at inirapan siya. Tumawa naman siya agad at piningot ang ilong ko. Lalo tuloy akong nainis.
"Biro lang, binibini." Nakangiting sagot niya pa. Naramdaman ko na para bang may nakatingin sa 'kin kaya napalingon ako sa paligid namin at mabilis na nagtama ang paningin namin ni Damien kaya mabilis naglaho ang ngiti sa labi ko. Agad itong umiwas ng tingin at basta nalang tinulak si Kuya Neil sa pool, mabuti na lamang ay nakasuot ito ng board short at white shirt. Gago talaga 'tong si Damien.
"Louise, about pala sa sinabi mo last time. You're right. Dapat nga talagang may paninindigan ako bago ka landiin kaya nama--" Nakahinga ako ng maluwag nang may biglang lumapit sa 'min, 'yung mga anak-anakan ko noon sa Ushering. Sobra naman ang pagngiti ko dahil dalaga na ang mga ito.
"Ate Louise! Huhu! Na-miss ka po namin!" Bigla naman akong nalungkot kaya halos maiyak ako nang mayakap ko sila. Nakita ko pa si JP na pasimleng napakamot sa ulo at umalis para mabigyan kami ng privacy.
"Hoy, kayo! Mabalitaan ko lang talaga na may mga jowa na kayo, pipingutin ko mga tenga ninyo." Pabiro kong pananakot. Nataranta naman ang iba sa kanila kaya agad akong natawa. "Biro lang. Malalaki na kayo kaya pwede na."
"Talaga po, ate?"
"Weh, 'di nga?"
"Yun oh!"
Halos batukan ko sila isa-isa. Mga batang 'to talaga. "Basta, kapag nasaktan kayo.. ayos lang 'yon, ha? normal lang ang masaktan. Atleast, naranasan niyo ang magmahal." Nakangiting sabi ko pa.
"Eh, ate, ikaw po ba? may jowa kana?" Tanong ng isa sa kanila. Napasimangot tuloy ako kaya mabilis siyang siniko ng isa sa kanila.
"Sabi sa 'yo, wag mo ng tanungin eh," Bulong pa nito sa kanya. Natawa naman ako bago sumagot.
"Wala eh." Sagot ko nalang.
"Ay, ate!" Napalingon naman ako sa isa kanila.
"Oh?" Sigang sagot ko kaya natawa siya.
"May irereto po kami sa 'yo." Napakunot naman ang noo ko nang hilahin nila ako sa loob ng hall at tinulak papunta sa isang matangkad na lalaki kaya agad akong napasubsob sa dibdib nito. Nasalo naman ako nito kaya hindi ako natumba.
Hinarap ko siya at nanlaki ang dalawa kong mata nang makitang si Damien pala 'to. Bago pa ako makaalis sa kanya ay may biglang tumugtog na kanta kaya agad napakunot ang noo ko. Napatingin ako sa paligid namin at nakitang may mga by partners na. Pinansingkitan ko pa ang mga anak-anakan kong tumulak sa'kin, nag-thumbs up pa ang mga ito. Nakita ko pa si Chantelle na malanding nakakapit na sa poging bartender.
Napailing ako at napatingin muli kay Damien, nakangiti na ito habang ang isang kamay ay nasa likod at ang isa ay nakalahad sa 'kin. Hindi ko alam kung dapat ko bang tanggapin dahil baka mapahiya siya kung hindi.
'Was there a lifetime waiting for us
In a world where I was yours?'Bago ko pa man matanggap ay kinuha niya na ito, marahan na tinaas at hinawakan habang ang isang kamay ko ay kinuha niya para ilagay sa balikat niya habang ang isang kamay niya ay marahan na nilagay sa likuran ko, banda sa may bewang.
'Paper planes and porcelain
Smell of rain through the window pane
And the sight of you
Oh, you were a good dream'Tahimik kaming dalawa habang marahan akong isinasayaw. Sinabayan niya pa ang kanta kaya mas lalo akong nababaliw sa sitwasyon namin ngayon.
"I was scared to lose you then.." Taimtim niya akong tinignan at basta nalang pinatong ang noo niya sa noo ko, "But secrets turn into regrets.."
"Buried feelings grow.." Ako na ang nagtuloy, "Oh, you were a good dream."
"Was there a lifetime waiting for us, In a world where I was yours? Was it the wrong time, what if we tried giving in a little more? To the warmth we had before?" Tila parang nangungusap ang mga mata nitong nakatingin ng direkta sa 'kin.
'Tangled with another's eyes'
"Never mind, you were never mine.." Pikit matang pagkanta nito.
'Glimpse of me and you
Oh, you were a good dream''Was there a lifetime waiting for us
In a world where I was yours?
Was it the wrong time, what if we tried
Giving in a little more?Hinila niya ako bigla payakap habang patuloy pa rin na isinasayaw.
I'd spend a lifetime waiting in vain
Just to go back to the way we were before
Was it the wrong time, what if we tried
Giving in a little more?
To the warmth we had before'"Is there a lifetime waiting for us? All this time, I have been yours," Hindi ko mapigilang mapasabay sa pagtatapos nito at dahan-dahan na niyakap siya pabalik.
"I love you."
To be continued...